Pinky 4

49 5 9
                                        

A/N: EDITING ang part na to. Sorry sa maraming typo haha

Concert na ngayon ng EXO pero di ako excited. Ang aga-aga pa pero ang iingay sa labas. Di ko alam kung anong mayroon kaya tinignan ko sa bintana.

Nakita ko na nag-uumpukan yung mga kapitbahay naming tsismosa. Masyado silang marami kaya bumaba ako para tignan. Pagkarating na pagkarating ko sa baba ay luminga-linga muna ako. Tinignan ko kung nasaan si Mama pero wala siya kaya lumabas na ako at sakto nakita ko siya doon.

Lumapit ako at tinanong ko kung anong mayroon.

"Mama anong mayroon?" Tanong ko.

"Mayroong bagong lipat na kapitbahay. Pogi at mukhang mayaman. Wala siyang shirt kaya mas lalo siyang gumagwapo at huma-hot." Sabi ni mama na mukhang bumalik sa pagiging dalaga.

"E pambaba po mayroon siya? Sana wala hihihi."

"Sana nga pero hindi e. Este ano ba pinagsasabi mong bata ka. Kanino mo yan natutunan?"

"Sayo po."

"Pasok sa loob."

"Saan po ipapasok?"

"Ano sabi mo Cindy?"

"Hehe! Sabi ko po sobrang ganda mo."

"Haha! Maliit na bagay." Proud na sabi niya.

Laking pasalamat ko dahil hindi niya narinig.Lumayo na ako kay mama pero pagkatingin ko sa kanang bahagi ko ay may nahagip ang mata ko. Nahagip nang mata ko si Charm kaya lumapit ako.

"Hoy Charm!"

"Sshhh wag ka maingay. Tignan mo sobrang hot."

Tinignan ko yung lalake. Grabe ang hot nga. Wala siyang shirt kaso nakatalikod. Naiinitan ata si kuya kaya unti-unti niyang tinanggal yung Pantalon niya. Pababa ng baba.

Hiyawan yung mga girls na nandito pati na rin yung mga matatanda. Siyempre ako din humiyaw. Magpapahuli pa ba. Naglabasan din ng cellphone yung mga tao dito pati ako at pinicturan si kuya. Tanging boxer nalang ang mayroon niya. Mukha siyang matutulog. Ang sarap katabi. Ang sarap yakapin. Ang sarap kasama basta lahat masarap sa kanya.

P*wet pa lang ulam na. haha. Unti-unti nang humaharap saamin si kuya. At hayan na humaharap na. Nakikita ko na yung dimples niya. Sumunod na yung ilong at mata niya. Hanggang sa tuluyan ko na siyang nakita.

Napanga ako sa nakita ko dahil hindi sa pagiging gwapo niya ako napanganga kundi siya yung nakaaway ko sa mall. Yung lalake sa mall na nagsabi na Im a squatter girl o squatter pala ako edi ibig sabihin squatter na rin siya.

Biglang naghiyawan yung mga babae kasi biglang nagsalita si kuya.

"Hi." tapos sabay kindat.

Tinignan ko si Charm hayun naglalaway na. Papatalikod na sana ako para umalis pero nagsalita nanaman si kuya.

"Wait!"

Kaya tumingin ako.

"Me." nag-aalangan kong sagot.

"Yes! You."

"What? Pataray kong sagot.

"I want to say that she's my."

Pinutol ko yung sasabihin ni kuya dahil umeksena yung bibig ko na sabihin na.

"Girlfriend? o c'mon mamon! With you? Capital NO WAY." Proud kong sabi.

'It's not what you think! And please stop being assuming! I want to say that she's my mortal enemy." Ngiting tagumpay na sabi ni kuya.

"Boooooo." Sabi ng mga nandoon.

"PINKY SWEAR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon