Chapter 2

47 1 0
                                    

-2-

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nakaaktakot ang mga istudyante dito. Ang pupuputi nila, parang mga wala na silang dugo. Sapagkat magaganda at gwapo sila. Mahahanga ka sa ibang klaseng figure ang meron sila. Wala kang makikita na pahid na kapangitan sa kanila. Kahit damit wala.

Masyado silang perkpekto para magging isang tao.

Ramdam ko rin na parang hinid ito normal na paaralan. Masyadong matataaas ang mga ceiling na parang panghigante lamang ito. May mga chandelier sa bawat classroom at lalo na sa canteen nila na tadtad ng ginto.

Parang nasa iba kang mundo. Masyadong pangmayaman ang paaralang ito. Mahirap lang ako at iniwanan na ako ng aking mga tunay na magulang. Ang nagaalala na sa akin ay ang nagadpot sa akin. Ngunit hindi rin sila ganuon kayaman para ipasok ako sa ganitong klaseng eskwelahan.

Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi masyadong nalabas ang mga estudyante tuwing umaga. Lalo na kung maaraw.

Masusunog ba sila. pft. Parang vampira na sila sa sobrang puti. Pero nakakamangha parin.

Papunta na sana ako sa sususnod kong class ng magkagulo ang mga tao lalo ang mga babae at papunta sila sa main entrance wherein the most extravagant place is located.

Dahil mahilig ako makachismis, sumunod na rin ako sa kanila at dinala kami sa main entrance. Merong limang tao na nakatayo dun. Napanganga ako sa kanila.

Ang puputi nila at sobrang perpekto nila. Nakakatakot silang hawakan sapagkat malam mo na isa itong price possession. Pansin ko ang mata nung babae. Silver sya. Tuwing natatamaan ito ng araw kumikinang ito na parang isa itong alahas.

Nakatitig lang ako. Napatingin ako sa tabi nun babae.

Lalaki syang jett black hair at matangkad sya. Nakatingin sya sa akin kaya nagulat ako at napalunok ng Makita kong ngumisi ito sa akin. Dahil sa takot ko akmang tatalikod na ako ng mahigip ng aking mga mata ang isang perkpekto pigura na nakatayo sa gitna ng apat. Matangkad at black ang buhok nya. Kita rin ang mga hikaw nya—bago pa man titigan ko sya at pagaralan ang bawat parte ng katwan nya, tumalikod na ako at naglakad palayo.

Hindi ko alam kung ano ang mararamadamn ko ng Makita ko syang tumingin sa akin at tumitig.

Naisip ko ulit yung magandang babae. Para syang doll. Her silver eyes that shines whenever the sun hits it as her white skin that makes her stand the most looks gorgeous and fascinating. Even her hair is silver.

Hindi pa ako nakakakita ng ganung buhok. Para syang natural at hindi ito pinakulayan.

Napabuntong hininga ako at yumao na papuntang classroom.

Nang makarating na ako sa klase ko hindi ko na aasahang may bumati sa akin sapagkat wala akong mga kaibigan dito. Unang pasok ko lang dito nung isang araw, wala man lang bumati sa akin. Kahit ang mga guro ganun din.

Wala at silang pakealam kung may bago o wala. It's not that important to them.

Isa lang akong mamayaman sa isang mahirap na village at ang nakakapagtaka lang pinasok ako ng aking tito dito sa paaralang ito. Bago la man nya ako ipasok, mag-ingat daw ako. Dahil wala kang mapagkakatiwalaan dito.

Pero hindi larin mawala sa isip ko kung paano nya ako naipasok dito. Isa lamang syang gardener ng isang mayamang pamilya ngunit hindi naman ibig sabihin nun, malaki na ang suweldo at luwede na nya ako ipagaral sa mamahaling paaralang ito.

Nakakapagtaka na parang mahal ang bayad dito.

Pagkapasok ko ng classroom bumungad sa akin ang limang bagong estudyante na nakita ko lamang kani-kanina sa main entrance.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon