Robert I

12 1 0
                                    

Naisip ni Robert, kung maganda nga bang talagang ideya na kunin ang trabahong ito. Malaki ang prestige pero mas higit ang panganib. Alam niya na pupunta sila sa isang siyudad na malamang ay may pinakamalaking konsentrasyon ng mga zombie sa iisang lugar lamang. Ayon sa narinig niya ay tanging India at China lang ang may ganoon, kahit ang mga siyudad sa Amerika at Europa ay wala sa dami ng mga zombie na makikita sa Metro Manila.

‘At pupunta kami doon, upang kunin ang isang tangang scientist na nanatili sa gitna noon kasama ang mga miyembro ng apat na pinakamalaking grupo at ang pinakamalala sa lahat’ maski siya ay tutol sa pagpasok ng Brave Companions sa misyong ito, pero hindi siya makakapagsalita sa kanila ng hindi nagmumukhang nang-iinsulto lang sila dahil mas malaki ang bilang ng mga ito sa kanila. Kaya susubukan niya na laging malayo sa mga ito, at pag may pagkakataon ay tatapusin ang nasimulan.

Madaling araw pa lang ng Sabado ay umarangkada na sila, kinuha nila ang Armored Truck at ang Pick-up mula sa parking garage. Wala pang mga tao sa kalsada kaya maaring magmaneho ng ganitong oras ang iilang sasakyan.

Nakarating sila sa entrada ng siyudad kung saan nagaabang ang convoy ng sampung sasakyan, isa ay APC mula sa Militar, tatlo ay mga dating Bus na dinagdagan ng armor sa mga bintana, may nakasabit na tarpaulin ng Blade Dancers sa bawat isa, kung susumahin ay halos 180 ang kanilang mga miyembro at ang pinakamaraming tao sa ekspidisyon.

Tatlong Humvee na pagmamay-ari ng Rollers, bawat isa ay merong dozer blades sa harapan at winelding na armor sa mga gilid pandagdag proteksyon. Isa rin uparmored na bus ang sa Black Bullet, pero tinanggal na nila ang bintana at pinalitan ng gun ports, tapos ay nagdagdag din sila ng dalawang turret ng baril sa itaas.

At sa Western Revolvers ay dalawang......... Horse Trailer, mga mobile na kulungan ng kabayo. Bawat isa ay naglalaman ng limang kabayo, kung susumahin ay sampu lamang ang pinadala.

Pumarada sila sa tabi ng mga ito at sinalubong sila ng isang sundalo, "Sino kayo?"

"Dead Slayers" sabi niya at iniabot ang envelope na ibinigay sa kanila kahapon,"Nandito kami para sa trabaho "
Binuksan ng sundalo ang sobre at tinignan ang laman nito, isang form na kanilang pinirmahan at limang I.D na meron nilang litrato at detalye. Tumango ito at ibinalik sa loob ang mga contents at ibinigay sa kanya muli, itinuro sila sa Armory upang pumili kanilang gagamiting mga armas.

Bumaba silang lima at tumungo sa loob, naghihintay sa desk ang Quartermaster at tinuro sila sa cage kung saan nakatambak ang mga bala at baril. Inuna niya ang tatlong box ng bala na kapareho ng kalibre ng kanilang mounted machine gun. Sila ni John at William ay kinuha ang M16 bilang pangunahing sandata at mga M9 Baretta bilang sidearm, habang si Denise ay kinuha ang isang submachine gun bilang pangunahin at dalawang autopistol bilang sidearm. Si Ally, bilang sniper ay kinuha ang Barett .50 cal. semi-automatic sniper rifle. Isang malaking sniper rifle kasama ang paborito niyang M14 na nakasukbit sa likod, meron din siyang Desert Eagle bilang back-up na na armas. Tapos noon ay tumuloy na sila sa convoy.

Panghuling dumating ang Brave Companions, dalawang delivery van na meron mga hiniwang parte upang gawing gun ports at mga spike na nasa bumper ng sasakyan, puno ang mga pantusok ng bahid natuyong dugo at feeling niya ay hindi lang sa mga zombie iyon nang galing.

Magbubukang liwayway na ng sila ay lumisan, pagbukas ng Salvation Gates ay lumabas ang labindalawang sasakyan. Nasa gitna ng convoy ang kanilang sasakyan kaya hindi nila makita kung ano ang nasa harap. Buti na lamang at malayo sa kanila ang mga sasakyan ng Brave Companions, nasa harap sila, napapagitnaan ng Rollers nasa unahan at mga Bus ng Blade Dancers.

Dahil nasa bandang likod sila ay hindi nila alintana, Nasa pulang pick-up sa kanilang harap si Allison at John, si Denise muna ang nakamando ng turret habang si William ay naka-iglip, handang palitan siya sa pagmamaneho kapag napagod. Ilang milya ay muli na nilang nadadaanan ang mga bayan, nakikita nila ang ilang zombie na lumalabas sa mga gusali pero wala sa convoy ang bumabaril, kailangang tipirin ang bawat bala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dead SlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon