"Ayyyieeeeee. Pumapaibig si Jewel.""Oyy may crush siya kay Sceven. Ayyieeeeeee."
Tinakpan ko yung tenga ko dahil ang ingay nila. Hindi ko nga alam saan nila nalaman yung issue. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil damang dama ko ang kaba at takot.
Hindi lang sa kaba na nararamdaman ko.
Kinakabahan lang talaga ako baka malaman ni Sceven na isa akong babaeng nagkaroon ng paghanga sakaniya.Hindi lang sa takot akong asarin ng mga kaibigan ko. Takot akong mareject. Takot din ako mahulog baka sa huli hindi niya ako masalo.
Lagi naman ganito eh. Basta sa pag-ibig may pinagdadaanan. Minsan masaya, minsan malungkot. Hindi yan maiiwasan, hindi lahat may pag-asa meron din may paasa.
WTF!
Wala Talagang Forever!
Lagi akong inaasar ng mga kaklase ko. Halos lahat ng mga estudyante dito sa school ay nakakaalam na.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano na ang gagawin ko? Baka kasi kumalat pa sa boung campus na may isang assumera. Ayaw ko pa naman ng ganun kapag nalaman na nila ang totoo na may crush ako sa isang napakagwapong lalaki slash isang sikat ng campus hearthrob?!
Okay lang, sa ganda kong 'to.
Hindi lang sa pagmamayabang. Maganda na talaga ako dati.
Ngayon din.
The one famous and handsome boy hindi niya ako papayagan na magkaroon ng paghanga sakaniya. Eh crush lang naman hindi boyfriend.
Minsan may mga ganyan talaga, hanggang tingin ka nalang.
Mabuti pa iyong mga lalaki pwede silang pag-agawan ng iba. Pag magkaroon sila ng crush. Tutal hahanap din sila ng mas maganda pa.
Liligawan na nga tapos iiwan din nila. Mga walang kwenta.
May mga ibang lalaki gusto mag-apply ng kurso katulad ng Seaman.
Seaman na nga, Seamanloloko pa!
"Paparating na si Sceven!!"
"Kyaaaaaaaah." Dinig ko yung hiyaw ng mga kaklase ko. Hiyaw na nga nagsisigawan pa ng malakas. Psh, sakit sa tenga pag nabasag yung eardrum ko hindi ko na kayo papakinggan kahit kailan.
Lumabas yung mga kaklase ko fans ni Sceven maliban sa mga lalake. Tahimik nakaupo yung mga lalake sa pwesto nila habang nagcecellphone.
Mga boys talaga kahit kailan puro tahimik. Yun nga, wala akong ibang alam sa mga lalaki. Hindi mo naman talaga mababasa yung mga utak nila. Mga patago pang nilalaman.
Dapat sana sabihin nila yung kanilang nararamdaman para malaman namin kung ano ang ugali ng mga lalake.
Hindi ko namalayan nandito na pala si Sceven. Nakarating na, yung feeling na may gana kang pumasok sa school 'pag andiyan si crush.
Nahihimatay na ako sa kilig ngunit hindi ko pinapahalata noh. Baka makita pa ako ng iba tapos aasarin na naman nila ako. Nakakahiya kaya, nandito pa nga si crush sa loob ng room.
Baka nagtataka kayo kung bakit nandito si crush sa room namin. Isang malaking announcement, KAKLASE KO PO SIYA! Capslock nalang para intense.
BINABASA MO ANG
PAASA KA!
Short StoryTalaga bang may paasa? O talagang ikaw lang yung umaasa. Wala naman kasing aasa kung wala ring magpapaasa.