Chapter 2: My Ex bestfriend

16 1 0
                                    

Alam ko wala na kong pakealam sa kanya. Sa lahat ng sakit na binigay nila sakin ni Jake, sawa na ko. Sawang sawa na. "Jade, bakit sa kabila ng mga nagawa mo hanggang ngayon parang concern pdin ako sayo" Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Magkahalong inis at pag aalala ang nararamdaman ko.



Tumakbo ako palayo. Saka ako umupo sa isang tabi at yumuko ako sa tuhod ko. Parang nakita nya yata ako. Bumalik lahat sakin yung nangyari ng gabing yon.



- Flashback.

Kringgg.... Kringg.....
Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi sya sumasagot. Abnormal talaga yun. Lagot sakin yung lalaki na yon pag nakita ko. Ngayon yung laban namin ng Dance contest.



Pero hindi kami pumasok. Sinisi ako ng mga kagroup ko. Wala daw ako sa sarili. Actually OO. Napansin ko yun, ang tanga ko talaga. By that time kase hinahanap ko si jake, nagpromise sya na pupunta sya eh. Ang bigat sa loob, di ko na mapigilan na di umiyak.
Bakit hindi man lang sya nagtext? Baka may emergency lang. Pero umasa talaga ko.
Siguro mas mabuti pa puntahan ko nalang sya. Kahit na mejo nag tatampo ako.




Nagdrive ako mula pampanga hanggang sa bahay nila Jake. Nakita ko yung car ni Jade kaya nagtaka ako. Pumasok agad ako sa loob at sumalubong sakin si Tito JC, ang daddy ni Jake.

"O! Alexa anak, akala ko nasa loob ka? At kasama mo si jake. Pero--". Hindi ko na sya pinatapos, kabastusan man pero di ko mapigilan ang sarili ko. May kutob na kase ko.

" Tito nasaan po si jake?". Seryoso lang ako nakatingin kay tito. Ayokong pairalin ang kutob ko. Malaki ang tiwala ko sa kanila, lalo na kay Jade. Ang BESTFRIEND ko.


"Ah nanduon sya sa kwarto nya Lexa." Hindi ko na sya tinugon pa. Umalis agad ako at umakyat sa taas papunta sa kwarto ni Jake.


Tama ang kutob ko. Magkasama silang dalawa, naiiyak na ko. Pero pinigilan ko muna ang sarili ko, alam kong mahina ako pagdating sa ganito pero pinakinggan ko muna silang dalawa mula sa pinto.


Ilang minuto pa, pero wala talaga kong marinig. Binuksan ko yung pinto. At.. Nagsimula nang tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nakita ko lang naman silang naghahalikan. I Don't care kung makita nila akong umiiyak. Gulat na gulat pa sila nung nakita nila ko. As if naman na may pakialam pa sila saken dba, sa ginawa nila.



Pagkatapos ko lang naman makita yun. Wala nang explain explain pero nakipagbreak sakin si Jake nung araw mismo na yun. Samantalang anniversary namin kinabukasan. Nakakainis na nakakaiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Yung bestfriend ko namang disposable, hindi ko alam kung ilang kilong plastik ang nilunok. Kala mo naman may pake pa sakin, kala mo concern. Lecheng buhay to.

End of flashback..



And so, ayun nga. Tingin ko malas talaga ko nung taon na yun eh! O baka malas lang talaga ko? Haha. Buhay nga naman. Pero i don't care, maganda naman ako eh.


Pagkatapos nung nangyaring yun. Hindi na ko nagpakita sa kanila, Hello? Sobrang nasaktan kaya ang lola mo. At nung natapos yung araw na yun, natapos nadin yata ang dating ako. Yung ako na Mahina, at kapag nasaktan iiyak lang mag isa, yung ako na hindi magawang lumaban kahit kanino. And syempre thankful ako kase binago nila ko.



Hanggang ngayon naiiyak padin ako. Habang nakadukdok yung ulo ko sa tuhod ko. Biglang may humawak sa balikat ko.


"Sino ka?" Then i wiped my tears. Ang pogi pa naman nya. He look at me. Ahhhm, no He stares at me.
"Hey." Pagbabasag ko ng katahimikan.
"Oh, i'm sorry. Alexa hindi mo ba ko nakikilala?" Ngumiti sya sakin. Oo parang pamilyar nga sya. Pero hindi ko talaga sya matandaan. "Sorry ah, hindi eh. Sino ka nga?" Tanong ko.


"Ako si Kean. Kean Ortiz."
I was shocked that time. Literal akong napanganga.





--

Author's note:
Sana po basahin nyo yung kwento ko. Galing sa puso ko po yung paggawa nyan. Hehehe. Thanks.

I'm Unique, Not StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon