Larawang Kupas (SHORT STORY)

1.5K 50 25
                                    

Sa isang larawang kupas ay aking nasilayang muli ang ating lumipas 

Kung maibabalik ko lamang panahon at ang oras 

Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas 

Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago 

Taglay ko pa rin ang damdamin sa'ting lumang litrato 

Ngunit sayo, ewan ko ikaw ba'y iba na buhat ng tayo'y magkalayo 

Kapit kamay tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya 

At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na 

Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko 

Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

“Travis nasaktan man ako,ngunit natuto ako doon upang patuloy kang mahalin sa kabila ng lahat” – Eda

Eda ikaw lang ang tanging naging crush,pangit at mahal ng buhay ko,wala ng iba” – Travis

Masaktan at mabigo.Mabigat na mga salita na sumasalamin sa bawat pagkatao ng mga taong nasaktan ng husto.Umasa sa mga bagay na hindi nakamtan kailangan.Nagmahal sa taong kahit kailan ay hindi nabigyan ng katuparan ang inalay mong pagmamahal.Ika nga nila “The hunger for love is much more difficult to remove than the hunger for bread” na totoo naman para sa atin di ba? Makakaya natin na magtiis na gutom pansamantala,kaysa iwasan at tanggalin ang pagibig ng permanente di ba? Sadyang makapangyarihan ang Pagibig.

Ang Pagibig parang larawang kupas,magbago man ang bawat kalidad nito,maningning pa din ang hatid nitong mensahe.Tulad ng Pagibig,mawala man ang taong iyon na iyong minahal,asahan mo kapag nakita mo siya muli,babalik at balik pa din ang sparks ninyong dalawa .

Gravitation is not responsible for people falling in love.Tama naman di ba?

A/N: Kung dadaanan mo lang ang kwentong ito na sobra kong pinaghirapan at hindi mo talaga babasahin,pwes backoff! Hindi kita kailangan,at hindi mo deserve na mabasa ang kwentong ito na ang kalahati ay true story na nangyari sa akin.Maswerte ka at ibabahagi ko ito sayo ngayon kaya please,isapuso mo ang pagbabasa para naman makuha mo ng buo ang emosyong nandito.

@im_msrema*

Larawang Kupas (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon