Unknown

58 2 0
                                    

~~

Unknown 

Masakit makitang may kasama kang iba 

Mas masakit kumapit sa taong bumitaw na 

Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ipinaglalaban ko pa 

Isinusuko mo na

Ang galing naman

Walang tayo pero kaya mo pa din akong saktan

Na akala mo wala akong pakiramdam

Anong tingin mo sakin laruan? 

Tao din, napapagod 

Taong sa pag ibig ko sayo'y nalunod 

Hindi ako sumuko kahit ako'y natutuod 

Sapagkat itong puso ay ikaw ang siyang sunod 

Sobrang liit na ng mundo para sating dalawa 

May dumating pang iba 

Hindi na ako makahinga 

Taong sisira sa buhay na binuo nating magkasama 

Makasama ka ng maikling panahon ay nakakabitin 

Kahit sayo ay may iba ng umangkin 

Bawat oras ay kailangang sulitin 

Dahil alam ko ano mang oras mawawala ka na sakin. 

Hindi man ako yung taong sayo'y nakalaan 

Mahal kita at di kita kayang saktan 

Kahit paulit ulit mo akong iwan. 

Tatanggapin pa din kita ng walang pagaalinlangan.  

~~

--Rose

Please vote if you like this one and comment your thoughts

To You (POETRY COLLECTIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon