Mary Eve
I think it is usual to be early when you're excited. Katulad nalang noong first day of school ko noong grade one ako. I woke up early to get ready for school. And today, I woke up, rather too early, for an event I've always been excited for.
Today is a mixture of bright and gloomy, but it doesn't bother me.
"Good morning, ati!" bati ni Doreen sa'kin pagkababa ko sa sala na may malawak na ngiti sa kaniyang mukha. Two years ko na siyang yaya.
"Good morning din, Doreen!" I greeted back at ngumiti din ng malawak. Pumunta ako sa kitchen at dumeretso sa table para kumuha ng french toast. Umupo ako isa sa mga upuang nakapalibot sa bilog na mesa.
Kumagat ako sa french toast at lumingon kay Mama na kakapasok lang ng kusina. "Is everything set? We'll be there at 6PM sharp. 'Yung cake, okay na ba? Tawagan mo ulit. How about the foods? Yes, yes. I'll call you later. Okay, thank you. Bye."
She puts down the telephone and sat on the chair beside me. Pinikit niya ang mga mata niya at hinilot ang kaniyang sentido.
Inabot ko ang tasa ng kape sa harap ko at binigay 'yun kay Mama, "Let's eat, Ma!" Tinanggap niya 'yon at kumuha din ng french toast saka kumain kasabay ko. "Ma, you should calm down. Everything will go the way it's supposed to be. Hindi mo po kailangan i-stress ang sarili mo, okay?" I told her, tucking a few strands of her hair behind her ear and hugged her tightly. Niyakap ako pabalik ni Mama kaya siniksik ko lalo ang sarili ko sa kaniya.
"I just want this day to be perfect, darling. You deserve to have the best, and only what's best," sagot niya sa'kin na siya namang naging rason upang mapangiti ako. Her words just made my heart melt.
Na-witness ko ang lahat ng efforts nila ni Dad para mabigyan ako ng napakagandang debut. They've been doing errands for the past few weeks for this.
Tell me who's lucky.
﹏﹏﹏
"Eve, will you please take a few, deep breaths? You need to chill your ass out! Hindi ko mailalagay ng maayos ang make-up mo kung hindi ka mapakali diyan sa kinauupuan mo," inis na sabi ni Ann habang tinututok sa eyelids ko ang make-up crush.
She's my best friend, and my make up artist as well. Minsan niya lang ako tawaging Eve. Those moments happen, mostly because she's pissed. Halata na din naman ito sa mukha niya. Kunot na ang kaniyang noo at halos magdikit na ang perpektong kilay niya.
I did the basic breathing exercise para kahit papaano ay maikalma ko ang sarili ko. I inhaled and exhaled for almost three minutes bago ako kumalma. Sanay naman ako na madaming tao akong nakakahalubilo pero iba pa rin ang pakiramdam na sabay-sabay ang pagbibigay nila ng atensyon sa'yo.
Damn. Birthday jitters.
After akong maayusan ni Ann ay pinasuot na din sa'kin ang gown. Kasyang-kasya ito sa'kin. Sinadya ko kasi talagang hindi kumain ng madami before ang araw na 'to para hindi magbago ang katawan ko at masuot ko pa ang gown ko.
Nang maayos na ang lahat sa'kin ay pumasok agad sina Mama at Papa. Nagpapicture kami ng ilang shots, at matapos iyon ay binigay nila sa'kin ang regalo nila. Isa itong bracelet.
"Happy birthday, anak. You will always be our one and only baby," naluluhang sabi ni mama sa'kin. She wiped away a few tears on the corner of her eyes.
"Happy birthday, baby," bati naman ni Papa sa'kin at hinalikan ako sa noo. "This is your night, so you must enjoy it."
Niyakap ako ng mga magulang ko kaya niyakap ko din sila pabalik. Naririnig ko ang paunting pagsinghot ni Mama. Aww, my mother is getting emotional.
BINABASA MO ANG
Sweetest Downfall
Fanfiction"You were you, and I was I; we were two before our time. I was yours before I knew, and you have always been mine too."