Andito ako ngayon sa library. Nag-aaral ako kse meron kaming quiz mamaya sa Theology.
Habang nagbabasa ako ng libro... may biglang naglagay ng post-it sa tapat ko.
Napangiti naman ako ng mabasa ko ang nakasulat dun.
Sulat kamay pa lang, kilala ko na kung sino. Si Cham... bestfriend ko. Ang nakasulat ay.. "Aba! Anong nakaen mo at nagbabasa ka ng libro?"
Ngumiti ako at tiningnan ko sya sa mata. Nagsalita ako. "Alam mo naman na hanggang basa na lang ang kaya kong gawin diba?"
Ngumiti sya ng malungkot. Atsaka sya nagsimulang mag-sign language. Sabi nya.. "I love you, bestfriend! Nandito lang ako palagi para sayo."
Sguro nagtataka kayo kung bakit sya nagsa-sign language no? Isa lang naman ang ibig sabihin nyan eh... Oo, bingi ako. Hindi ako nakakarinig. Hindi nko nakakarinig simula ng maaksidente ako. Nabundol ako ng sasakyan. Hit and run. Malakas ang pagkakabangga sa akin, muntikan pa nga akong mamatay. Pero pinalad ako eh, na-revive pa. Yun nga lang.. Wala nkong pandinig kahit kelan. Maswerte pa nga daw ako kse pandinig lang ang nawala sakin. Pero para sakin... mas gugustuhin ko pang boses ko na lang ang nawala. Kse mas gusto kong marinig ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Kesa naman nakakasalita nga ako, pero dko naman marinig kung ano talaga yung gusto nila sabihin. Labo ko ba? Basta, gets nyo na yun. Last year lang nawala ang pandinig ko.
Natapos ang araw na wala namang interesting na nangyari. Kung nagtataka kayo kung pano ako nakakapag-aral kung bingi naman ako. Sa school ko kse, may special education sila para sa mga deaf and mute people like me. Kung dati, isa ako sa mga normal na estudyante dito sa Westnorth College, ngayon kabilang nko sa mga special na tinuturuan. Alam ko madami ng sinasabi ang mga tao tungkol sakin. Buti na lang bingi ako. Atleast di ako masasaktan sa anumang sinasabi nila. Ay oo nga pala.
Ako si Martella Anne Villegas. Martie for short. At bingi ako. :)
Kinabukasan..........
Nasa caf ako. Inaantay ko kse si Cham. May class pa kse sya. Eh 3 hours break ako ngayon. Kaya magisa lang akong nakaupo. Samantalang dati nung nakakarinig pa ako, hindi pwedeng wala akong kasama sa caf. Kahit san ata ako magpunta, ang dami kong kakilala eh. Tapos ngayon, di na ako pinapansin ng mga "kaibigan" ko dati.
Nagulat ako ng may lumapit sakin na lalaki. Ngayon ko lang sya nakita dito sa school ah. Hmm.. Gwapo sya. Maputi, matangkad, tapos shark yung style ng hair nya. Mejo chinito din sya. In short.. Ideal man ang dating nya.
Bigla nyang kinuha yung nakalabas kong notebook. May sinulat sya.. "Hi miss! Why are you alone?"
Pagkabasa ko nun, tiningnan ko sya. Nagulat ako ng bigla naman nya akong nginitian. Grabe! Mesmerizing smile >////<
Nagsulat din ako sa baba ng pinagsulatan nya. "I'm waiting for my friend."
At nagsulat ulit sya. "Do you want me to sit with you? They might think you're a lonely beautiful girl."
Peste! Kinikilig ako! Ang gwapo nya kahit ang landi nya. Grr! Bakit, bawal na bang kiligin ang bingi? Hindi naman diba? Hahaha sorry, kinikilig ako sa kagwapuhan neto. Nginitian ko na lang sya bilang sagot. Masyado akong na mesmerize sa ngiti nya eh.
BINABASA MO ANG
DEAFinitely In Love (Tagalog Version)
Historia CortaStory of a deaf who fell in love to a certain person who doesn't even know the worth of love. :)