Dear Crush,
Alam mo bang tamad ako mag-sulat pero dahil sayo nagawa ko to? First time pa nga e. Drawing yung specialty ko pero nagsusulat ako ng ganito. Nakakababa kaya! Ewan ko ba kung anong meron sayo na wala sa iba kasi hindi ka naman gwapo(medyo lang), hindi ka naman matalino, tamad ka pa kaya puro bagsak ka sa mga subjects natin, ang taba-taba mo (butod pa!) , ang yabang yabang mo at ang landi mo. oo malandi ka! yung makipag text ka sa ibang babae na hindi mo namn kilala e kalandian yun.
Isang taon palang tayong magkakilala pero kilalang-kilala na kita. Tulad nalang ng taga Ilo-ilo ka. Na nag-aral ka lang dito ng college sa lugar namin kasi takot ka sa auntie mo at alam ng mga magulang mo na sya lang ang makakapag- control sa ugali mong balasubas. Na sinasabi mo lang sa auntie mo minsan na may pasok ka pero sa totoo lang e wala kasi nabibilang ka sa mga may irregular class. Na naglalaro lang kayo ng dota at LOL ng mga kabarkada mo kahit na may klase. Na July 5 ang birthday mo at may dalawa kang kapatid na babae. Na sa tuwing gabi ka na nakakauwi ay nag inuman kayo ng mga kaklase natin na katropa mo sa karenderya ni manang Lucy sa likod ng building natin at hindi mo pinapahalata yun sa auntie mo kaya naglilisterine ka bago ka umuwi sa inyo. Na alam kong naninigarilyo ka pero wla halos nakakaalam kasi nagtatago ka at ayaw mong manigrilyo in publicb at higit sa lahat, na mabait ang tatay mo at hindi mo yun namana!(Friend ko nga pala yung tatay mo sa Fb hindi mo lang alam.^_^ ) na nawala ang virginity mo nung HIGHSCHOOL KA PALANG KASI GUSTO MONG PUMASA SA P.E. TEACHER MO AT NAKIPAG RELASYON KA SA KANYA! Sa totoo lang marami pa akong alam na masasamang katangian mo per bakit crush parin kita?
Sa araw-araw na may klase tayo na magkasama ay lagi mo akong iniistorbo at binibwisit. hindi ka man lang tumira ng isang araw na hindi ka manggugulo sa akin at complete attendance ka ha?( kaya ang hirap labanang mag ka-crush sayo e.) tigil-tigil din kasi pag may time ha?
Yung pinaparinig mo sa akin na katextmate mo hanggang madaling araw(na kwinento mo sa tropa habang nakikinig ako)? kala mo ba pag seselosan ko kung sino mang ponsya pilata na yo'n? tsk. e diba nga tinitext mo rin ako hanggang madaling araw? ikaw pa ang gumagawa ng paraan para lang tumagal yo'ng conversation natin e! Gusto mo sapakin kita dyan ha?! e umaabot tayo ng alas tres ng madaling araw kakatext lang e! nagbibigay ka ng motibo kaya ang hirap mong magets kung may gusto ka na sa akin o wala e. tapos magagalit ka pag malaman mong crush kita? ang babaw men!
Alam mo crush? gusto ko nang itigil yung pag papantasya sayo. Pinapahirapan mo lang utak ko e marami pang problema sa school at bahay yan. I crush you pero sana hanggang crush lang to. Masasaktan kasi talaga ako kung ikaw ang mamahalin ko e. Bukod sa marami kang tinatago sa mga magulang mo (na ayaw ko) e, may bisyo karin. Ayaw ko naman ng ganun kasi gusto ko ako lang ang bisyo mo. Kaya crush? please stay put kalang jan sa isophagus ko at wag ka munag pumunta kay ms. Heart ah? dyan ka nalang muna hanggang hindi pa ako handa. "Marami pa akong pangarap sa buhay at alam ko na magiging successful ako kung hindi pa ikaw yung uunahin ko."
LABS,
Jasel
*********
thanks for reading!^_^ lovelots!
BINABASA MO ANG
Dear CruSh (a true to life crush letter)
Fiksi Remajaang Crush letter na sana hindi mabasa ni Crush.@_@