Kanina pa akong naghihintay kay Airish na magpakitang muli. Naka-indian sit ako sa lapag kaharap ng pinto, unti unting nauubusan ng pasensya habang paulit ulit tinitignan ang oras sa suot kong wristwatch. Gustuhin ko man na ako na la g ang magpunta sa kanya, mas mabilis ang takbo ng oras doon at baka di ko mamalayan na matagal na pala akong nawala dito.
Pero dahil hindi ko na nga matiis, heto na't ako na lang ang pumunta sa Herenia.
"AIRISH!!! AIRISH!! SI SHAWN 'TO!!!" Sigaw ko habang nakatingin sa paligid.
Biglang may humila sa akin mula sa likuran at tinakpan ang bibig ko.
"Shhhhh!!!"
Nilingon ko iyon at nakitang si Airish pala.
"Bakit kasi ang tagal mo? Kanina pa ako nag aantay! May sasabihin ako sa'yo" Pabulong ko'ng sinabi sa kanya.
"Hindi mo ba naiintindihan??" Mahina ang boses ni Airish pero sa tono ng pananalita n'ya, ramdam ko ang pag aalala n'ya.
"Bakit ba kasi?"
"Hindi pwedeng malaman ng kahit sino na bumubukas uli ang lagusan. Napahamak na kami noon dahil sa ininbento ng lolo mo. Kaya ako, ikaw, pareho tayong malalagay sa panganib kapag may nakaalam nito!" Sabi nito habang palingun-lingon sa paligid.
"Ano?"
"Mag uusap tayo mamaya. Halika, doon tayo sa mas ligtas na lugar."
Hinablot ni Airish ang braso ko at hinila papunta sa isang kakaibang sasakyan. Wala itong gulong at lumulutang lang. Sa liit nito, dalawang tao lang ang kakasya. Isa sa harap at isa sa likod.
"Wow! Ang cool nito ah?!" Sabi ko habang hinahawakan ang sasakyan.
"Astig?" Bakas sa mukha ni Airish na hindi nya maintindihan ang sinasabi ko.
"Ibig sabihin, maganda. Kakaiba. Ganun."
"Ah. Ito ay VCO129, siguro.. mga sampung beses ang rami ng onsumo nito sa gasulina kumpara sa sasakyan ninyo sa labas."
"Woah! No way..."
Tinulungan ako ni Airish na makapasok sa loob at makaupo ng maayos. Kakaiba ang seatbelt nito dahil humagamit ng nanotechnology para mag form ang belt.
Pumuwesto na s'ya sa drivers' seat at inistart ang engine. Sinara na nito ang nga bintana at maya-maya ay umarangkada na ang sasakyan.
"AAAAAAAAAAHHH!!!!" Patuloy ako sa pagsigaw. Napakabilis ng takbo nito, dahilan ng pagkahilo ko sa byahe.
Wala pang isang minuto, pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na doon. Nakarating na kami sa destination namin. Walang gaaning makikita sa paligid kung di mga bundok at halaman. Sobrang sakit ng ulo ko sa bilis ng takbo at nahihilo pa rin ako.
"Anong ginagawa natin dito? Nasan tayo??" Tanong ko habang nakahawak ang isang kamay sa noo. Mahangin sa kinatatayuan namin at kami lang ang tao.
"Eudarja." Sagot n'ya habang nakatingin sa harap.
Tumingin ako sa ibaba at saka narealize na mataas pala ang kinatatayuan namin ngayon. Nasa ibabaw kami ng bangin. At ako, may phobia sa heights.
Napasigaw na naman ako sa takot at nagpanik. Napahawak ako sa dibdib ko at gumewang gewang.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Airish na nakatayo sa di kalayuan.
"May Acrophobia ako..." sabi ko habang dahan dahang umaatras at nanginginig ang boses.
"Acroph-- ano?"
![](https://img.wattpad.com/cover/59936567-288-k537808.jpg)
BINABASA MO ANG
The Traveller
Science FictionA story that will bring you to the other dimension of love.. Shawn discovers the secret of his grandfather's invention that opens a portal to different dimension called Herenia as he moves in to his old abandoned house. He then meets Airish with the...