William I

16 1 0
                                    

Papalubog na ang araw ng marating nila ang Salvation Gate, isang malaking tarangkahan nasa gitna ng isang mountain road, sa labas ay makikita ang ilan sa kanila na busy sa paghuhukay ng mga butas kung saan inilalagay ang mga zombie na napapatay nila sa trangkahan.

Ininspeksyon sila para sa mga kagat, inabot sila ng isang oras bago patuluyin, mahaba man pero kailangang maging maingat na hindi makapasok ang virus sa siyudad. Dalawang kilometro pa bago makarating sa siyudad kaya biyaya ang parte ng kalsadang iyon bilang natural chokepoint.

Pagkalusot nila ay meron na silang mga nakikitang maliliit na bayan, kakaunti pa lamang pero dumarami na ang nagkakainteres na tumira sa labas ng pader ng Remnant, meron din silang sariling mga armas, madalas ay mga pangmalapitan tulad ng itak, espada at baseball bat pero meron ding pangmalayuan tulad ng homemade crossbow. Limitado lang ang baril dahil kakaunti lamang ang materyales at mataas ang demand ng mga sundalo at mga Free Companies na laging umaalis upang maghanap ng mga supplies o gumawa ng mga outpost.

Ilang minuto pa ay nakita na rin nila ang pamilyar na view, ang pader ng Remnant, tatlumpung talampakan ang taas at merong mga walkway na pwedeng postehan ng mga sundalo, ang pinakamalaking balwarte ng sangkatauhan sa buong Luzon, kung hindi man sa buong Pilipinas, merong mga malilit na bayan na nakakalat sa labas pero wala silang panama sa laki, dami ng tao at industriya ng Remnant.

Marahang bumukas ang dalawang trangkahan ng Remnant, higit na malaki kumpara sa Salvation Gate, pumasok ang apat na sasakyan at tumungo sa Parking Center kung saan nakaparada ang daan-daang sasakyan. Tumigil sila rito habang ang Sarhento ay bumaba mula sa truck upang makipagkita sa kanila, sinabihan nito ang Driver ng mkga truck na dumeretso habang walo sa mga sundalo ang bumaba upang kunin ang bangkay na nasa likod ng kanilang armored truck.

Pagkatapos iparada ay bumaba na sila, agad na hinanap ng kanyang mga mata si Allison, ng makitang ayos lamang siya at walang galos ay nakahinga siya ng maluwag, hindi katulad kanina na hindi mawari ang kanyang pag-alala rito pero pinipigilan lamang niya ang sarili dahil kailangang matapos muna ang trabaho.

"Maraming Salamat sa inyong tulong, inaamin ko na una ay wala akong tiwala sa inyo. Akala ko ay katulad kayo ng ibang grupo diyan kahit nirekomenda kayo ng mentor ko, pero hinigitan niyo ang expectations ko at masaya ako para doon" puri nito.

"Pero, namatayan kayo ng apat, hindi ba makakasama sa amin iyon?" Alalang tanong ni Robert at naiintindihan niya kung bakit. Nakasasama kasi sa reputasyon ng isang Free Company ang mamatayan ng mga kasamang sundalo sa kahit anong misyon, dahil ang gobyerno ang nagbibigay ng halos lahat ng mga trabaho ay nag-aatubili silang bigyan ang mga Mercenaryong may ganoong reputasyon ng misyon liban na lamang sa mga Extermination Missions kaya madalas ay nalulugi sila o namamatay lahat.

"Waag kayong mag-alala" paninigurado nito, "Ipagtatanggol ko ang inyong reputasyon" kinuha niya ang isang Card mula sa kanyang bulsa at binigay ito sa kanila, "Pumunta kayo sa Remnant Army Headquarters at ibigay niyo ito sa Clerk, papupuntahin niya kayo sa Payments Office at tatanungin kayo kung sino ang nagpadala sa inyo, sabihin niyo ang pangalan ko tapos ang password ay XB980KL"

Tumango si Robert bilang pasasalamat at umalis na ang sarhento upang makipagkita sa kanyang squad, tapos ay lumabas sila ng parking center. Paglabas nila ay makikita na siyudad ng Remnant, binubuo ng maraming gusaling naging tirahan ng mga tao, ang kalsada nito ay puno ng mga nagsisiksikang tao habang ang Military Police ang busy sa pagpapatrolya sa kalsada, karamihan kasi ng mga pulis ay ang unang rumesponde noong mga unang araw ng mga zombie kaya marami sa kanila ang kinain o kaya ay inuna ang pamilyang iaalis at ang mga natira ay nagretiro, sumali sa mga MP at Free Company. Sila na ngayon ang nagsisilbing Pulis para sa mga sibilyan at militar.

Sa main street ay makikita ang daan-daang tindahan na iba't iba ang inilalako, karamihan ay pagkain, mga gulay na pinalaki sa bakuran o kaya ay galing sa mga bayan sa labas ng pader, ang pinakamarami ay mga variety ng patatas at mais, mula kasi noong apocalypse ay hindi na makapagtanim ng bigas dahil sa kakulangan ng tubig pang-irigasyon, dahil dito, naging pamalit sa kanin ang Mashed Potato at Nilagang mais bilang staple sa hapag.

Dead SlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon