Chapter 8: Seventh Day (Prologue)

19 1 0
                                    

Kate Mendrano

Pag ka gising ko palang ay agad akong nag ayos at Nag handa.

Pumunta agad ako sa tambayan ni Sean.

Gustong gusto kong malaman ang kanyang dahilan kung bakit niya ko tinutulungan. 

Sa Coffee shop. Ay agad akong nanlumo nang malaman ko na wala siya dun.

Halos mabaliw nako. 

    Dalawang Lugar naman ang pinupuntahan niya ehh. 

Agad naman akong pumunta sa tambayan niyang puno.

Kinakabahan ako. 

Panu kung wala siya  ?   

Pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko.  Sana nandito siya sa puno.  Sana dito siya naka tambay ngayon  . Naiiyak nako sa frustration. 

At agad nanlambot ang Tuhod ko at napa luhod nalang ako sa damuhan nang makita kong ni bakas niya ay wala doon. 

Patuloy akong lumuha.  Paano kung tuluyan na siyang umalis sa buhay ko ?

Sabi niya 7 days daw diba  ? Ito na ang huling araw sa usapan. Hindi ba siya tutupad sa usapan?   Kahit ngayong araw nato makita ko lang siya.  Nakatadhana lang ba na dumaan lang siya saglit sa buhay ko  ? 

Gusto kong malaman kung anu yung nararamdaman ko para sa kanya.  Bat ganun yung nararamdaman ko sa twing nag kaka dikit ang mga braso naming dalawa?   Bat biglang bumibilis ang tibok ng puso ko sa oras na tignan niya ko sa aking mga mata  ? Bakit ayoko siyang mawala sa buhay ko kahit Completely stranger parin siya.  ?  Di ko alam kung pano at anong klase ng buhay meron siya , may pamilya ba siya  ? Ni isang kaibigan nga niya wala kong kilala eh . Bakit lagi yata siyang nag iisa? 

Yung number niya lagi kong tinetext pero di naman nag rereply ?

Sean  ?  Nasan ka na ba ?

Minsan ay nauupo ako pag napapagod na sa kakatawag at kasisigaw ng pangalan niya.

Paikot ikot ang tingin at lakad  ko.  Tila ay nag babakasakaling mahanap ko siya. 

Sana..

Nang mapagod naman ako ay umupo nako sa damuhan.  Sabi niya within 7 days diba? Bakit wala pa siya hanggang ngayon ?

Tinignan ko ang wrist watch ko.  Mag aalas diyes na pala ng umaga.   Kanina pako nag hihintay dito ng mga 7:30.

Sean ?  Nasan ka na ba  ?

Bahala na.  Susuko nako. 

Akmang tatayo palang sana ako nang may biglang humawak sa balikat ko. 

"saan ka pupunta? " tanong ng isang malalim na boses .

Isang malalim na boses na tumagos hanggang sa puso ko.  Naiiyak akong tumayo at agad agad kong hinagkan siya.

"Bat ngayon ka lang? " tanong ko sa kanya habang patuloy parin sa pag hikbi. 

Imbis na sumagot siya ay hinimas nalang niya ang likod ko upang mapatahan ako. 

"Gusto mo talagang malaman kung bakit kita tinutulungan? "

Tanong niya habang mahigpit na naka yakap sakin.

"O-Oo " nauutal na sagot ko sa kanya. 

Nagbigay siya ng kaka-unting puwang sa aming dalawa at tinignan niya ko ng diretso sa mga mata.  At unti unting lumapit ang muka niya sa akin.

Hanggang sa mahalikan niya ko.

Mabilis ngunit pakiramdam ko ay saglit nitong napatigil ang mundo ko. Ngayon ay nalinawan nako.

Mahal ko si Sean. Ang estrangherong ito

Muli niya kong hinagkan.  At sa pagitan ng aming pag kakayakap sa isat-isa ay may kataga siyang nag patigil ng mundo ko.

"Mahal kita "

-- --


walong  taon narin ang nakaka lipas nang mangyari ang lahat ng iyon. Ngunit sariwang sariwa parin iyon sa aking isip. 

Walong taon na kaming nag mamahalan ni sean.

At Walong  taong nayun ay nakilala ko siya ng lubos. 

Hindi na siya yung tinatawag kong estranghero noon. 

Ansayang isipin ang mga nangyari sa mga naka lipas na taon.

Maraming nag bago.  Ngunit ang pag mamahalan namin ni sean ay nanatili katulad parin ng dati.

Nang maka tapos na kami ng pag aaral sa kolehiyo ay nag hanap muna kami ng trabaho.  Para syempre para sa kasal namin at para narin sa future ng mga anak namin.

At ngayon

Isang Engineer Ang pinaka mamahal kong asawa. .

Habang ako naman ay Isang English teacher sa Isang paaralan.

May Dalawa na kaming anak ngayon, 

Ang Pitong araw na Usapan ay naging walo,  siyam,  sampu,  at Sa hanggang maging pangmatagalan at pang habang buhay. 

Pitong Araw na Kasama ang Isang Estranghero. 

Estranghero na nag pabago ng buhay ko.

Mahal na mahal kita SEAN RODRIGUEZ

Mrs.  Kate Mendrano - Rodriguez
--Signing Off.
























Author's Note :  wahh T^ T atlast natapos ko na rin.  Thanks sa lahat ng bumasa kahit di ganun kagandahan ang story nato.  T ^T

Mamimiss ko sila Kate at Mr. Stran--este Sean pala.  Haha  ^.^

Bye  ! 

--7 days with a stranger

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

7 days with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon