Chapter 3

2 0 0
                                    

Act 01: Twin Flowers Arc. Chapter 3...

"Sige na, Marika. Alis na ako."

"Sige, AA. Mag-iingat ka." Ang sagot ng batang si Marika habang kumakaway sa lalaki.

Si Aeron, matapos ihanda ang mga kagamitan niyang dadalhin kaninang madaling-araw pa, ay nagtungo na sa shop ni Benny upang mag-briefing para sa kanyang bagong misyon. Ang oras ay alas sais ng umaga at nagsisimula pa lang magliwanag ang langit.

Pagkasara ng pinto ay bumuga ng hangin si Marika.

"Umalis na si AA, pero hindi mo pa rin sinasabi ang gusto mong sabihin..." Humarap ang halos walang emosyon na bata sa likuran nito at tumingin sa isang pintuan, na kung saan may isang babaeng mayroong mahabang itim na buhok ang dumudungaw. "...Ate Lily?"

Nahihiyang lumabas si Lily at tumayo sa likod ng counter ng liqour bar. Of course wala nang matitirang alak sa estante nito.

Isang mug na lumalamig na kape, na mayroong platito pa sa ilalim, ang pinatong niya sa counter. Mukhang gusto niya itong ipainom muna kay Aeron bago umalis, pero hindi na nagawa pa.

"Hindi ko talaga kayang harapin ngayon si Aeron, Marika. Nasampal ko kaagad siya, kahit na iniisip niya lang ang kapakanan ko at ng Askals."

Tahimik lang na nakatingin si Marika sa babae. Sinabi rin ni Aeron nang mag-usap silang dalawa na mayroong masakit na salitang nasabi ang lalaki kay Lily. Sinagot naman ni Marika sa lalaki na kahit siya ay maiinis kapag nasabihan ng ganoon lalo't ginagawa naman niya ang lahat ng makakaya niya. Bilang kapwa babae, dinadamayan niya lang si Lily sa pagkainis nito kay Aeron.

Pero mali rin si Lily na sampalin ang lalaki nang hindi pinapakinggan ang gusto nitong sabihin. Kahit si Marika din ay sang-ayon dito.

Iyon ang bumabagabag sa isipan ni Lily.

"Ano gagawin ko ngayon, Marika? Ilang araw na wala si Aeron dito at may tsansa pang hindi na siya makabalik. Sana talaga ginising ko na lang siya kagabi pa."

Sa gabing iyon, si Lily ang nag-akyat ng pagkain kagabi kay Aeron habang tulog ito. Pinipilit niya ang sarili niyang gisingin ang lalake nang makitang tulog ito at humingi ng tawad sa nasabi at sa pagsampal niya.

Sinubukan niya ring hintaying magising ang lalaki, pero hindi rin nagising si Aeron hanggang sa hanapin siya sa 1st floor ng ibang miyembro. Sa huli ay naisipan na lang ni Lily na mag-ipit ng sulat sa ilalim ng tasang pinaglagyan ng sopas at inasahang mabasa ni Aeron. Hindi na ito nabasa ng lalaki.

"Sorry, ate Lily. Hindi ko alam kung anong magagawa ko para magkaayos kayong dalawa. Ang alam ko lang ay dapat pag-usapan niyong dalawa iyan at magkaayos na. Para na rin sa kapakanan ng Askals." Naupo si Marika sa isa sa mga stool sa harapan ng counter.

Hindi nga naman tama na may alitan sa loob ng isang grupo. Lalo na kung ang may alitan ay ang dalawa sa pinaka-experienced sa labanan sa grupo.

Napabuga na lang ng hangin si Lily at napayuko. Sa kanyang pagyuko ay nadako ang tingin niya sa isang mug ng lumalamig na kape na dapat sana ay ibibigay niya kay Aeron.

"Sana maging ligtas si Aeron sa misyon niya."

...

Sa usual na ruta dumaan si Aeron. Hindi naman siya talagang nagmamadali pero gusto niya lang makapagsimula ng maaga para mabilis na makapunta sa Reis Harbor at matapos na ang misyon. Pupunta siya ngayon sa shop ni Benny para sa briefing.

"Yo, AA. Hindi mo kasama ngayon si Lily?"

Ang unang nakita ni Aeron sa pagdating niya sa Divoria ay ang dalawang mersenaryong nagbabantay sa isa sa ilang entrances ng nasabing market, sina Adonis at Brian.

Lost GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon