Jewel
Tinutuo nga ni Jade ang sinabi nyang ipagpapaalam nya ako kay nanay. Hindi ko alam kong anong nasa isip nito, at hindi ko alam kong maganda ba ito o kabaliwan na naman nya.
"Basta Jade, bantayan mong mabuti tong pinsa mo ha. Pingutin mo kung manligaw yan ng gwapong lalaking kasama nyo."
WTF?! Ako? Manliligaw?! Ako pa talaga?!
"Ma! Maria Clara ako! Grabe naman kong ako mangligaw ano. Hmmp!"
Ang walanyang Jade, bungisngis lang ng bungisngis sa gilid.
"Hihi. Dont cha worry tita, hindi sya makakadiskarte sa mga kaibigan ko. Haha."
Baliw talaga!
--Dumiretso na kami ni Jade sa court ng baranggay namin. Nauna na yung iba kasi sabi ni Jade sya nalang daw susundo sa akin at yung iba mag hahanda na.
Kalaban nina Jade yung isang grupo sa kabilang school. Parang paghahanda na rin nila ito sa piyesta sa susunod na buwan. Kasali si Jade sa liga ehh. Para kasi syang yung unggoy na si Sakuragi sa Slam Dunk. Haha. Tapos si Sceven ko si Rukawa. Hihi.
"Oy Jade pare dito!"
Napatingin kami sa isa sa mga kaibigan ni kuya na tumawag sa kanya. Sa pagkakatanda ko Aaron ang pangalan nya ehh.
"Oy Weng-weng, dito ka muna. Bihis lang ako. Wag mong masyadong pagnasaan ang mga kasama ko. Malalaman nilang may pagkamanyak ang pinsan ko. Haha."
What?!
"Sira ulo! Umalis kana nga lang ulol. At tawagin mo pa akong Weng-weng, ipagkakalat ko sa lahat na naka apak ka ng tae ng kalabaw noon."
Haha. Epek ang mukha ni mokong. Totoo naman. Sikretong malupit nya yan ehh. Grade 5 kami nung makatapak sya ng tae ng kalabaw nung pumunta kami sa bukid ng lola namin.
"Waah! Wag Jewel! Parang awa mo na! Oo na, hindi na."
Haha. Buti nga sayo unggoy.
Umalis narin si Jade para mag bihis. Ilang sandali nalang kasi magsisimula na ang laro.
Umikot sa buong lugar ang paningin ko. Naghahanap ng isang tanawin na makakabusog sa uhaw kong mga mata.
Asan ka na ba?
Warning: Hot Overload! *eng eng*
Waaah! Nakita ko ang taong kanina ko pa hinahanap!
Bagay na bagay talaga sa kanya ang jersey nya. Ang cool at ang hot nya!
Binasa nya rin ang buhok nya ng konti na mas nakadagdag sa dating nya.
"Sino yun? Ang wafu teh!"
"Saan?"
"Yung number 11 ang jersey! Ang wafu! Kasama yata nina Jade ehh."
"Waah! Oo nga! Tara lapitan natin!"
"Sige!"
Sinundan ko ng tingin kung saan yung lalaking sinasabi nilang gwapo. At halos umusok ilong ko ng makita kong kay Sceven sila papunta!
Shet! Hoy mga bruhang mukhang mga kinakalawang na paa! Layuan nyo si Sceven ko kung ayaw nyong buhulin ko yang mga fallopian tube nyo at hilahin ko palabas, tadtadin at ipakain sa aso ng kapitbahay naming si Banog!
"Hi kuya pogi! Pwede manghingi ng no.?"
Utang na loob eneng! Wag kang pabebe. Di bagay kasi mukha ka nang gurang ehh!
"Hey girls. Sorry pero hindi pa muna pwede yan kasi may laro pa kami ehh. At saka maawa kayo sa sarili nyo. Tinutorture na kayo sa isip ngayon."
Lihim akong napangiti ng harangan ni Jade yung mga pabebe girls. Nice one Jade! Haha.
"Ay. Sayang naman."
Sayang?! Manghinayang kayo sa mga mukhang paa nyong mukha pag ikiniskis ko yan sa lupa!
Kinikilig paring umalis ang pabebe girls palayo sa court. Tsk.
"Oy tama na yan. Umuusok na ilong mo. Haha."
Napa tingin ako sa gunggong kong pinsan. Infairnes ang gwapo nya sa jersey nya. Well gwapo naman talaga tong si Jade. Sandyang mukhang baliw lang kaya hindi ko masyadong feel ang itsura nya. Pero dahil galing sya sa angkan ng gwapot magaganda gaya ko, syempre may maipagmamalaki talaga. Haha.
"Hindi pa ba kayo magsisimula?"
Tanong ko sa kanya. Nakita ko na nandito na yung kalaban nila. Ang aangas naman nila. Parang makikipag suntukan na ehh.
"Malapit na. Excited ka masyado makita mag laro si Sceven ehh."
Inirapan ko nalang sya. Syempre ayaw ko namang sabihing hindi dahil totoo naman talagang excited na ako ehh. Hihi~
Maya-maya pa ay pumunta na si Jade sa ginta ng court kasama sina Sceven ko. Pati yung kalaban nila pumwesto na rin.
Grabe. Ang seseryoso naman nila. Hoy, laro lang to mga brad! Parang anytime kasi magsusuntukan na sila ehh.
At ayun na nga, nag simula na.
Ayos naman ang laro. Medyo mahigpit ang labanan. Lamang ng 3 points sila Sceven. Infairness, hindi maalis ang tingin ko sa bawat galaw nya. Haha.
Napa tayo ako ng biglang natumba si Jade. Nahagip ng mata ko kanina na siniko ng kalaban ang pinsan ko. Ang daya ahh!
Medyo nagka initan sila sa gitna. Akala ko nga mag susuntukan na ehh. Mabuti nalang naawat sila. Gosh. Larong baranggay lang pero halos mag suntukan na sila? Mga lalaki nga naman ohh. Tsk.
Nagpatuloy ang laban. Magaling din yung kalaban nina Jade. Naglalamangan lang sila ehh. Sa ngayon lamang ng two points ang kabila kaya medyo kinakabahan na ako. Konti nalang ang oras kaya kailangan nilang maka bawi.
Nag time out sandali tapos pumunta sila Sceven sa gilid. Mukhang nag paplano na sila.
Maya-maya ay bumalik na sila sa gitna.
Masyadong mabilis ang pangyayari. 25 seconds nalang ang natitira. Nasa kalaban ang bola at pilit kinukuha nina Sceven at Jade.
Talagang mukhang nagkaka initin na. 10 seconds.nalang.
5 sec.
Biglang nakuha ni Jade ang bola at pinasa nya kay Sceven.
4...
Parang nag slow motion ang lahat habang pumwesto sya na ishushoot na ang bola.
3...
Ayan na...
2...
May kalaban na papalapit at pilit inaabot ang bola na papunta sa ring.
At...
1....
"Prrrrrrttt!!!!"
"Waaaah!!! Ang galing mo Sceven!"
Nagulat ako sa sarili ko ng bigla akong napasigaw.
Ehh kasi!! Nashoot nya yung bola!!! Ang galing ni Sceven ko!!!
Napatingin ako sa gawi nila at nagulat ako ng makita kong naka tingin sila sa akin at naka ngiti ng nakaka loko. Lalo na ang unggoy kung pinsan!! Waahh!! Nakaka hiya naman ako ohh. Potek ka Jewel! Akala ko ba Maria Clara ka?!
Dali-dali kong kinuha ang pagkain ko sa gilid. Sayang kasi kung iiwan ko. Tapos dali-dali akong umalis sa court nung hindi na sila naka tingin. Bahala ka jan Jade! Major pahiya na ako today ehh!!><
-----
Sorry kung sabaw!
Bawi ako sa susunod promise!!Xoxo
BINABASA MO ANG
PAASA KA!
Short StoryTalaga bang may paasa? O talagang ikaw lang yung umaasa. Wala naman kasing aasa kung wala ring magpapaasa.