Alex's POV
"BREEEEGS!"
Nagulat ako ng may tatlong lalaki na biglang bumungad sa pinto. Mga ka-age siguro namin to.
Yung dalawa, may dalang gitara. Yung isa naman, wala siyang dala.
"MGA TOL!" Nagulat din naman ako ng biglang sumigaw si Jared at nakipagmanly hug dun sa tatlong lalaki.
"Teka teka, asan si---"
Hindi na natuloy ni Jared yung sasabihin niya nung pumutol sa kanya yung maputing singkit.
"Nasa Cebu, bregs."
"Ahhh---"
Ako naman ngayon ang pumutol sa kanila.
"Ehem."
Nice Alex. Ehem lang ang lumabas sa bibig mo. Nice.
"Ay may tao pala!" Gulat na sabi nung isa pang maputing singkit.
Ay hindi, walang tao. Hologram lang ako. -_-
"Oo nga no. Di ko napansin."
-_-
Oo, invisible daw kasi ako.
*PAK*
"Aray!" Sabay na sabi nung isang singkit na maputi at nung maputi. Binatukan kasi sila ng sabay nung isa pang singkit.
Leche. Ang hirap naman kapag hindi ko alam yung pangalan. Lahat maputi lahat singkit! Ang gulo.
Eto namang si Jared, nakatingin lang din sakin.
"Pasensya ka na sa mga kasama ko ha? Mga kalog utak niyan eh. Seth Gothico nga pala. Seth na lang." Nakangiting sabi nung nambatok dun sa dalawa.
Ang galang masyado nung Seth. Pero atleast, marespeto sa babae. Hmmm...
"Makakalog naman to. Uhm, JC Padilla." Pakilala naman nung maputi.
Etong JC naman, parang madaldal tsaka childish pero kontrolado.
"HALUUUU! Ako si Katsumi Kabe pero Kats na lang!" Eto namang isa, mukhang masyadong nakalaklak ng asukal kasi sobrang hyper.
"Ikaw? Sino ka?" Sabay sabay na tanong nung tatlo.
Bwisit na Jared to, nanahimik na talaga.
"Ah. Alex Estoesta." Pakilala ko naman sa kanila sabay ngiti ng matamis.
"Kaano ano mo si Alex, Jared?" Tanong ni Seth kay Jared. Natigilan naman tong si Jared sa tanong ng mga kaibigan niya.
"Ah-eh. Fian---" Sasagot na sana ko pero nung magsasalita na ko, tsaka naman sumingit tong si Jared.
"Girlfriend ko!" Mabilis na sabi ni Jared.
"WEH?!" Gulat na sabi nung tatlo. Sabagay, sino ba namang hindi magugu---
Wait.
Buffering...
Buffering...
What?! Girlfriend?
"Oo nga. Girlfriend ko siya. Bakit? Angal?" Tanong ni Jared dun sa tatlo sabay hawak sa kamay ko.
Gulp.
Intertwined.
"Eh pano si Zharm?" Tanong nung Katsumi.
BINABASA MO ANG
Choice (Kathniel)
FanfictionSabi nila, kapag ang isang bagay nakatadhana na para sa atin, wala na tayong CHOICE kundi sundin na lang ang path. Sabi din nila, wala na daw tayong CHOICE kundi gawin na lang kung anong nararapat. Eh paano kung sunod sunod na problema ang iharap...