Reminiscing... the Present :D

267 34 27
                                    

Kapit kamay tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya 

At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na 

Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko 

Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas 

Parang siyang nagsilbing buhay na patay ng mga sumunod na araw. Iyak siya ng iyak.Laging tulala wala sa sarili.Lagi padin niyang naiisip si Travis.Nasa terrace siya noon at pinakikinggan ang paborito niyang musika, nang dumating si KC kasama ang balita nito.Nanlulumo siya dahil umalis na sa bansa si Travis at masaklap hindi man lang siya nito kinausap.Ang sakit non sa kanya.Hindi man lang sila nakapagusap. Huli ng malaman niya na pakana lahat ni Kurt ang lahat para makaganti sa kanya at walang alam dito si Travis.Hindi kasi siya nakinig sa paliwanag nito.Ang sama ng loob niya,bakit hindi siya nito kinausap man lang bago ito umalis.Paano na lang siya,paano na lang ang puso niyang naiwan nito?

“Hanggang sa mga sandaling ito,di ako nagbabago,taglay ko pa rin ang damdamin sa ating lumang litrato..” sabay niya sa isang lyrics sa kanta.Hawak niya ang nagiisang litrato nila habang walang tigil sa pagiyak.Ang bigat ng nararamdaman niya.

Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago 

Taglay ko pa rin ang damdamin sating lumang litrato 

Ngunit sayo, ewan ko ikaw ba'y iba na buhat ng tayo'y magkalayo 

8 years ago mula ng 17 siya,isang lalaki pa din ang inaasam niya.Ang pinapangarap niya.Ang hinihintay niya.Mula sa tulay na iyon sa batis,hawak pa din niya ang lumang litrato na iyon,medyo kupas na nga eh ngunit pilit pa din niya itong inaalagaan dahil nagsisilbi iyon na alaala kay Travis.Naiyak siya dahil sa Larawang kupas na tugtog na iyon mula sa kapitbahay,malakas kaya dinig na dinig niya.Nanginig ang kamay niya kung kaya’t nalaglag ang hawak niyang litrato sa batis.Dali dali siyang bumaba at sumuong sa batis upang maisalba pa ang natitirang litrato nila.

“Kapit-kamay,tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya at ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na ..”

Ang ganda naman ng boses na iyon,parang si travis.Travis? Agad niyang hinanap ang may-ari ng boses na iyon at nakita niya itong nakatayo sa may tulay.Nananaginip ba siya? Si Travis ang nakikita niya. Ang tagal ng panahon na hindi niya ito nakita.Lumuluha na siya ng umakyat sa tulay.Nanginginig na ang buong katawan niya na halos nabitawan na niya ang hawak niyang litrato.Naglakad si Travis papalapit sa kanya.Lumuhod ito upang kunin ang picture na nalaglag niya.Nakatulala pa din siya.Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya si Travis.Nakangiti itong tumayo. Hindi ako nananaginip! Totoo siya! Grabe sobra ko siyang namiss!

“Nasa sayo pa pala ito Eda,thank you for keeping this..”

Hindi pa din siya makapagsalita.Umiiyak siya.Pinahid nito ang mga luha niya.

“Patawarin mo ako Eda,alam kong huli na at 8 taon na ang nakalipas ngunit mahal pa din ki—“

Yumakap na siya dito ng sobrang higpit,sobrang namiss niya ito.Sobra.

“Hindi mo alam kung gaano kita namiss,Travis,patawarin mo din ako at hindi ako nakinig sa mga paliwanag mo,mahal na mahal pa din kita.Travis nasaktan man ako,ngunit natuto ako doon upang patuloy kang mahalin sa kabila ng lahat”

Eda ikaw lang ang tanging naging crush,pangit at mahal ng buhay ko,wala ng iba”

“i love you Eda”

“i love you Travis”

Umuwi si Travis sa bansa dahil sa nakagraduate na ito sa Medisina at maging siya din ay nakatapos na din.Nagpaplano na silang lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya.Mamimiss man niya ang tawagan nila ng mga bata sila— pangit at payatot,alaala na lang iyon kasama ng mga larawan nila.Luma man ang kantang larawang kupas,hindi naging hadlang iyon sa kanya upang maging favorite song niya.Memories of pain,love,hatred,sadness ang dala ng mga litrato para sa lahat.Bago man o kupas,nasusubok doon ang mga pinagdadaanan ng mga nagmamahalan.

A/N: Bago man o kupas na mga litrato ang nasa sa inyo,itago niyo lang iyan dahil madaming alaala ang hatid ng mga iyan.Tulad sa Pagibig,kung hindi ka malakas at nagpapatangay ka lang dito,talagang magiging marupok ka at hindi makakausad.

@im_msrema*

Larawang Kupas (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon