[Sabrina's POV}
12 am na pero hindi pa rin ako makatulog.
Kanina pa ako paikot-ikot sa kama ko.
Naaalala ko pa rin kasi yung mga nangyari kanina. Kahit na pinlano ko ang lahat ng yun,hindi ko magawang matuwa.
OO,ako lahat ang nagplano. Lahat ng nangyari kanina sa school ay palabas ko lamang.
Pati yung pagdating ng van ay nasa tamang timing.
Inilagay ko ang sarili kong buhay sa kapahamakan magawa ko lang ang Mission 2 ko.
Oo nga't nagtagumpay ako pero hindi ko maiwasang makonsensya dahil alam kong totoo yung mga pag-aalala nila sa akin kanina.
Nakokonsensya ako dahil hindi ko akalaing ganun ang magiging reaksyon nila sa nangyari.
Lalo na si Allice,kitang-kita ko sa mga mata nya na nag-aalala talaga sya para sa akin at kinalimutan na nya yung galit nya sa akin.
At yung sinabi ni Dean kanina.pakiramdam ko totoo lahat ng yun.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy yung binabalak ko o dapat na ba akong tumigil.
*knock.knock*
"'Sabrina,gising ka pa ba? Pwede bang pumasok?"narinig ko ang boses ni Nanay Mercy.
"Opo. Pasok po kayo."sabi ko sa kanya. May dala syang isang baso ng gatas.
"Dinalhan kita ng gatas. Inumin mo habang mainit pa para masarap yang tulog mo."sabi ni nanay Mercy at inniabot sakin ang basso ng gatas.
"Sige Sabrina,labas na ako. Matulog ka na."sabi nya.
"Sige po. Goodnight po."hinalikan nya ako sa noo at lumabas na.
Nakaramdam ako ng lungkot sa halik ni nanay Mercy sakin. Kasi yung gusto ong gumawa nun sakin ay walang pakialam sakin.
Masyado na akong maraming iniisip.
Pumikit na ako at sinubbukang matulog.hindi ko na muna iisipin yung mga nangyari kanina. Hindi ko namalayang nakatulog na pala agad ako.
*KRIIIIIIIIIIIINNNGG*
Narinig ko na naman yung alarm clock ko. Bumangon na ako.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari kahapon.
"Sa susunod,wag mong gagawin yun. Tumingin ka muna bago ka tumawid. I love you Sabrina. Ayokong mawala ka."
Hinding hindi ko makalimutan yung mukha ni Dean habang sinasabi nya sa akin lahat ng iyon. Parang totoo.
*BOOOOGGGSSSSHHH*
Biglang may tumulak ng malakas sa pintuan ng kwarto ko. Nakita kong pumasok si Dean at Allice na galit na galit.
"A-anong ginagawa nyo dito?"gulat kong tanong.
"Paano mo nagawa yun Sabrina?Akala ko ba bestfriend kita?"galit na tanong ni Allice.
"A-anong sinasabi mo?hindi kita maintindihan."bigla akong kinabahan sa sinabi nya.
"Wow Sabrina,stp acting. Stop pretening that you don't know about that accident and don't even say that you don't planned it.Alam na namin ni Dean ang lahat."galit na galit nyang sabi.
"Sandali lang Allice,please hayaan mo muna akong magpaliwanag."pagmamakaawa ko.
Bigla nya akong sinampal.
"Tama na Sabrina! Masyado mo na kaming pinaikot sa mga kasinungalingan mo. You've done enough! Simula ngayon wala na akong bestfriend na katulad mong sinungaling!"sabi ni Allice at naglakad palabas ng kwarto.
Pinigilan ko sya. Hinawakan ko sya sa braso at nagmakaawa sa kanya.
"Please Allice,just give me one more chance. Aayusin ko lahat ng giawa ko. Please Allice,forgive me."tuloy tuloy na tumulo yung luha ko.
Hindi nya ako pinakinggan. Inalis nya yung kamay ko sa braso nya at tuluyan nang umalis. Nagpatuloy ako sa pag iyak.
Lumapit naman sakin si Dean.
"Dean please makinig ka muna sa paliwanag ko."pgmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak pero imbes na kaawaan ay tinulak nya ako sa sahig.
"Congratulations Sabrina. Ang galing mong umarte.You're such a good actress and a good pretender. But every movie has it's end at dumating na yung pagtatapos ng pag-arte mo. Tapos na ang pagpapanggap Miss Sabrina so wag ka nang umarte pa dyan.Goodbye!"
Naglakad sya palayo pero tumigil din sya.
"Sana hindi na lang kita minahal. Ang bobo ko!!" sabi nya at sinuntok yung pader ng kwarto ko.
"Sorry!! Please wag nyo kong iwan!"nagpatuloy ako sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Pakiramdam ko,nawala na lahat sakin.
"PLEASE WAG!!!" bigla akong napabangon.
Hingal na hingal ako. Panaginip lang pala ang lahat. Pero parang totoong totoo.pati yung pag-iyak ko parang totoo.
Tumingin ako sa side table ko at nakita kong 6:30 am palang. Masyado pang maaga. 8 am pa yung start ng classes ko.
Panaginip lang pala lahat pero damang-dama ko lahat ng sakit ng mga sinabi nila Allice at Dean. Pati yung sampal ni Allice. Ano kayang ibig sabihin nun?
Minabuti kong magprepare na ng gamit ko. Maaga akong papasok ngayon kahit na mamaya pa ang classs ko. Sa school na lang ako magpapalipas ng oras.
[A/N]
nakapag update po ulit. hihihih.
tnx po sa mga nagbabasa
comment and vote po pls.
tnx ulit.
btw,good evening pala=))))))))))))))))))))))))))))))))))))))

BINABASA MO ANG
Let's Play a game called LOVE.
Teen FictionAno ba ang pag-ibig para sayo?Naranasan mo na bang masaktan?E naranasan mo na bang paglaruan?Makakaya mo pa kayang magmahal ulit kung sa pakikipaglaro mo sa pag-ibig,ikaw lang din ang masasaktan?