Prologue

10 1 0
                                    


Prologue

Tatanungin ko kayo, masaya ba mamuhay ng normal?

Yung tipong papasok ka sa eskuwelahan ng umaga, mag-aaral, tapos uuwi ng hapon.

Yung tipong pupunta ka sa bahay ng kaibigan mo para mag-usap kayo, sabay na gumawa ng homework, o magkukulitan lang.

Yung tipong tutulong ka sa nanay mo sa pagluluto, paglilinis, at kung anu-ano pang gawaing bahay.

Yung tipong tutulungan mo ang tatay sa pag-aayos ng sirang dingding, linya ng kuryente, at kung anu-ano pang pwedeng ayusin sa bahay niyo.

Yung tipong paggising mo ay mas puproblemahin mo pa kung anong susuotin mo kaysa sa kung paano ka mabubuhay.

Yung tipong pagmamasdan mo ang magagandang tanim na halaman sa tabi, hindi ang mga bintana na maaaring may taong nagbabadyang gumawa ng masama.

Yung tipong ang sinisilip ng mga lalaki ay ang butas na dingding ng banyo ng mga babae, at hindi ang isang scope ng isang sniper rifle.

Yung tipong puproblemahin ng babae ay kung anong magandang isuot niya kapag gagala, hindi kung gaano kaepektibo ang suot na kevlar vest kapag lalabas.

Bakit ganito ang aking tanong? Simple lang. Kasi hindi ako namumuhay ng normal. At least, hindi normal sa mata ng karamihan.

At hindi lang ako ang nakakaranas nito. Ganito din ang mga katulad ko.

Hindi naman iba ang lahi namin sa inyo. Kami ay mga normal na binata at dalaga lang. May mga pangarap at mithiing gustong makamit. At karamihan sa amin ay pare-parehas ang gustong makamit, ang mamuhay ng normal.

Ano nga bang dahilan kung bakit hindi kami namumuhay ng normal? Kami, mga babae't lalaking nasa edad na 12 hanggang 19, na maaari mo ring sabihing mga 'teenagers', ay isinalang sa isang programa ng gobyerno para mabuhay nang independent at matutong makipaglaban ng sarili.

Programa sa mga mata nila. Pero, para sa amin, patayan. At hindi iyan ang talagang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong programa. Ginagawa nila ito para masanay kami sa labanan para hindi na maulit ang pagpatay sa mga binata't dalaga na nangyari sa nakalipas na gyera, mag-iisandaang taon nang nakalipas.

Oo, patayan. Hindi lang ilang oras, araw, linggo, o buwan ito. Hindi nga din iisang taon lang.

Sa buong adolescent years namin ay makikipagpatayan kami at gagawin ang lahat para manatiling buhay.

Ganito ang buhay naming mga dalaga't binata. Ito ang istorya naming tinatawag na Lost Generation.

Lost GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon