Friendship Over?

289 13 8
                                    

Hala!  Sorry na.  Peace? :D    text ko sa kaibigan kong si Danielle.

Through what network?

Bakit, iisponsoran mo ba ako ng load? :D

Iyon nga, nagsosorry ako sa kanya sa kadahilanang hindi ko din alam kung bakit siya nagalit sa akin.

Bigla nalang siya nagtext sa akin na huwag ko na siya itext dahil nabBV daw siya.

Eh itatanong ko sana kung anu yung BV kaso siyempre, huwag pahalata na shunga, nakakahiya XD

haha.

Pero ano nga ba un? XD

Hala!

Ayaw niya na magreply!

Magkikita pa naman kami bukas, baka hindi niya ako pansinin.

The next day…

Habang papasok ng eskuwelahan sa *toot*

Sorry, secret.

Baka puntahan niyo ko, masira pa concentration ko sa pag-aaral XD

Iyon nga, paano ko siya kakausapin?

Eh ang taray pa naman nun.

Snobera ng bongga.

Buti nga naging kaibigan ko iyon e.

*Flashback*

Habang kumakain kaming magkakaibigan ng lunch sa may damuhan sa may basta! Isang lugar yan, nagkaroon ng first impression game.

Si Red? Pamysterious effect.  Tapos hindi naman pala.  Wala lang.  Walang kuwenta!” sagot ni Abby na isa sa mga close friend ko.

Eh si Orange?” tanong ko.

Ayy… mataray.  Promise!  Akala ko talaga ang taray niya.  Iyon pala hindi.” sagot na naman ni Abby.

Eh si Gray?” sabay tanong ko na nakangiting nang-aasar.

SILENCE……………..

Oh?!  Bakit bigla kang nanahimik Abby?” paasar na tanong ni Claire kay Abby.

Eh sabi niyo kasi first impression.  Iyon na yun.” sagot ni Abby.

AAHHHHH!!!!….  Gets!!” sabay naming nasabi sabay tawa habang nangingitim este namumula si Abby.

Oh! Si Danielle?” tanong ni Yellow.

Nanahimik na naman lahat tapos dumaldal na naman si Abby.

Si Danielle?  Napakataray at snobera.  Nung kagrupo ko nga siya sa english, napakabossy e tapos ang korny pa pag nagjoke.  Yung tipong, joke iyon?  E paano pa kaya kapag ako na nagjoke? HAHA..  Baliw ata iyon.  Pag hindi nakulam, siya yung mangkukulam XD

Grabe makapagreact nung si Danielle na?

May napansin ba kayong positive dun sa sinabi niya about kay Danielle.

Well, puro negatives talaga napansin nila sa kanya.

Nahurt ako kahit mas close ko naman sina Abby at Claire kaysa kay Danielle.

Bakit nga ba?

Isa kasi ako sa mga taong martir pagdating sa kaibigan.

Kaibigan ng mga sawi, walang salapi, may sapi, atbp.

Grabe naman kayo.  Masyado niyo kasi pinapansin yung mga negative sa kanya.  Try niyo kaya muna siya iclose siya tsaka niyo siya ijudge.  Magjudge ka muna! hahahaha…

F.O.?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon