Ngayon,madalas na silang magkita ni Travis.Halos araw-araw na nga silang magkasama nito,kasama ang mga kaibigan nito at si bestfriend niyang si KC.Nagtataka lang siya minsan dahil laging nakangisi sa kanya ang binasted niyang si Kurt.Lagi silang inaasar lalo na si KC na bagay daw silang dalawa.Minsan nga napapahawak na lang siya sa kamay ni Travis,at hindi nito iyon bibitiwan.Ganoon lang ang naging setup nilang dalawa.Asaran,asaran,tawanan.Kaya hindi niya akalain na hahantong sila sa aminin ng gabing iyon ng silang dalawa na lang ang naiwang gising sa bahay ni KC.Lahat ay lasing na,tanging silang dalawa ang hindi uminom.Tumutugtog noon ang kanta ni Jerome Abalos na Larawang Kupas
Kapit kamay tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas
Yan ang paborito nilang linya sa buong kanta,ang korus.Napahawak sila sa mga kamay ng bawat isa.
“I think i like you Eda”maya maya sabi nito.Tatayo sana siya dahil sa pagkagulat ngunit isinandal siya nito sa pader
“No,not just like,but i love you Eda” napalunok siya,aaminin niya nahulog na siya dito
“Travis..b-bka nabibigla ka lang” sana wag mong bawiin pls!
“No Eda, i love you.Kung alam mo lang noon pa kita gusto,kaya siguro lagi kitang inaasar,dahil gusto ko laging sa akin lang ang atensyon mo.” Natameme siya! Totoo ba ang naririnig niya? Sampalin mo ako bilis!
Maging siya ay ganoon din ang nararamdaman niya,crush na nga niya ito noon pa,kung hindi lang siya nito inasar asar siguro hindi na naging mahirap sa kanya na aminin na crush niya ito noon pa.Pinilit niyang makaalis sa pagkaka.trap sa pader,ngunit hindi niya magawa.Napatitig na lang siya sa mga labi nito.Sa pilat nito sa labi na siya ang may gawa.Sa ginawa niyang pagsuntok dito 9 years ago
“Siguro dahil na rin sa pilat na ito,hindi na talaga kita malilimutan,naging asset ko na kaya ito Eda”
Tumawa siya,ang yabang talaga.Totoo na talagang naging asset nito iyon.Hindi nawala ang pagiging gwapo nito dahil sa pilat nito sa gilid ng labi,bagkus nakadagdag pa nga sa sex appeal nito!.Hindi na din niya maitatanggi na gusto na din niya si Travis,dahil noon hanggang ngayon hindi nawawala ang pagmamahal niya siguro natatakpan lang ng galit pero ngayon..
“I love you too Travis” nakita niyang ngumiti ito at akmang hahalikan siya ngunit pinigilan niya ito
“Suntok ulit gusto mo?” Maya maya sabay na silang nagtawanan.
Confirmed na talagang sila na ni Travis.Masaya siya.Hindi niya akalain na sila pa din pala pagdating ng asaran nila nong mga bata pa sila.Nagulat siya dahil may ibinigay ito sa kanyang lumang litrato niya.Litrato niya iyon ng sumali siya sa isang Little Miss.Nasa tulay sila noon at batis ang nasa ibaba.
“Naging crush kita ng makita ko iyan,bigay sakin iyan ni Kurt noon at itinago ko lang.Kaya siguro patay na patay din sayo si kurt eh,saka hindi totoo na pangit ka noon eh,siguro way ko lang iyon para mapalapit sayo”
May inilabas din itong digicam,at walang sawa silang nagkuhanan ng litrato.Nagpadevelop sila,ngunit ang mas paborito niya ay iyong naka.peace sign sila.Itinago na niya iyon.Nagulat na lang siya ng bigla na lang siya nitong hinalikan sa mga labi at maya maya’y niyakap siya.Parang nasa langit siya ng makauwi sa bahay.First kiss niya iyon.
BINABASA MO ANG
Larawang Kupas (SHORT STORY)
ChickLitSa isang larawang kupas ay aking nasilayang muli ang ating lumipas Kung maibabalik ko lamang panahon at ang oras Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago Taglay ko pa rin ang damdamin sa'ting l...