[CLEIGH POV ]
"Hoy Cleigh ayan na si Cian!" Ano kamo si Cian? Tama ba? Agad akong tumayo at hinanap si Cian.
"Cian, Cian, Cian? Asan?" Hysterical kong sabi!
"Hahaha nasa panaginip mo! Tulog kasi ng tulog e." Sabi ni Pat sakin. Ano ba naman yan. Wala naman pala.
"Ah! Ah! Kainis ka naman Pat e. Patayin kaya kita dyan ha?" Pananakot ko sa kanya.
"Eto naman. Buti nga ginising na kita e, 11 na kaya!"
"What?! 11 na? Bat ngayon mo lang sinabi? Ah! Ah naman e. Baka dumaan na yun." Pagmamaktol ko.
"Cleigh labas dali malapit na sya!" Sigaw ni Via mula sa labas.
"Hahaha labas na." Nakangising sabi ni Pat.
Makikita ko ang lalaking hari sa dreamland ko. Ang lalaking halos 2 years ko ng pinapantasya! Ganyan ko siya i-describe. Si CIAN KEAN KENT SALDIVAR. Hihihi I'm so kilig marinig ko lang pangalan nya. Ang gwapo nya talaga.
By the way, ang bastos ko naman. Kanina pa ko kumikire pero di nyo pa ko kilala. Ako nga pala si...
"HOY KEILIE CLEIGH MEI SALVA!" Epal naman itong si Via e. Tinawanan lang ako sabay peace sign sa'kin. So, ayun, ako nga yon. 16 years old. A college student and I'm taking up civil engineering. At yung mga nang gulo ng pagtulog ko kanina e yung two friends kong malalandi pa sakin at yun ay sina...
"I'm PATRICIA DIANA BECK a.k.a PAT! Nice meeting you!" Pagkatapos ay nag bow pa siya. Iba na talaga pag mahilig sa Kpop.
"Baliw epal ka talaga kahit kelan. Chupi! Bantayan mo yung babayloves ko sa labas!" Pagtataboy ko.
"Oo na eto na. Hoy Via ikaw naman." Sabi ni Pat.
"Layas ka na nga!" Tinulak-tulak ko na sya palabas.
"Sungit!"
"Tse! Natural yun"
"Hi! I'm VIA PIA RIA TENG a.k.a Via, kamusta?" Ang kukulit nila.
"Labas ka na dun. Lalampas na sya."
"Ah shit! Si Cian nakalimutan ko na. Umalis kayo sa dadaanan ko!" Dali-dali akong lumabas ng room.
Oo na masungit na ko totoo naman e. Suplada din ako hahahaha na sa'kin na lahat. Si Cian nalang ang kulang. Hohoho kire na kung kire.
Mula sa taas nakikita ko syang tumatawa kasama ng mga kaibigan niya. Nakakahawa yung tawa niya sobra.
"Hay Cian kailan mo kaya ako mamahalin? Kailan ka kaya tatawa ng ako ang dahilan? Haist hanggang tingin nalang ba ko?" Nakapangalumbaba kong sabi.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
End na Chapter 1. Please support my story po. Bago lang kasi. Vote din and Comment!
I know it short, next chapter hahabaan ko na basta ba susuportahan nyo.
