Chapter 2

1 0 0
                                    

Act 01: Twin Flowers Arc. Chapter 2...

"Anong dahilan kung bakit ka inaatake ng Iris ng Femme Fatale?" Tanong ni Lily sa lalaking kausap niya, si Aeron.

Sa nakalipas lang na buwan ay nakabangga, nakalaban, inatake siya, at/o nakaengkwentro ni Aeron ng ilang beses ang Femme Fatale. Madalas, ang Iris Unit. Hindi pa bilang dito ang mga nangyari sa mga nakalipas na buwan. Bilang sekretarya ni Aeron sa Askals ay syempre alam ito ni Lily.

"A-ah? Hindi ko alam eh. B-baka may nagawa lang ako na hindi nila gusto?" Palusot ni Aeron habang umiiwas ng tingin.

Mabait si Lily, masayahin pa. Maaruga, mapag-alala, maaari mo na ngang sabihing na isa siyang ate o nanay ng grupo.

Pero, kapag ang tono nito ay katulad ngayon, na seryoso at mas mababa sa normal, mahihirapan ka din maghanap ng dahilan at mapipilitang magsabi ng totoo.

Pwede mo ring sabihin na isa siyang malambing na interrogator.

"...Dahil ba ito kay Ate?" Ang tanong ni Lily kay Aeron matapos ang panandaliang katahimikan.

Nagkaroon ulit ng katahimik sa 1st floor, na siyang dapat napupuno ng ingay ng pinagsamang tugtugan at hiyawan ng mga nag-iinuman.

Napatingin si Aeron kay Lily. Ang mahabang buhok ni Lily, na abot hanggang sa kanyang dibdib, ay kanyang ginamit para ipangharang sa mukha, pero nasilip pa rin ni Aeron ito.

Kita niya ang lungkot sa mukha ng masayahing si Lily. Alam niya ang tinutukoy ng kasamahan at naiintindihan niya naman ito.

Hinahanap ni Lily ang ate niya at gumawa ng paraan si Aeron para matulungan siya.

Sinubukan nitong manghingi ng impormasyon sa isang miyembro ng Femme Fatale na baka naroon ang ate ni Lily. Mukhang hindi nagustuhan ng pinagtanungan niya ang kanyang naging tanong o kaya naman ay isang classified information ang sagot kaya mabilis na nagtawag ito ng kasamahan para hulihin siya. Syempre, tumakas ang lalaki.

Mula noon ay nasama si Aeron sa targets ng Femme Fatale at patuloy na hinahanap ng mga ito.

Gusto matulungan ni Aeron ang kanyang kasamahan, pati na rin ang Ate nito. Alam ni Aeron ang posibleng nararamdaman ngayon ng Ate ni Lily, dahil may nakababatang kapatid din siya na kanyang hinahanap din.

Kung matatanong man, ang pangalan ng kapatid ni Aeron ay Aiza Arsenio, kasalukuyang nasa edad na 13. Base sa edad ay madali kaagad sabihin na pumasok na ito sa impyernong tinatawag nilang Sur.

Sa nakalipas na taon na iyon ay hinanap ni Aeron ang kapatid mula sa iba't-ibang Entry Point, o ang lugar sa kung saan dumating ang mga bagong dating na LG.

Hindi lang sa mga lugar na kalapit ng Kipot ng Ritennia, o BOLD Strait, may mga EP. Nakakakalat ito sa iba't ibang lugar sa mga gilid ng Sur, malapit sa karagatan para sa mga barkong nagdadala ng mga panibagong LG.

Mahigpit din sa mga EP sa kadahilanang hawak ito ng militar ng Norte. Bukod sa walang sinumang nakakalabas at nakakapasok dito na hindi awtorisado, hindi rin pinapayagang may mga makalapit ng isangdaang metro ang mga nasa ilabas na LG. Ang isangdaang metrong iyon ay ginawa nilang isang field para siguradong hindi sila malalapitan.

Walang awa nilang pinapatay ang sinumang LG na hindi sumusunod sa patakarang iyon. Marami ring signs na nakakalat lampas sa 100 meters na iyon kaya hindi sila pwedeng magdahilan na hindi nila sayang mapunta doon.

Ang mga bagong dating ay pinapalabas nila sa EP ng sampuan. Binibigyan lang nila ang mga ito ng tatlumpung minuto para makalayo at bahala na sila sa buhay nila sa loob ng walong taon.

Lost GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon