PK(5)

6 0 1
                                    

Jade

Hello madla! Nandito nga ako! Ang gwapong si Jade Louie Imperial. Ang pinsan ni Jewel Elise Imperial na may lihim na pagnanasa sa tropa kong si Sceven Blue Dela Corta. Pero secret lang na sinabi ko sa inyo dahil baka hindi na ako pakopyahin sa math nun. Mahirap na-,-.

At kung hindi pa halata sa inyo, magkapatid ang mga tatay namin. Nauna ng dalawang taon lumabas ang tatay ko sa tyan ng lola namin. Sa sobrang gwapo ni tatay, hindi na sya makapag hintay na ipamahagi sa mga kababaehan sa mundo ang gwapong lahi namin. At sa tulong ng pana ni kupido, nabihag ng maganda kong nanay ang nalulungkot na puso ni tatay. At bago pa ikasal, nabuo na ako sa tyan ni nanay. Oh diba, ang atat? Wala pang kasal, naadvance na ang honeymoon. Haha.

Kaya meron ngayong poging nagbabahagi ng kanyang nakaka antig na talambuhay sa inyong harapan. At bago ko pa sabihin ang buo kong talambuhay, ay mabuti pay aalis na ako dahil marami pang chics ang naghihintay sa akin sa school. Nyahaha.

"Nay, tay! Alis na ako!"

Sigaw ko sabay kuha ng tinapay sa mesa. Sa school na ako kakain. Sa mga chikababes palang kasi busog na ako. Hehe

"Sige anak! Humayo ka na at magparami--aray naman mahal!"

"Kaya lumalaking sutil yang anak mo dahil sayo. Tsk. Oy Loloy! Kumain ka muna."

Haist. Talaga naman tong si nanay. Sige pagsigawan nyo pa ang maganda kong palayaw-,-

"Hindi na nay! Sa school na lang. Mas maraming nakakabusog dun ehh. Nyahaha."

Makahulugan kong turan sabay tingin at ngisi kay tatay na naiintindihan naman ako at nag thumbs up pa sa akin. Pero as usual, piningot ni nanay sa tenga.

At bago ko pa marinig ang minamais na na paglalambing ni tatay kay nanay, dumiretso na ako sa sakayan ng tricycle. Saktong malapit nang mapuno kaya patakbo na akong lumapit.

"Oh iho, dito ka sa likod. Mabuti naka abot ka."

Ani mang driver. At as usual sa likod ako naka pwesto. Alam kasi nila hindi ako kasya sa unahan. Ang laki ko raw kasing tao, parang kalabaw. Ihalintulad ba daw sa kalabaw-,-

Pero  mukhang iba yata tong araw na to sa nakaraang araw na sasakay ako.

Sa tuwing sasakay ako, kung hindi bata, lalaki o di kaya ay matanda ang katabi ko. Pero mukhang dininig ni bathala ang hiling ko at ngayoy may makakatabi akong magandang chicks!

At dahil dakilang gwapo lang, hinanda ko muna ang aking killer smile at naghandang kausapin ang dalaga sa aking harapan.

"Ahh. Hu miss. Makiki upo ako ha?"

Pero biglang nawala ang ngiti ko ng hindi manlang nya ako nilingon. Aist. Dont worry Jade Gwapo, hindi ka lang siguro yan narinig. Naka earphones ehh. Oo ganun nga. Haha.

Kahit ganun, naupo na lang ako sa tabi nya. May space pa para sa akin at nakatingin lang sya sa gilid na nakalagay ang ulo nya sa kamay nya. Gets nyo? Edi wag. Tss.

Kung ano-ano na ang ginawa ko para mapansin nya ako. Hindi pa kami naka alis kasi may binalikan pa yung ale sa bahay nila. Importante daw kaya hinintay muna namin.

Tumikhim, kumanta, at kung ano pa ang ginawa ko para makuha ang atensyon ng magandang binibini sa gilid ko pero mukhang wapakels parin sya ehh. Haist.

Hanggang sa...

"Ang panget ng katabi ko!!!
Ang panget ng katabi ko!!!"

Napalunok ako ng ilang beses matapos tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Walanjo!! Pinalitan ko pala ang ringtone ko kaninang umaga pang trip sa tropa at kay Jewel. Pero mukhang...

Napatingin ako sa katabi ko...

Gulp...

Ang sama ng tingin nya sa akin!!

"Tsss."

O.o

Waah! Kanina pa sya tahimik at yun lang ang una nyang ginawang ingay. At dahil pa talaga sa kabadtripan nya sa akin!T.T

Binalik nalang nya ang tingin nya sa gilid gaya kanina at binalik ang earphones nyang nahulog.

"Oh ano iho, edi supalpal tayo? Bulok at palpak diskarte mo ehh. Hahaha."

Napasinghal nalang ako kay manong na tinawanan lang ako. Tss. Utot mo manong... mabaho. Malamang, alangan mabango diba? Nalintikan na, binabara ko na ang sarili ko. Haist. Dahil to sa katabi ko ehh. Nakakabaliw sya!!

At umalis na kami na hindi manlang nagkikibuan. And for the first time in history ni Jade Louie Imperial na dumating sya sa school na tahimik...

----

Binigyan ko lang ng hustisya si Jade. Haha.

Sige. Votes and comments

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAASA KA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon