Chapter 2 : first Day

17 1 0
                                    

Kate Mendrano

** so im gonna love you,  like im gonna lose you.

Im gonna hold you,  like im saying good bye ~**

Umalingawngaw sa buong silid ang Alarm song sa phone ko.  Agad akong bumangon kahit tinatamad pa ako at inaantok pa,  inayos ko na rin ang kama at pumasok narin sa banyo , Tinignan ang muka ko sa salamin.  One word to describe my face?  PANGET.

"psh. Bahala na" binuksan ko ang gripo,  nag hilamos at nag mumog. 

Habang nag lalagay naman ako ng tooth paste sa toothbrush ay napatingin ulit ako sa salamin.  Ang panget ko talaga.  Diba sabi nila,  pag ang babae daw after break up gumaganda?   Anong nang yari sakin?   Lagi nalang namumugto ang mata ko kakaiyak sa tuwing naalala ko siya,  malaking eyebags kakaisip sa kanya,  panget na buhok dahil sa nakaka limutan ko na minsang mag suklay.  Ang init init pa ngayon since summer vacation . Tas di ko man lang ma enjoy tong summer kakaisip sa kanya.  What if kung mag swimming ako with my friends?  Ayy wag na pala.  Wala pala kong friends.  Anti social ako sa school  kaya walang gustong makipag kaibigan sakin.  Tahimik lang kasi ako. 

" hayy.  Nababaliw ka na Kate" letse kinakausap ko na tong sarili ko  -___-

Nag patuloy nalang ako sa pag tu-tooth brush at tsaka pagkatapos ay naligo na rin. 
-- --

"what should i wear? "

Tinignan ko ang mga damit na naka kalat sa kama ko. 

Dresses,  pants, shirts,  at kung anu-ano pa.  Pinili ko nalang yun simpleng pants at puting t-shirt na may teddy bear design.  At nag Rubber shoes nalang.

Tinignan kong muli ang muka ko sa pangatlong pag kakataon. 

"Hayys" napa buntong hininga nalang ako sa laki ng eye bags ko.  Nag lagay nalang ako ng foundation at lipstick.  Pero dont get me wrong.  Sobrang konti lang ng nilagay kong lipstick.  Di ako katulad ng iba na sobrang kapal mag lagay. 

Okay Kate ,  pumunta ka na sa Coffee shop. Sana matulungan ka talaga nung estranghero na yun.  ..

Pag pasok na pagpasok ko palang sa coffe shop ay agad siyang nahagip ng mata ko.  Agad akong umupo sa tabi niya. 

"Good morning " bati niya sakin sabay higop ng kape niya. 

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito? "  diretsahang tanong ko sa kanya.  Hindi kami close , at tsaka sinong baliw na tao ang uubusin ang oras para lang tulungan ang isang babaeng maka move on at patuloy na nag papaka miserable.  ?  Ang dami daming pag kaka abalahan na mas importante pa sakin.  ?

Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay inaya niya kong kumain.  Agad kong napansin ang Cheese cake at Hot chocolate sa lamesa. Sakto,  naka limutan ko palang mag agahan sa bahay.  Naka pag order na pala siya.  Panu kung nalate ako nu?  Hindi kaya Lumamig yung Hot chocolate?  Haha.

Pag katapos naming kumain ay umalis na kami sa coffe shop. 

"Saan tayo pupunta? " nag tataka kong tanong.

"Basta" matipid na sagot niya sakin na hindi man lang nag abala akong tignan.  Imbis ay patuloy parin siya sa pag lakad.  Sinundan ko nalang siya at hindi na nag tanong pa,  non sense rin naman. 

Dinala niya ko sa isang lugar na malayo sa sibilisasyon.  Ang daming puno. Presko ang hangin.  Hindi mo maaalala na nasa City ka.

Parang sa probinsya kasi eh.  May ganto pa palang lugar sa City ngayon. 

Umupo kami sa tabi ng isang puno.  Mula doon ay matatanaw mo pa ang ibang mga Puno , halaman at Bulaklak. 

Ang ganda. 

"Dito ako tumatambay bukod sa may Coffee shop.  Nandito ako sa twing nalulungkot ako.  Pero masaya na kasi May kasama nako.  Tsaka dito ko rin nilalabas lahat ng sama ng loob ko sa pamamagitan ng pagsigaw " pagpapaliwanag niya. 

"NAKAKAINIS ANG BUHAY NATO! " nagulat nalang ako sa biglaan niyang pagsigaw.

"shh  !  Wag kang maingay  !  Mapagkamalan kang baliw pag may naka rinig sayo dito. " pag saway ko naman sa kanya. 

"Dont worry,  walang makaka rinig sakin dito.  Ang peaceful nga dito eh.  Tahimik lang.  Kaya pwede akong sumigaw hanggang gusto ko.  Try mo  ! Nakaka gaan ng Pakiramdam " pang hihikayat naman niya sakin.  Gagawin ko ba?  Siguro nakaka gaan naman ng nararamdaman yun

"Sige na, ilabas mo yung lahat ng sama ng loob mo sa pamamagitan ng pag sigaw  !" dagdag pa niya. 

Huminga ako nang malalim ..

"NAKAKA INIS ANG BUHAY NATO! "

"MOM,  DAD  !  BAT NIYO KO INIWAN!?   SAWANG SAWA NAKONG MAG ISA "

"I MISS YOU MOM "

"I MISS YOU DAD"

"PESTE KA CLIFFORD  !  AKALA KO NOON HINDI MO KO IIWAN  !"

"I WANT TO MOVE ON !  "

"I HATE THIS LIFE  !?  LAHAT NALANG NG TAONG MAHALAGA SAKINNAWAWALA AT INIIWAN AKO  " patuloy pa rin ako sa sunod sunod na pag sigaw ko.  Hanggang sa maiyak nalang ako.  Ang sakit sakit.  3 years old palang ako nung namatay ang mga parents ko. Namatay sila na walang kamuwang muwang pa ako sa mundo noon.  Ang agang kunin ni lord sakin ang parents ko.   Lumaki akong walang magulang na nag aalaga sakin.  Kinupkop ako ng tita kong mayaman.  Hindi naman ako nag kukulang pag dating sa financial at mga luho sa buhay.  Pero nakaka lungkot lang na puro maids lang ang nag aalaga sakin nung bata pa ako. . Busy kasi ang tita ko sa work.   At tsaka may pamilya na siya.    Nung nag 1st year high school naman na ako ay lumipat ang family ni tita sa Singapore.  Sinasama nila ako pero ayoko.  Nandito kasi ang puntod ng parents ko sa pilipinas.  Gusto ko silang laging binibisita.  Kaya ayun kumuha ang tita ko ng isang apartment para sa akin sa isang private subdivision para narin sa security ko.  Sa murang edad ay marunong nako sa mga gawaing bahay.

At namuhay mag isa. Hindi naman nila ako pinabayaan.  Sinusustentuhan naman nila ako. 

Patuloy pa rin ako sa pagsigaw hanggang sa mapagod ako. Napa upo ako sa damuhan habang umiiyak.  Ayoko na..  Sawang sawa nakong masaktan ..

Naramdaman ko nalang ang init ng yakap sakin ni Ano..  Sino ba ulit to?   

Hindi nako nag abala pang tanungin ang pangalan niya . Imbis ay naka tuon lang ang atensyon ko sa mga braso niyang naka yakap sakin. Nanatili kami sa ganung pwesto ng mga ilang minuto. 

At dahil sa pag sigaw ko ay naramdaman ko na gumaan ang nararamdaman ko.  Kadalasan kasing naka kulong lang ako sa kwarto noon. Parang lahat ng stress ko sa katawan ay biglang nawala dahil sa pag sigaw ko?   Totoo pala. 

At sa mga yakap ng estrangherong ito ay Gumaan ang pakiramdam ko at naramdaman kong hindi ako nag iisa .


-- 7 days with a stranger

7 days with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon