Pinky 3

80 15 42
                                    

A/N: Keep supporting Pinky Swear and vomment pls.

Marami ng nangyari saamin ni Charm pero di ko pa pala siya napapakilala sa inyo. Nga pala si Charm ay hindi ko siya basta friend lang. Hindi rin more than friend or best friend ay kundi parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Mag-isa lang kasi akong anak ni Mama. Simula ng mamatay si Papa di na nag asawa pa si Mama. Si Charm yung laging andiyan saaken kahit na brutal ako sa kanya. Kahit na lagi ko siyang binibigyan ng kagibushin technique ko.

Kilala ako ni Charm na mabait sa mabait pero gago sa gago. Pero pagdating sa kanya walang mabait palagi lang gago. Okay lang yun sa kanya kasi sanay na siya at normal lang naman yun saamin e. Halos araw araw kami nagkakasakitan pero harutan lang namin yun. Harutan lang saamin ang pagsabunutan, sipaan at batukan. Hindi kasi kumpleto araw namin pag walang ganun.

Bukas na pala ang concert ng EXO kaya ito si super duper excited si Charm kunin yung t-shirt na pinaprint niya.

"Cindy halika na." excited niyang sabi.

"Ayoko." sagot ko.

"Ayaw mo?" sabi niya sabay hila sa kamay ko papasok doon sa van nila na kulay puti. May balak ata siyang kidnapin ako. Sabagay maganda naman kasi ako.

Pagkapasok ko doon sa van biglang humarurot na agad ito para di na ako makababa. Tinignan ko ang buong paligid nito. Punong puno ng poster ng EXO. Yung iba keychain, bags, mugs, cups at kung ano ano pa. Nakaumay kaya tignan. Doon palang sa kwarto niya marami na pati ba naman sa kotse nila. Mabuti at hindi nagagalit ang parents niya. Very supportive pa.

Makalipas ang ilang minuto sa wakas nakarating na rin kami. Ayaw ko kasi doon sa loob ng van nila. Nakakasawa tignan yung pagmumukha ng EXO tapos si Charm ayun sobrang patay na patay na kulang nalang ilibing ko na to e.

Papasok na kami ngayon sa loob ng mall. Dito kasi si Charm nagpaprint ng shirt. Di ko alam kung ano itsura basta sabi niya maganda.

Mabuti wala masyado pila. Mabilis kami nakapasok. May nakita akong kung anong bagay. Sabi ni Charm x-ray machine daw yun. Ang tagal ko na rin kasi di nakapasok ng mall kaya di ko alam palibhasa palagi ako nagbabasa.

May libro nga akong dala ngayon. Gusto nyo ba malaman edi fifty shades of grey. Ang ganda kaya nito dejoke.

Naunang pumasok si Charm. Tumunog yung machine. Ano kayang nangyari? baka may dala siyang bomba. Bomba na sumasabog sa puwet at paputok sa kili-kili.

Next na ako. Umapak na agad ako machine pero buwisit bakit di tumunog? Invisible ba to? di ako naramdaman ng x-ray machine na to. tsskk. kainis.

Pumasok nalang ako sa loob ng nakabusangot palibhasa ba naman sa ganda ko, di man lang ako naramdaman ni ray. este nung machine.

"Hoy Cindy! machine lang yun kaya wag kang busangot dyan" sabi ni Charm sabay hatak sa buhok ko.

Tama naman si Charm machine lang yun dapat mainis ako kung lalake ang tumanggi saaken so nakaisip ako ng bright idea. Dahil nandito naman lang tayo sa mall so maghahanap na ako ng boylet Hahaha.

Lakad...
Lakad...
Lakad...

After mahabang lakaran sa wakas nandito na kami sa printing shirt. May lumapit saamin. Infairness gwapo siya.

"What can I do for you sis?"

Shit! Sis? ewww, sayang ang hot pa naman niya at ang gwapo. Kainis lang at bading pala to. Akala ko lalake tapos yun pala pusong babae.

Hayss.Mabuti nalang at di niya nahalata na gusto ko siya nung una. Buwisit na pogay yun.Di bale marami pang boylet dyan. Maghahanap ako.

"May we take our order please" pag eenglish ko.

"PINKY SWEAR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon