Chapter 1 - Late!

344 14 2
                                    

S A V A N N A H.

*Wake up baby! Wake up!*

Medyo nagising ako sa alarm tone ko. Oo, alarm yun! Pero wala akong boyfriend ah? Nakuha ko lang sya sa youtube. Boses ni DJ yan. Ayun, dinownload ko na. Hahahaha! Ang baliw ko na ba? Sorry! :P Ughh... Teka. Anong oras na nga ba?


I rubbed my eyes at itinuon ito sa orasan sa kwarto ko.

|| CLOCK: 7:45 am ||

"What the! 7:45 na pala?! Ano ba naman yan! Late na ako sa first subject ko!"

Hi! Ako si Sav. Savannah Villafuerte. Habang naliligo at nagmamadali ako para sa klase namin, ipakikilala ko muna ng lubusan ang sarili ko. 19 years old na ako at graduating college student na ako at kung nagtataka kayo kung bakit ang bata ko pa, accelerated kasi ako ng isang taon. Isa akong Civil Engineering student sa Winston University. Madaming nagsasabi, panlalaki daw yung course na kinuha ko. Eh.. Sa anong magagawa ko? Math ang forte ko eh! Hahaha. At oo nga pala, Dean's lister ako. Oh diba? Ang galing ko! Joke! Dean's Lister ako, pero ano? Late ako! -_-"

Mayaman ang pamilya namin, may company nga kami eh. :) Pero kahit ganun, never akong ini-spoil nila mama, at nagaaral akong mabuti noh! Para hindi ako puro asa kila mama.

 BACK TO REALITY. Tapos na akong magayos at heto ako ngayon, TODO TAKBO! Paano, naiwan ako ng service. -_-"

GO MIGHTY SAVANNAH! GOOO!!!

Ayun! May taxi! "TAXI!!! TAXI!!!"

|| Time check - 8:15 am ||

Super late na ako, BUTI NALANG NAKASAKAY AKO NG TAXI! Grabe! Kapagod tumakbo nga bongga!

"Kuya! Dyan lang po sa may Winston University, Eto na po yung bayad. Keep the change na. Maraming Salamat ho!" tapos bumaba na ako ng taxi.

|| Time Check: 8:25 am ||



Hala! Sige Sav! Takbo! Run Savannah! Run! Andyan na yung mga unggoy! Jokee!

I Never KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon