Di naman pala ganun kasama ang araw ko
Kahit nalaman kong may GF na sya na halos kapit bahay ko lang, okay lang...
Nakasabay ko naman si AJ sa jeep at may bonus pang pagkuha ng CP # ko.
Hohohohoho
Masaya akong naglalakad papasok sa loob ng subdivision namin.
Napapangiti na parang naglalakad sa mga ulap
Nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Happy?"
Akala ko, ako lang naglalakad ng mga oras na yun.
Hinarap ko kung sino tong panira ng moment
Laking gulat ko ng makita ko si Kurt sa harapan ko.
"Oh, ikaw pala." -Ako
"Oo, kanina pa kita sinusundan." -Kurt
"Ah, anong kailangan mo?" - Tanong ko
"Wala, gusto ko lang malaman ang bahay nyo." -Nakangiti nyang sabi
"Huh? Bakit?" - Nagtataka kong tanong
"Eh gusto ko e, para malaman ko." -Kurt
"Eh bakit nga!?" -Ako
"Andami mo namang tanong." -Kurt
"Parasite ka talaga. Bahala ka jan, wag mo kong susundan." -Medyo inis kong sagot sa kanya sabay lakad ulit
"Bat ba ang sungit mo?" -Sya
"Eh ayaw mo ko sagotin ng maayos. At pano mo pala nalaman na dito ako nakita?" - Nagtataka kong tanong
"Binigay saken ni Ylona ang address nyo. Hehe" -Kurt
Hayyy yung babaeng yun talaga!
"Wag kang magalit sa kanya, pinilit ko lang sya, ayaw nya talagang sabihin. Gusto ko lang malaman yung bahay nyo para alam ko kung san ka susunduin?" -Sya
Nagulat ako sa mga sinabi nyang yon.
"Huh, bakit? San tayo pupunta? Aalis ba tayo?" -Ako
"Hahahahaha, Ang cute mo talaga James. -Sabay gulo nya sa buhok ko.
"Susunduin kita kung papayag ka lumabas kasama ako. I mean date." -Medyo nahihiyang sabi ni Kurt
"Date? Ano bang pinagsasabi mo, pinagtri-tripan mo ba ko?" -Irita kong sagot
"Di ako nagbibiro, friendly date. ganun!" -Sya
"Ewan ko sayo Kurt, para kang sira." -Ako
Saktong nasa harap na ako ng gate ng bahay namin kaya huminto ako.
"Bat ka huminto, Ayan na ba ang bahay nyo? Maganda ha. pero mas malaki pa rin yung bahay namin." -Sya
"Wow. Ang humble naman." -Ako
"Hahaha sorry, sige okay na. alam ko na." -Sya
"Hindi ako dito nakatira. Makiki-inom lang ako ng tubig." Ako
Wala na kong maisip na ibang palusot.
Parasite talaga tong si Kurt.
Nangbiglang binuksan ni Yaya Malen yung gate.
Hayss kapag minamalas ka nga naman oh!!
"Oh, Penggoy andito ka na pala, bat di ka pa pumasok anak?" -Yaya Malen
Napa-face palm na lang ako ng tinawag ako ni Yaya Malen sa palayaw na yun.
"Penggoy? BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" -Si Kurt na tawang tawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/59793649-288-k594349.jpg)
BINABASA MO ANG
If you don't want to fall (boyxboy)
Teen FictionI wish I never met you so I wouldn't have fallen for you and I wouldn't have to struggle with my feeling cause I know its impossible. Please tell me what to do, should I just keep distance and try to forget you? My first ever story, hope you read i...