Chapter 5: Understanding

15 0 0
                                    


Alexa's POV.

Kakagising ko lang dahil biglang tumunog yung napakaganda kong alarm clock. Pero mas maganda padin ako.

Shet. Di ako makaget over kagabi. Alam kong hindi magagawa ni kean yon. Kilala ko sya mula bata pa kami. Baka nadala lang. (Gusto ko naman eh noh? Hahaha).

At dahil 6:30 na naligo na ko. Hindi naman ako nag aalala na baka malate ako. Wala akong pake sakanila. Actually 7:00 yung pasok namin pero ang pasok ko 8:00. At minsan 8:30. Ganon talaga pag magaganda.
Wala namang violations pag ganun eh. Bakit? Ang dali kayang utuin nung mga Officers sa school. Lalo pag lalaki, nabubulag sa kagandahan ko. Oo tama kayo. Kahit anak ako ng may ari ng school na to may violations parin ako. Gusto kase nila dad madisiplina lahat dito. At syempre walang talab sakin yun.

Pagkaligong pagkaligo ko. Aba'y syempre nag bihis ako. Anu to? Lalabas ng nakahubad? Haha. Ghad.

At syempre Cereals lang ang kinain ko. Maganda ang katawan ko kaya ayokong mapabilang sa mga laman dagat na naligaw dito sa lupa.

Agad akong lumabas at sumakay sa napakaganda kong kotse. Kasing ganda ko.
Pagdating ko sa school ko.
As usual, wala na masyadong tao sa corridor at bawat classroom na daanan ko nagkaklase na. Well, wala naman ako pake sakanila.

Napadaan naman ako sa office at may narinig akong kausap ng head ng mga teachers. Si Mrs. Bautista.

"Eh ma'am kelan kami magsisimula?" Tanong nung lalaking mukang mayabang. Pero infairness. Pogi ah!

"Mr. Villaluz pwede na kayong pumasok bukas. Okay? Kaya wag ka munang magmadali dyan at inaayos ko pa tong files nyo." Iritang sabi ni Mrs. Bautista.

"K." Bored na sabi nung isang pogi. Grabe mukang jerks tong mga to ah. Ayoko ng ganito sa school ko pero hayaan ko na. Pogi naman eh! ✌

Umalis na ko dun. Bago pa ko makita ni Bautista Eh matuluyan na kong madetention.

Kala ko ligtas na ko.

Sa kasamaang palad nakita lang naman ako nung principal. Anak naman ni Dolphy OO! Peste. Syempre kahit naman school ko to may RESPETO ako sa mga NAKATATANDA saken.

"Ms. Sevilla. Late na naman? Punta na sa detention room. Now! Or else pagdadamuhin kita sa garden!" WTF?! The nerve! Ako? Ako? Si Alexa SEVILLA? Pagdadamuhin nila? Eh baka gusto nilang sila ipalit ko sa mga damong bubunutin ko! Baka nga mas makinis pa yung paa ko sa muka nila eh.
Grabe.

"O-kay." Nakatingin ako sakanya habang sinabi yan at saka umirap at tumalikod. Wala kase kong magagawa. Rules to ng school.

Pumasok ako sa detention room at... Nakita ko si kean. Nakatingin sya sakin at di mapakali. Bakit kase ang dami ng lugar dito pa kami nagkita? Kung saan kami lang DALAWA? Hays.

Umupo ako sa kabilang sofa. Walang umiimik samin. Natingin ako sakanya gamit ang cold kong muka. Aba! Dapat malaman nya na galit ako noh! Natakot kaya ako nung gabi na yon.

Napatingin din sya sakin. At nakita ang cold kong muka. Agad akong umiwas ng tingin.

"Alexa..." Tawag nya. Tumingin lang ako sakanya. "Galit ka ba? Sorry.. Hindi ko talaga sinasadya, nadala lan--". Tumayo ako at pinutol ang sasabihin nya. " Enough." Sagot ko.

Haha. Kean humanda ka! Kala mo ha. Pahihirapan muna kita! Dito lang ako makakaganti sa mga pang aasar mo! Kailangang maramdaman mo na galit ako!

Malapit na ako sa pinto nang hawakan nya ang kamay ko. Kinabahan ako. "Please Alexa! Please! Forgive me." Pagtingin ko sakanya namumula ang mata nya. Teka umiiyak ba sya? Bakit? Hindi naman talaga ko galit sakanya! Anu ba yan.

"Stop it Kean." Sagot ko. At saka lumabas ng detention room. Pag labas ko madami nang tao. Break na yata. NAGUGUTOM na ko eh.

Of course naman habang nag lalakad. - - Straight body, chin up, stomach in chest out, keep your poise. And show them your BEAUTIFUL FACE. Aba! Maiinggit sila, maganda ako at wala akong magagawa don.

Dumiretso ako ng next subject ko. Ayokong kumain kahit gutom ako. Nawalan na ko ng gana.

Habang nakaupo ako hindi ko maiwasang hindi isipin yung text ni aira sakin kahapon.

From: BhestAIRA
Bhest may girlfriend ba si kean? I saw him here sa bar, may kasama sya. I thought magkasama kayo?

Yan... Yan yung text nya sakin kagabi. So hindi pa sya umuwi nung umalis sya sa condo? Ts. At sino naman kaya yung babaeng tinutukoy nya? Teka, may girlfriend nga kaya si kean? Pero bakit sya pumayag na halikan ako kahapon. At bakit nya ako hinalikan kagabi? Dba?

Eh teka? Bakit ko nga kase sya iniisip? Nakakainis naman.

Maya maya dumating na yung dalawa. Si Andrei at Gel. Oo nga pala, classmate ko sila sa subject na to. Wala pa si aira? Nakoo. Alam ko na, magkasama siguro sila ni nate.

"Hi Alexa!" Bati sakin ni andrea.

"Uy alam mo na ba yung tatlong boys na nag enroll dito sa school mo?? Grabe nakita ko sila. So pogi!!" Singit naman ni aira habang papalapit samin. Dumating na pala yung luka. Nalate lang ng konti.

"Yes, nakita ko sila kanina. Pogi nga. So what's the point?" Sagot ko habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Grabe to! Haha. Di mo ba type?" "Ayyy. Sa bagay. May kean kna pala! HAHAHAHA." Pang aasar naman ni angel at andrea. Luko tong dalawa na to ah. Pinagtutulungan ako. Hindi ako sumagot at inirapan ko sila.

"Wait, speaking of Kean. Nareceive mo ba yung text ko sayo kagabi alexa?" Tanong ni aira. Tumahimik naman yung dalawa.

"Yes." Matipid kong sagot. "Sooooo. May girlfriend nga sya?" Tanong ulit nya.

"Hindi ko alam. Okay? Kaya wag ako tanungin nyo. Hindi ko naman kaano ano yun." Sagot ko pa.

"HAHAHAHA. Okaaaaay." Sagot nilang tatlo. Aba't talagang pinagtutulungan ako! Nag usap usap to. Mga bwiset.

I just rolled my eyes. And finally dumating na yung teacher namin. Buti nalang at ng matahimik na buhay ko.

**

Tuesday na tuesday ang ingay ng mga students. Nakakairita. Yes, tama kayo. Nasa school nako at inaantay ang teacher namin. Wala akong magawa, dahil yung tatlong luka luka gumagawa palang ng assignment.

Ang finally, after 20 minutes dumating na yung adviser namin.

"Goodmorning class. I have an announcement, please keep quiet." Sabi nung teacher. Ewan ko ba kung ako pangalan nung matanda na to.

"Siguro yung ilan sa inyo alam na, na may mga bagong enrollies dito sa school. At apparently magiging classmate nyo sila." Tangna. Siguraduhin lang nung matanda na to na kaya ko yung mga mokong na ipapasok nya sa section ko.

"Okay boys. Come here." Yung mga classmates ko nagbubulungan at yung iba kinikilig pa.

Ang pogi nga nila. Shet. Yung tatlo kong kaibigan natigil sa mga ginagawa nila. Natulala ang putsa.

--

A/N:
Hey guys! Bitin ba? O hindi naman? Hahaha. May gagawin pa kase ko kaya tinapos ko na. Next chapter na yung about sa tatlong pogi. Kamusta na kayo? Salamat sa pagbabasa. Godbless us.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Unique, Not StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon