PK(3)

7 0 0
                                    

Jewel

"What to do? Mega! Hasta jung lisuda. Pero kayang-kaya. With detemination. Operation, function and equation, estimation. Ha owa ha yeah!"

Patalon talon pa ako habang kinakanta ang own version sa Oh Ah ng Twice ng bisaya kong kapitbahay na ginamit daw nila sa math jingle nila sa school. Kahit hindi ako maka k-pop, na LSS parin ako dito sa version nila! Haha

"Let me see, let me see your panty. Aint no easy, think abaut it twice!"

"Let me see, let me see your panty. Aint no easy, think about it twiiiice!!! Yeah ba!!!"

"Ano ba Weng-weng! Para kang baliw jan sa salamin! Bumaba ka na nga dito at kakain na!"

Napa tingin ako kay mama na naka kunot ang noo habang naka dungaw sa pinto ng kwarto ko.

Sheeet!! Nakita nya ang kabaliwan ko!!

"Mama! Kumatok ka nga muna!"

Sigaw ko. Eiiihh! Kahit nanay ko yan, nakakahiya parin! Aasarin na naman nila ako ehh!!

"Aba! Hoy Weng-weng! Kung ayaw mong isabit ko sa labas yang mga panty mo para makita ng buong baranggay, bumaba kana! Kanina ka pa tinatawag eh. Hala baba!"

Ay! Grabi sya ohh!

"Wag naman po nay. Hehe. Bababa na nga po ehh. Peace yow nay. Pero nay, wag pa Weng-weng! Para lang po kasing pina slang na Wang-wang ehh!"

Sabi ko sa maganda kong nanay.

"Jewel Elise Imperial!! Baba!"

"Waah!! Bababa na po!!!"

Napatakbo nalang ako ng muntik na nyang ihampas sa akin yung tambong dala nya! Grabii sya!! Scary talaga tong maganda kong mudra-,-

Dumiretso na lang ako sa mesa at nakita ko si papa na kumakain kasama ang pangit kong kapatid.

"Morning tay, morning Buknoy pangit!"

Bati ko sa kanila at halik kay tatay sa pisngi sabay dila sa bunso kong kapatid na si Buknoy.

"Tay oh! Si ate!"

"Jewel..."

Tsss.. Sumbungero kahit kailan.Napa ikot ang mata ko 360 degrees nang  dinilaan lang nya ako. Tsk. Ang ganda ng batian namin sa umaga.

Bumaba na din si nanay ilang sandali lang at sabay na kami kumain. Ito ang gusto ko sa pamilya namin. Kahit hindi kami mayaman, atleast palagi kaming buo sa mga importanteng panahon kagaya ng kainan. Hindi tulad sa ibang mayayaman nga, palagi naman silang kulang dahil busy palagi. Im just happy and contented with my family right now. Chos!!! Ume-english na ako!

"Hoy Weng-weng. Pagkatapos mong kumain ay bantayan mo ang tindahan natin ha. Pupunta kami ni Buknoy sa palengke tapos pupunta pa ang tatay mo kina Tyong Albert mo. Mag bantay ka ng bahay ngayong wala kang pasok. Intendes?"

Aish! Heto na naman si nanay sa walang katapusang utos nya.

"Opo nay."

Sagot ko nalang sabay tuloy sa pagkain.

Tuwing kumakain kami, hindi katulad ng ibang pamilya na ang tahimik. Puro kami biruan at tawanan, pero hindi naman yung masyado dahil respeto sa grasyang nasa harap namin. Ayaw kasi namin na masyadong seryoso ehh. Yung tipong happy lang!

"Weng-weng, kamusta naman ang mga grades mo?"

*ubo* *ubo*

"P-po?"

"Grades mo?"

Lagot, nagtanong na sila.

Hindi naman sa mababa ang mga grades ko. Talagang hindi lang talaga kataasan. Eh nangako ako sa kanila na tataas na ang grades ko this school year, kaso mahirap ehh T.T

PAASA KA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon