Allison II

17 0 0
                                    


Alas siyete na ng umaga ay tinungo na nila ang Remnant Trade Center, ayon sa Poster ay magtitipon ang lahat sa katabing arena nito. Isang oras ng paglalakad ay naabot na nila ang dating mall at ang katabi nitong istruktura. Ng makita ang dami ng tao na nasa labas nito ay halos bumagsak ang puso niya mula sa dibdib, hindi lang mga ordinaryong tao ang makikita, marami sa kanila ay suot ang uniporme at meron pang bandila sila dalawa. Sa mga iyon ay apat na simbolo ang kanyang nakilala. Ang simbolo ng Big Four, isang confederasyon ng mga pinakamalalaking Free Companies.

Ang bandilang itim na meron simbolo ng isang espada at palakol na magkaekis ay ang emblem ng Blade Dancers, sila ang may pinakamaraming miyembro sa lahat ng mga Mercenary Groups, kilala sa kanilang panghahamak sa paggamit ng mga baril at pagpatay sa mga malalaking horde ng mga zombie gamit lamang ang Melee Combat at aking galing nila sa Extermination Jobs. Ang motto ng kanilang grupo ay 'Up close and Personal'

Sa kanan naman ay isang puting bandila na meron nakaimprentang itim na bala, ang Black Bullet. Sila ang eksaktong kabaliktaran ng Blade Dancers, ang aking galing nila sa paggamit ng iba-iba't klase ng mga baril ay walang kaparis liban lamang sa Militar, meron silang access sa mga bala dahil sa pagmamay-ari nila ang isa sa apat na Ammo Factory ng siyudad. Kakaunti lamang ang kanilang bilang dahil sa mahigpit nilang standards ngunit hindi nito nababawasan ang kanilang effectiveness. Ang kanilang motto ay 'One Shot, One kill'

Sa pinakagitna ay ang bandila ng mga Rollers, isang Asul na bandilang may nakaimprentang pulang truck. Sila naman ang experto sa foraging at long distance missions, gamit ang kanilang mga modified na sasakyan ay nakakapunta sila kahit saan, pati ang mga malalaking siyudad na bihira lamang bisitahin maski ng militar. Dito ay nakakakuha sila ng mga importanteng supplies sa mga ospital, mall, mga baril at bala armory ng mga Pulis at sundalo. Dahil dito ay may share sila sa mga nakukuhang gasolina sa mga gas station at abandonadong kotse at marunong din silang gumawa ng fuel gamit ang Ethanol na mula sa Patatas and Kamote. Ang kanilang motto ay 'Never stop going'

At ang pinakahuli ay ang Western Revolvers, ang kanilang bandilang dilaw na meron itim na lalaking nakasakay sa kabayo ay nagpapakilala sa kanilang personalidad, sila ang pinakakaiba sa Big Four, suot ang kanilang cowboy hats at armado ng kanilang revolver. Sila lamang ang kilalang gumagamit ng mga kabayo katulad ng mga nasa cowboy movies, hindi lang yoon at kahit nakasakay ay lagi sa ulo ang destinasyon ng bawat balang kanilang pinuputok, nakasakay man sa kanilang mga sasakyang kabayo. Ang motto nila ang pinakamaiksi at kakaiba, 'Heeyah!'

Ang kasikatan na tinatamasa ng Big Four ang gusto ring maranasan ng iba pang Free Companies at marami din ang naghahangad na sumali sa kanila, may ilan pa ngang mercenary group na binuo para lang makapagbigay ng Experience sa mga baguhang Mercenaryo upang mas mabilis na makapasok sa kanila.

At kung nandito ang Big Four, ibig sabihin lang na bumaba ng malaking porsyento ang tsansa nilang makuha ang trabahong ito.

Nang tignan niya ang mga kasama ay kita ang disappointment sa kanilang mukha,halata na pareho sila ng nasa isip. Lumingon-lingon siya sa paligid at nakitang parami ng parami ang mga Mercenaryong parating, lahat ng klase, mula sa maliit hanggang sa malaking grupo ay dagsa sila, tila ba halos lahat ng mga Free Companies sa Remnant ay nandito, at lahat sila ay hawak ang mga poster na katulad ng nakuha ni John kahapon.

"Wag kayong mabahala" tinignan siya ng kanyang mga kasama na animo'y tinubuan siya ngnpangalawaang ulo,

"Nakikita niyo yung hawak nila? Yung mga poster yun, ibig sabihin ay hindi lang iisang ang hinahanap nila, sigurado na marami ang mahahire ngayon at kasama tayo dun"
Hindi nawala ang pagduda pero mukhang nabuhayan naman sila sa loob, pumasok na sila arena at umupo sa bandang likuran.

"O, hindhi koh inaathahan nha makhikhita kho yhung mgha phagmhumhukah nhiyoh dhitho" nanigas siya ng marinig ang boses na iyon. Sa gilid niya ay may isang lalaki, maitim at kulot na buhok, meron siyang goatee sa baba, ang kanyang mga mata nakatingin sa kanya, punong-puno ng pagnanasa, kaagad hinagilap ng kanyang kamay ang baril na nakasukbit sa kanyang kanan. Tumayo si William at lumapit rito, sinusubukang alisin ang atensyon sa kanya. Si Robert ay umalis din sa kanyang upuan upang komprontahin ito habang si John ay nanatiling nakaupo ngunit may hawak siyang kutsilyo, alam ni Allison ang galing ng kasamahan sa knife-throwing kaya alam niya kung ano ang gagawin nito.

Dead SlayersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon