Chapter 1.

12 0 0
                                    

Act 01: Twin Flowers Arc. Chapter 1...

Ritennia. Isang bansang binubuo ng dalawang halos magkasinglawak na pulo na pinaghiwalay ng isang kipot, na tinatawag na Border of Life and Death, o BOLD Strait. Tama nga naman. Dahil ang dalawang pulo na ito ay halos magkabaliktad ang estado, parang life and death nga, at ang mga nagbabalak na tumawid nito ay silang ring matatawag na matapang, o Bold nga naman sa ingles.

Ano nga namang dahilan nila para pumunta sa kabilang pulo?

Ang hilagang Pulo, commonly and easily known as Ritennia North, ay ang mas malaki sa dalawang pulo at ang siyang pinaninirahan ng mga normal na tao. Shopping malls, amusement parks, game centers, at iba pa. Simbahan, ospital, at iba pang public facilities. Ito ang ineenjoy ng mga taong naninirahan sa Ritennia North. Walang elementarya at hayskul dahil wala namang makikinabang nito. Walang mga binata't dalagang dapat sana ay nasa high school at ang mga bata ay maagang sinasanay sa labanan para sa pagdala sa kanila sa 'kabila'.

Ang 'kabilang' tinutukoy ay ang Ritennia South. Dito ngayon naninirahan ang mga binata't dalaga, na ang tawag nila sa sarili nila ay Lost Generation, at mananatili sila dito hanggang sa pagtungtong nila sa edad na dalawampu. Katulad ng sa Norte, ang tawag ng mga LG sa Ritannia North, mayroon ding malls sa Sur, ang tawag nila sa Ritannia South. Pero, wala ang iba pang nabanggit. Mayroon din ang Sur noon ng mga nabanggit sa itaas, pero, dahil sa lumipas na gyera, ang malaking bahagi nito ay nasira. Ang ginawa na lang nila dito ay maging isang Proving Grounds para sa mga LG.

Bago pa man pumasok ang mga Lost Generation, o LG, sa Sur ay pinagsusuot sila ng isang bracelet, na bulletproof, fireproof, explosion-proof, waterproof, shock-proof, basically indestructable, at hindi nila ito maaaring maalis sa kanilang mga kamay through normal means, kahit mamatay man ang nagsuot nito. Tinatawag ito na simpleng pangalan na Tracker.

Ang mga bracelet na ito ay kinukuha ang data ng LG na may suot nito. Age, gender, height, weight, blood type, basta lahat ng importanteng data na mayroon sa katawan ng LG na suot ito.

Nagsisilbi ring tracking device ang bracelet na ito para sa Department of Lost Generation Defense, ang grupong namamahala sa pamumuhay ng mga Lost Generation sa Sur. Nabanggit na kinukuha ng mga bracelet na suot ng mga LG ang importanteng data na mayroon sila. Kasama sa mga data na ito ay ang vital signs ng isang LG. Kaya nitong sabihin kung patay na nga ba ang isang LG o hindi pa. Hindi sila makikialam sa mga LG kahit wala nang response mula sa vital signs nito. Saka lang sila pupunta sa lokasyon nito kung mahigit isang araw na mula sa kawalan ng response, meaning death, para kunin ang bangkay at dalhin pauwi sa pamilya, o sa sementeryo na nilaan para sa mga LG kung wala namang pamilya ito.

Ang primary mode of transportation sa pagitan ng dalawang pulong ito ay barko. Maaari rin namang eroplano, kaso ay madalang ito, dahil iisa lang ang sa lahat ng base sa Sur ang may airstrip, na hindi naman kayang magpalapag ng mga mas malaki pa kaysa sa cargo planes. Ang maaaring makaalis lang sa Sur ay mga LG na nakatungtong na sa tamang edad, bukod pa sa militar namamahala na nagbabantay sa mga ito. Ang mga papasok sa Sur ay ang fresh batch, kung tawagin, ng mga LG. Ito naman ay ang mga tumungtong na sa edad na labing dalawa, isang buwan matapos ang kanilang kaarawan, at mabubuhay ng walong taon sa loob ng Sur.

Mayroong anim na factions na binuo ng mga LG sa Sur: Ang Sacred Hearts, Femme Fatale, New Generation, Animalz, Fire At Will (F.A.W.), at Tek. Malaki ang manpower ng mga faction na ito at madalas ay magkakalaban ang mga ito.

Mayroon din namang minor factions. Hindi lang ito anim o sampu. Daan-daan din ito. Hindi naman ibig sabihin ay malalaki ang manpower ng mga minor factions na ito. Maaari nga ring sabihing maliliit lang na grupo ang ito, mas maliit pa sa isang unit ng militar.

Lost GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon