Rain : The First Time I Meet Rain

15 1 0
                                    

Sunny's Point of View

Sabado

"Sunny ayusin mo na yang mga gamit diyan. Araw na ngayon ng paglipat natin sa bago nating bahay." Narinig ko si Papa.

"Opo pa." Sagot ko sa kanya.

Ako nga pala si Sunny Lee. 15 years old. 3rd year highschool student.

Nag aayos kaming buong pamilya upang maghanda sa paglipat namin mamaya sa bago namibg bahay.

Isa kasing engineer si Papa. At dahil yun ang napiling propesyon, nahihirapan ako minsang makapag adjust sa mga kapaligiran ko sa kadahilang kami ay palipat lipat ng bahay. Kung saan kasi nadestino si papa ay maninirahan kami malapit dun upang mas maging malapit kami sa kanya.

Ayaw kasi ni Papa nang mag isa kaya sobra nalang ang pagmamahal niya sa amin. Ayaw niya kasing napapalayo sa amin.

Dahil sa nasabi kong trabaho ng aking ama ay lagi akong napapalipat ng school. Simula nang mag aral ako ay iba iba na yata ang naging school ko. Halos malibot ko na yata ang Pilipinas sa dami na naming nalipatan.

Ngunit sa pagkakataong ito. Sabi ni papa sa akin ay permanente na kaming titira sa bago naming bahay. Natuwa naman ako sa desisyon na iyon ni Papa. Di na ako mahihirapan laging mag adjust sa environment ko.

Pagkatapos ng mahigit tatlong oras na pag pprepare at pag oorganize ng mga gamit sa truck na pagsasakyan nito patungo sa bago naming bahay ay nagpahinga muna ako ng ilang saglit.

"Sunny! Lumabas ka na! Aalis na tayo." Sigaw ni papa mula sa labas ng bahay.

Agad akong lumabas.

"Sumakay ka na." Sabi ni papa sa akin. Sumakay agad ako sa van namin. Nakahiwalay kasi ang mga gamit namin. Iyon naka truck at kami naman ay sakay ng isang van.

"Ma, saan ba tayo lilipat?" Tanong ko kay mama na nasa likod ng van.

"Ay, di pa ba ikaw nakakapunta dun?" Tanong sa akin ni Mama.

"Di pa ho eh. Di naman ako sinasama ni Papa dun kapag nagchcheck siya doon.

"Ok. Mag antay ka nalang. Malapit naman na tayo dun eh. " di nalang ako nagsalita. Medyo malayo layi rin ang byahe.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Makati.

Medyo malayo rin pala ang lilipatan namin. Dahil nakatira kami sa Las Piñas dati.

Huminto kami sa isang subdivision. Di ito ganun kagara di katulad ng dati naming bahay. Pero halatang masaya dito. Marami kang makikitang tao. Di katulad sa dati naming tirahan na di masyadong interactive ang mga tao sa kanilang mga kapitbahay.

Naglakad lang kami ng kaunti at narating narin namin ang sinasabi nilang bahay sa akin.

Maganda siya. Di ito ganun kalaki pero sa tingin ko ay kasya at tama lang kami dito. Dahil 5 lang naman kami sa pamilya. Ako, si mama at papa pati na ang dalawa kong kapatid na si Summer at Winter.

Natutuwa ako sa dalawa kong kapatid. Kambal sila. Pareho silang mga lalaki. Kung ano ang pangalan nila yun rin ang ugali at characteristics nila. Si Summer, ay napakadaldal at laging active sa kung ano ano. Kabaliktaran naman Ni Winter. Tahimik ito at animo'y nag iipon ng laway.

Inayos na namin ang mga gamit sa loob.

Ilang oras rin ang itinagal ng paglilipat ng mga gamit at pag aayos nito mismo sa loob ng bahay.

Nakakapagod.

Pumunta ako sa kuwarto ko.

Ang ganda.

Story Of My: RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon