Chappy 1.

960 31 15
                                    

Hi LoveHater025. Ha, alam kong hindi ito yung inaasahan mong dedication pero gusto ko lang talaga sanang idedicate sayo tong chapter ko na to. Di bale, i-dededicate pa din naman kita sa "Who are you?" :)) 

Thank you ng maraming marami!

Alex's POV

It's been 3 weeks simula nung makilala ko si Jared. At sa 3 weeks na yun, hindi na ulit kami nagkita. Pagkatapos ko sabihin yung "I'm dying" tumakbo na ko palayo sa kanya. 

At ngayon, nandito ako sa bahay, mali. Sa kwarto ko lang pala. Nakahiga ako sa kama ko at binabasa ko yung favorite kong book na sinulat ni John Green na The Fault in our Stars. 

At nang malapit na kong maiyak sa kwento, may kumatok sa pinto. 

"Nak?" Si Mommy. 

"Yes, Mi?" Umupo ako at hinarap si Mommy. 

Naka semi-formal siya na damit. Anong meron? 

"Magbihis ka ng semi-casual ha? May bisita tayo." Ngumiti sa sakin. Tumango na lang ako at pumasok na sa banyo para kahit papano, makaligo ako. 

---------------------------------

Pagkatapos ko maligo, pumunta na ko sa walk in closet ko. 

Ay wait, nakalimutan ko bang sabihin na mayaman kami? Sorry naman, haha. Pero yun nga, mayaman nga kami. Kami ang may ari ng dalawang kumpanya na sikat at angat. Isa sa Pilipinas at isa sa states. 

Pagpasok ko sa walk in closet, kinuha ko agad yung pinaka elegant kong dress. Kulay brown yung dress at meron siyang white ribbon sa may bandang waist. Hinayaan ko na ding nakalugay yung medyo kulot kong buhok. Meron din itong highlights na kulay light brown kaya bagay sa suot ko. (Buhok ni Chichay, omg!) 

Paglabas ko ng kwarto, kakatok pa lang pala sana si Mommy.

"Ganda mo talaga, nak!" Masayang sabi ni Mommy. Napangiti naman agad ako sa puri ni Mommy. 

Yan si Mommy, kakampi ko yan sa kahit ano. Bestfriends kami niyan eh. Alam niya lahat tungkol sakin. Pati yung sakit ko alam niya. Parents ko pa lang ang may alam tungkol sa sakit ko. Pati na din si Jared alam. Pati na din yung kababata ko. 

"Naks! Thank you, Mi!" Sabi ko naman tapos niyakap ko siya. Yumakap naman siya pabalik.

Kumalas agad kami sa yakap ng lumabas si Dad sa kwarto nila ni Mommy. 

"Dad." Bati ko sa kanya ng nakangiti. 

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Di ka na baby, Nak!" Masayang sabi naman ni Dad. Agad naman akong napatakbo at napayakap sa kanya.

"Sus, Dad. Baby mo pa din ako no!" Masayang sabi ko. 

Ngumiti naman si Dad. Pati si Dad, naka sami-formal. Naka polo siya at khaki pants. 

Maya maya, may nag-doorbell saamin. Bumaba naman kami para tignan kung sino. 

"Kumpare!" Masayang sabi ni Dad pagbukas niya ng pinto. Sumalubong naman sa kanya ang isang, omg kaedad ba to ni Dad? Bat mukhang mga nasa late 20's lang? 

"Pare, kamusta? Ang tagal na nating hindi nagkita ha!" Masayang bati naman sa kanya nung lalaki. 

Sunod naman na pumasok ang isang magandang babae. 

"Mareeee!" 

Aray shemay! Nagulat ako kay Mommy nung bigla siyang sumigaw ng malakas. 

Choice (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon