Biyahe

53 1 0
                                    

~~~~~

Biyahe

Itinaas mo ako ng sobrang taas

Sa ere kung saan ako ay minalas

Sa lugar na ang puso ko'y iyong itinakas

At pinagkaitan ng lakas.

Minahal kita ng higit pa sa akala mo

Sa akala ng lahat ng tao

Na wala akong nararamdaman para sayo

Mga hinuha niyong sinaktan ako ng todo.

Iniisip ko kung ano pa ang silbi ng buhay

Kung ipinaramdam mo na ang pagmamahal ko'y walang saysay

Na kahit kailan ang pagibig nati'y hindi magsasabay

Dahil sa biyaheng ito ako na lang ang nakasakay.

Nakababa ka na pala ng hindi ko nalalaman

Iniwan mo akong hindi makabangon sa kinalulugmukan

At babalikan mo na lang na parang walang nakaraan

Na akala mo hindi ako nasaktan.


Minsan mo ng binitawan ang salitang "mahal kita"

Ngunit paulit ulit sa aking isipan ang salitang "mahal mo din siya"

Kung papiliin kita "ako o siya?"

Wag na, alam ko na, mas mahal mo siya.

~~~~

--Rose

Please vote if you like this one and comment your thoughts

To You (POETRY COLLECTIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon