#1: The Beginning

185 11 5
                                    

Syempre, dedicated muli kay sis @minlai22

Ahieee~ sa wakas, nagka-1st chapter din! Ayos lang na wala pang readers, HAExcited kasi talaga ako sa story na 'to! ^__^

Anyway... sobrang hirap pumili ng picture nya!!! Alam nyo ba kung gano sya ka-cute?!?! Grrr~ Gusto kong kagatin ang pisngi nya! Hohoho~ ^o^v yung seryoso na lang pinili ko. XD

"The Prince" at the side------------------------------------------------->

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

#1: The Beginning

"Oh my gosh!!! Where is he?!?!"

Yan ang unang-una kong nadinig pagpasok ko pa lang ng gate ng Namseoul University, Cheonan, Southern Seoul, South Korea.

Agang-aga... Sino na naman kayang pinagkakaguluhan ng mga haliparot na 'to? Tss. -,-

"Hala!!! We lost him?!"

"Girls, let's go!!!"

Naramdaman ko na lang na may bumangga sa likod ko at tumilapon ang folders and books na hawak ko. Ay, anak ng tutubi! Lumingon ang isa sa limang babae at nginisihan lang ako. Aba, grabe! Tapyasin ko ang bibig nun, eh! Pasalamat sya mabait ako.

Lumuhod na ako at isa-isang pinulot ang mga gamit ko.

"Wala na sila?"

~.- "So, ikaw pala ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng yun." Sabi ko habang pinupulot at inaayos ang mga napulot kong gamit.

Saka ako nag-angat ng ulo at...

O____O "S-Sungmin?!

"Uhm... hi? Pasensya ka na, nagulo ka pa ng mga yun."

Then pinulot nya yung mga gamit kong malapit sa kanya. Tapos iniabot nya sa akin. Samantalang pakiramdam ko na-estatwa na ko sa kinatatayuan ko. "U-Uhm... T-Thank you.. S-Sige..."

"So... Anong pangalan mo?"

Bahagya akong nagulat nang makita ko sya na kasabay ko nang naglalakad.

Nakangiti pa sya sa akin.

"Uhm... M-Michiko... Michiko Lei Chavez..."

"Nice name! Half ka?"

"Uhm..." Tumango naman ako. Gusto kong magsalita pero naba-blangko agad ang isip ko, eh.

"Cute. I think kilala mo na ako since tinawag mo akong "Sungmin," pero you can call me "Vincent." Tumigil sya sa paglalakad kaya tumigil din muna ako.

Then inilahad nya yung kamay nya. At syempre, aarte pa ba ako?! Sya na nga itong nakikipag-kamay sa akin na Invisible Girl ng school! Kaya nakipag-shake hands na din ako sa kanya. Wow... ang lambot at ang init ng kamay nya... Pero agad kong binawi yung kamay ko kasi may naramadaman ako. Nakita ko yung nagtatakang reaction nya habang nakatingin sa palad nya. Pero nawala agad yun kasi tumingin na sya sa akin at nginitian ako.

"Nice to meet you, Michiko Lai Chavez." ^_^

^_^" "Uhm... Actually, "Lei" hindi "Lai."

"Ay, sorry! Pero cute naman yun, so I think I'll call you 'Lai.'"

'Shocks! Ginawan nya ko ng nickname!!!'    "Uhm... Okay..?"

^_^ Hindi sya nagsasawang ngumiti, in fareness. "Tara na, baka ma-late tayo!"

Tumango na lang ako tapos naglakad na kami papasok ng building.

Si Sungmin Lee, kilala din as Vincent o tinatawag nilang "The Prince" ay isang Architectural Engineering student, Junior na sya, meaning 3rd year na.

One in a MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon