Pinky 2

69 16 28
                                    

A/N: Please support my story and comment and vote for me is very important :)

Nandito ako ngayon sa sala nagmumuni-muni. Nakakabored kaya naisipan kong pumunta kay Charmaine. Charm for short.

Agad akong lumabas ng bahay pero siyempre nagpaalam na ako. Mabait kasi akong bata haha. Mga tatlong bahay lang ang layo nito mula sa bahay namin.

Lakad...
Lakad...
Lakad...

Pagkatapos ng mabilis na lakaran ay sa wakas nakarating na rin ako sa bahay nila. Walang habas agad akong pumasok sa loob. Kunwari magnanakaw lang ang peg. I mean magandang magnanakaw lang ang peg.

" Hi Tita." bati ko.

"O Cindy pasok ka." sagot niya.

Dali-Dali akong pumasok at pumunta doon sa may kusina nila. Para kumuha ng kung anong puwedeng nakawin na appliances pero siyempre joke lang yun.

Pumunta ako doon sa may kusina kasi kumuha ako ng chips na cheese flavor, favorite ko kasi yun kahit na palagi akong nakakalimot magtoothbrush.

Sabi nga ng Mama ko di na daw kailangan ng kandila pag nagbrown out kasi ngipin ko palang daw lumiliwanag na sa gabi. O diba nakatipid pa kami.

Pagkatapos kong kumuha ng chips ay agad akong umakyat papuntang kwarto pero huwag kayong mag-isip ng masama dahil wala akong gagawin na ikababahala niyo. Pagkarating ko sa taas ay tinignan ko kung may bakas ni Charm. Mukhang wala naman. Mukhang maayos naman.

Lumapit ako malapit sa may pinto at hinawakan ko ang... ang... ang.. doorknob haha wag GM. Nakalock ito kaya sumigaw ako.

"Hoy Charm! Sumuko ka na. Lumabas ka na diyan. Tigilan mo na ang pagfa-fan girl mo." Sabi ko with matching baril pause pa.

"Hoy Cindy! Huwag ka ngang makulit. Nananahimik ako dito." sagot niya.

" Buksan mo na kasi ang pinto at kung hindi sisipain ko to."

"Oo na." saad niya.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Nakita ko agad ang mukha niyang panget. Binatukan ko siya at sabay sabing " Bubuksan mo rin pala, papatagalin mo pa."

"Ouch!." sabi niya na sabay irap at bigla nalang nanlisik ang mga mata na di ko malaman kung na-engkanto ba to o na epilepsy. Wala naman akong ginawa masama ah. Binigyan ko lang naman siya ng kagibushintechnique ko.

Bahagya akong lumayo at napatakbo papuntang kama kasi alam ko na yang ganyang eksena. Nilapitan niya ako at hinagis niya ang mga unan, mabuti nalang at nakailag ako. Akala niya siya lang ang marunong maghagis kaya ako naman. Binigay ko ang napakalakas kong hagis kaya ayun tumama. " Headshot." sabi ko sabay hagalpak ng tawa. Ako andito tuwang tuwa kasi para kaming bata tapos siya galit na galit at sinisisi ako dahil di niya daw napanood yung part ng kissing scene na pinagfa-fan girlan niya.Halos araw-araw niya nga iyon pinapanood di pa rin siya nagsasawa. Sobrang Fan siya ng EXO na di ko nga malaman kung anong nagustuhan niya doon.

Sabi niya Bias niya daw sina Luhan at Xiumin e mukhang bakla naman yun at as if naman kilala siya. Pasalamat nalang ako dahil tumigil na kami sa paghagisan pero siya parang bata na nagwawala pa rin with matching sipa sipa pa ng paa at may panguso-nguso pa. Di naman bagay sa kanya. Mukha siyang kaawa-awang pato sa gawa niya.

Para naman tumahimik na siya sinabi ko na sasama na ako sa concert ng EXO basta libre niya. Ano ako? Hilo! Ako na nga ang sasama pera ko pa kapal niya ah. Okay lang naman daw sa kanya basta ang importante may kasama siya.





"PINKY SWEAR"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon