P2

33 0 0
                                    

James POV

Nagsusulat ako sa index card ng biglang may kumalabit saken

Napatingin ako, sa harap ko

"Boss, pwede bang manghingi ng index card? or bayaran ko na lang."

Napatitig ako sa mukha nya, Pogi nga ang isang to. Pilipinong pilipino ang dating.

"Eto oh." - Sabay abot ko ng index

"Magkano?" - Sagot nya

"Sayo na yan." - Tugon ko sa kanya.

"Salamat, Kurt." - Sabay abot nya ng kamay saken

"James." Ngumiti ako at inabot ko ang kamay nya.

"Thankyou ulit james." - Sabay kindat nya saken at nagsulat na

Naiwan akong nakatulala sa likod nya.

Sht. Ano bang problema ko? Bat parang lahat na lang binibigyan ko ng malisya.

Napangiti ako sa iniisip ko, Nababaliw na ata ako.

Nangbiglang may humampas sa gilid ko.

Napatingin ako kay Ylona na Nanlilisik ang mga mata saken.

"Anong problema mo?" - Takot kong tanong sa kanya

"Sa sobrang kalindian mo, ipapasa na yung index card hindi ka pa tapos!" - Inis nyang sagot saken

Ay sht. Dali dali akong nagsulat

"Akin sya! Naiintindihan mo?" - Bulong nya saken na may halong pananakot

"Sinong sya?" - Sagot ko

"Si Kurt, kaya wag mong sirain ang love story na binubuo ko sa isip ko, ayaw ko magkaroon na karibal na kaibigan." - Tugon nya

"Nababaliw kana ylona!" - Sagot ko sa kanya.

"Kabaliwan ba ang tawag sa Love at 1st Sight?" - Kinikilig nyang bulong saken

Bigla kong naalala si AJ ....

Ang maamo nyang mukha na parang Angel, ang amoy nya, ang tindig nya at yung mga tingin nyang nakakatunaw.

"Sana makita ko ulit sya." -Bigla kong nasabi, Napalakas pa ata dahil napatingin rin si Kurt saken

"Sino?" - Tanong ni Ylona

"Ah wala." Nahihiya kong sabi.

Napatingin ako kay Kurt na parang nagtataka na nakatingin saken.

"PLEASE PASS YOUR INDEX CARDS" - Biglang sigaw ni Sir.

"Next week na tayo magstart ng formal class. Marami pa akong gagawin sa office.

You may go! Good bye." - Sabay labas ni Sir.

Ang tamad naman ni Sir. Pshh, pero okay lang may chance na kong malibot tong school para di na ko mawawala next time.

"Frappe tayo sa cafeteria! " Pag aaya sakin ni Ylona

"Uhh, Sige." Sagot ko

--

Andito na kame ngayon sa Cafeteria.

Ambait pala neto ni Ylona, Libre ang frappe at may bonus pang Muffins

"Thanks ylona." Sabi ko sabay pacute sa kanya.

"You're welcome, buti na lang talaga may kaibigan na agad ako sa first day pa lang." -Ylona

"Buti na lang talaga at anjan ka rin, Hindi tuloy ako nag iisa, Mamaya libot tayo para mafamiliarize tayo dito sa CU, kasi kanina naliligaw na ko e, buti na lang di ako nalate" -Ako

If you don't want to fall (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon