Game 2:Mr. Sungit

25 0 0
                                    

[Sabrina’s POV]

“Alis na po ako nanay Mercy.” Pagpapaalam ko.

“Sabrina,hindi ka ba magpapaalam sa mommy at daddy mo?” tanong niya.

“As if they care naman po.Sige nanay,I’ll go na po at baka ma-late pa ako.”sabi ko.

“Sab sabay na tayo.”sabi ni ate Yannie.

Sumakay na kami ng kotse papuntang Western Academy.

Ate Yannie is a college student there.Close ko syang kapatid.You’ll know her more.

“So Sab,kamusta kayo ni Marco?”tanong ni ate.

“Break na kami.Last Saturday pa.”sabi ko. Halatang nagulat si ate sa narinig nya.

“Pero bakit,mabait naman si marco diba?”sabi ni ate.Hindi sya makapaniwala sa narinig nya.

“Ayoko na e. Sawa na akong paglaruan sya.Hindi na sya interesting para sakin.”diretso kong sagot.

“Sab kelan mo ba titino?Hindi magandang manakit ka ng damdamin.”biglang naging seryoso yung mukha ni ate.

Alam kong medyo nagagalit na sya dahil ayaw nya sa ginagawa ko.

Pero walang sinuman Ang makakapigil sakin sa gusto kong gawin.

“Kesa naman ako yung masaktan.Let’s forget about it.”sabi ko at inilagay yung earphones sa tenga ko.Nilakasan ko yung volume para hindi ko marinig yung sasabihin ni ate.

Nakita kong umiiling si ate habang nasa loob ng sasakyan.

Hindi nya ako mapipigilan.Walang makakapigil sakin dahil masaya ako dito.Masaya ako sa paglalaro ng damdamin ng mga walanghiyang lalaki.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nakararting na kami sa Western Academy at naghiwalay na kami ng daan.Pumunta na ako sa high school department.

Nakita ko sina Pearl at Allice sa gate.

“Tara na.”

Naglakad na kami sa hallway ng school habang ang lahat ay nakatingin sa amin.Di ko alam kung bakit nila kami tinitignan pero wala akong pakialam sa kanila.

“Bakit ba sila nakatingin sa atin?” naiinis na si Pearl dahil sa mga estudyanteng sinusundan kami ng tingin kahit saan kami magpunta.

“Relax Pearl,inggit lang sila sa atin kasi tayo ang tatlong pinakamayayaman at pinakamagagandang babae dito sa Western Academy.” Sinabi ko lang iyon para medyo kumalma si Pearl.

Medyo tumigil na sya at di na lang pinansin yung mga estudyante.Si Allice napansin kong tahimik.Palagi namang ganito si Allice sa harap ng maraming tao.Mukha syang misteryoso para sa ibang estudyante pero ang totoo hindi nya lang talaga ugaling ipakita ang tunay nyang ugali sa harap ng ibang tao.

Wait,let me introduce them to you.First is Pearl Sanchez,Student Council’s President.Halos lahat nasa kanya na,maganda,matalino,mayaman,sexy.Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya pero ewan ko ba,parang wala syang nagugustuhan sa mga suitors nya.Sinusuportahan nya ako sa gawain ko,ang paglaruan ang damdamin ng mga lalaki.Pero hindi ibig sabihin ay playgirl na din sya.Masarap sya kasama at kausap.

Next is Allice Villanueva,Editor-in-Chief ng SANDIGAN,ang official school paper ng Western Academy.Nagmamay-ari sya ng isang coffee shop,ang STAR AXIS.Katulad sya ni Pearl na halos nasa kanya na lahat ay nasa kanya na.Isa lang ang pagkakaiba nila,hindi nya ako sinusuportahan sa gawain ko.Ayaw nya ang ginagawa ko,palibhasa di nya kayang manakit ng damdamin ng iba.Hindi nya sinasabi sa akin na ayaw nya sa ginagawa ko pero alam kong di sya pabor.

Gusto nya si Allan de Jesus,the MVP.Mas makikilala nya pa sya or should I say sila ni Pearl habang tumatagal.

Nagring na yung bell kaya ibig sabihin start na ng classes.Nagsiupo na sa mga upuan nila ang mga classmates namin.Dumating na din yung teacher namin.

“Ok class before we start,I want you to meet your new classmate.”sabi nung teacher.

May isang lalaking pumasok. Teka s’ya yung lalaking nasa Star Axis a?!

Sinenyasan sya ng teacher namin na magpakilala.

“Good morning! I’m Dean Soriano.Nice to meet you all.”seryoso nyang sabi. Masungit talaga ng lalaking to ni hindi nga ngumiti e.

“Welcome dude!”masiglang bati ni Allan at Peter. Mga Classmates din namin sila.

“Ok you can seat there.”tinuro ng teacher namin yung vacant seat sa tabi nila Allan at Peter.Mga classmates din namin sila.

Nag high five pa sila. Mukhang magkakilala at close na close sila . Oh well,isa lang ang ibig sabihin nito……mas magiging madali na ang lahat.(Evil Laugh)

*Riiiiing.Riiiiing*

Nag bell na,it means breaktime na namin.

“Ok class you can now take your break. See you tomorrow.”sabi ni Sir Helio.

“Bye sir!”sabi namin.

Breaktime na naman at as usual,nag grupo grupo na naman ang mga students.

Lumapit samin si Allan na nakangiti.

“Hey girls,gusto nyong sumabay samin? Ipapakilala ko kayo kay Dean.” Nakangiti nyang sabi.

“Sure!” pumayag agad kami. This is the right chance na hinihintay ko. This would be so fun. Pumunta na kami sa canteen. Ewan ko pero may isang table na walang tao pero marami naman yung students dito sa canteen.

“This table is reserved for us.”nakangiting sabi ni Peter.

“I see.”sabi ni Pearl.

Umupo na kami at kumain. Magkatapat kami ni Mr. Sungit a.k.a Dean.

“So Dean,how’s Mitch?”biglang nagsalita si Allan.

Nagulat ako.

Sino kaya si Mitch?!

“I broke up with her this morning.She’s not interesting already.”sagot ni Dean sa tanong na Allan.

Napangiti ako.Alam ko nang ex ni Dean yung Mitch. Napatunayan kong may pagkaplayboy din pala sya. Yun pa naman ang gusto kong paglaruan,ang mga PLAYBOY.

“Woah!That’s my boy!”sabi ni Allan,Binatukan pa nga nya si Dean e.

“So Dean sino nang gusto mo ngayon?”tanong ni Peter.

Tumingin sakin si Dean bago sumagot.

“Yung babaeng lumapit sakin sa isang coffee shop last Saturday at tinawag akong ‘cutiepie’ at ‘Mr. Handsome’. She’s interested with me and I feel the same with her.”nakatingin sya sa akin.

Alam kong ako ang tinutukoy nya. And he admit it he likes me.

Sisiguraduhin kong he will hardly love me para kapag iniwan ko sya ay siguradong masakit para sa kanya.

Ito na ang umpisa,ang simula ng laro nating dalawa Dean.And in our game,YOU’LL LOSE!(EVIL LAUGH)

[Dean’s POV]

Matapos ang ‘confession’ ko kay Sabrina akong hindi na nya ako pakakawalan pa. Magsisimula na ulit akong maglaro at kapag naglalaro ako ,sinisigurado kong ako ang mananalo. No one can beat me,not even that Sabrina Tecson. Papaibigin kita at iiwan kapag sawa na. you are my next victim poor Sabrina.(EVIL LAUGH)

Let's Play a game called LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon