Matapos ang pagkikita namin ni Airish, nahirapan na ako'ng makatulog. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Bumalik ako sa kwarto ko at muling humiga sa kama pero sadyang hindi matahimik ang pag-iisip ko.
Kinabukasan, sa sobrang interesado ko sa mga nangyari, hindi na ako nakapag almusal. Alas otso ng umaga ako nagising. Dalawang oras lang ang naitulog ko. Sinubukan ko'ng maghagilap ng kung anong bagay na makakatulong para malinawan ako.
Muli ko'ng inakyat ang bodega. Sa sulok nito nakatabi ang baul kung saan nilagay ko ang mga lumang gamit ni lolo. Hinalungkat ko ang mga gamit doon. May mga nakita akong manual sa kung anong invention n'ya, karamihan ay mga lumang gamit gaya ng helmet na pang welding, gloves, boots, may mga tools din gaya ng screws, pako, martilyo. at may ilang mga notebook.
Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang lumang journal. Mukhang gamit na gamit ito. May seal din ito pero hindi locked. Mukhang kinain na rin ng anay ang ibang mga pahina. Kinuha ko ito at dinala sa kwarto.
Minabuti ko na munang maligo. Nakatingala lang ako sa kisame habang nakatalikod sa shower at dumadaloy sa likod ko ang tubig. Napapaisip pa rin ako at hindi makapaniwala na nag eexist pala ang ibang dimension.
Matapos ko'ng maligo't magbihis, ay dumating ang pinadeliver ko'ng pizza at nagsimulang kumain. Matapos ng lahat, bumalik na ako sa kwarto, umupo sa kama at sinimuang basahin ang journal ni lolo.
Sinimulan ko sa pinakaunang pahina, mga bagay na ungkol lang sa mga imbensyon n'ya ang nakasulat doon. May iba rin na tungkol sa trabaho n'ya. Looking at the date, it was 1956. So probably nasa 26 years old pa lang si lolo nito. Nilampasan ko ang ilang mga pahina at nakarating sa isang parte kung saan may tinutkoy s''yang isang babae.
"May nakita ako kaninang babae sa kalsada. Mukhang hindi nya alam ang lugar ni kinaroroonan n'ya. Ibang iba ang pananamit n'ya. At hindi ko maintindihan ang pananalita n'ya. Hindi ko masasabing Japanese language ito o Spanish. Sigurado ako, hindi ko pa naririnig ang ganung salita.. Biglala na lang s'yang nag laho at hindi ko nasundan kung saan s'ya nagtungo."
Well, I guess this is when lolo found the girl mom was talking about? Inilipat ko agad sa sumunod na pahina. It was dated three days after the previous one.
"Nakita ko na naman ang babae na nakita ko nung makalipas dalawang araw. May iniabot s'ya sa akin. Sa tingin ko, isa itong sulat eh. Hindi ako pamilyar sa mga letra. Sinubukan ko nang ipakita sa mga kakilala ko na eksperto pero hindi sila pamilyar sa sulat na 'yon. At parang kakaiba din ang ginamit nyang papel at panulat. Natapunan ko nga ito sa iniinom kong kape pero hindi man lang natunaw o nagbago ng texture ng papel. Hindi rin nabura o na-damage ang ink na ginamit. Sinubukan ko rin iexamine mag-isa ang composition ng ink at paper na ginamit pero wala akong makitang kagaya nito. Baka dahil hindi ito gawa sa mundong 'to?"
Things are starting to get intriguing. Nilipat ko agad sa sumunod na pae para alamin ang mga susunod na nangyari. This next page was written 7 days after the previous one.
"Hindi na uli nagpakita yung babae. Isang linggo ko na s'yang inaantay na magpakita muli dahil nahhihiwagaan ako sa kanya. Mahirap man paniwalaan, pero sa tingin ko, hindi lang s'ya basta pang karaniwang babae eh. Sa tingin ko nagmula s'ya sa ibang lugar. Isang hindi pangkaraniwang lugar na hindi pa natin nadidiskubre. Mas lalong tumibay ang paniniwala ko na posibleng mayroong iba pang dimensyon ng mundo. Susubukan ko na ipagpatuloy ang research ko tungkol dito at gumawa ng imbensyon na maaaring magpatunay dito. Isang lagusan papunta sa kakaibang lugar na pinanggalingan ng babaeng nakita ko. Pero kailangan kong malaman kung paano nakakatawid sa kabilang dimension ang babaeng nakita ko. Malaking tulong sana kung makakausap ko s'ya. Ano ang sulat na ibinigay n'ya? Ano'ng gusto n'yang sabihin?"
BINABASA MO ANG
The Traveller
Science FictionA story that will bring you to the other dimension of love.. Shawn discovers the secret of his grandfather's invention that opens a portal to different dimension called Herenia as he moves in to his old abandoned house. He then meets Airish with the...