P3

43 0 0
                                    

June 17, 2014

6:00AM

Nagising ako sa alarm ko.

Hayssssss, inaantok pa ko! di ako masyado nakatulog kagabi

Naiisip ko kasi si AJ, Naiinis ako sa sarili ko, Tinamaan talaga ako sa kanya. first time ko lang makaranas ng ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam para akong tanga.

Makapagprepare na nga, baka malate pa ko.

-

7:24AM

Andito na ko sa malaking ground ng Clarkson at tulad ng kahapon eh di hamak na mas maraming tao ngayon. Ngayon pa lang ang araw kung saan pipili kame ng sasalihang Club.

Pero hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na sasalihan.

Walang klase ngayon dahil nakatuon sa Club Presentation, dahil pagkatapos ng pumili ng club ay kailangan nyong umattend ng seminar ng napili mong club.

8:00AM pa ang opening ng mga booths nakakalat dito sa ground, mamaya na ko liibot tinatamad pa ko kaya umupo muna ako sa bench

Kinuha ko na lang ang CP ko at sinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko.

Pero may biglang umupo din sa bench kaya gumilid lang ako, hindi ko sya tinitignan dahil busy ako sa pagpili ng kanta

[>] Burn - Ellie Goulding

We, we don't have to worry about nothing
'Cause we got the fire, and we're burning one hell of a something
They, they gonna see us from outer space, outer space
Light it up, like we're the stars of the human race, human race

(Napapa head-bang ako sa beat)

When the lights turned down, they don't know what they heard
Strike the match, play it loud, giving love to the world
We'll be raising our hands, shining up to the sky
'Cause we got the fire, fire, fire, yeah we got the fire fire fire

(Napapa lip-sync na ko)

And we gonna let it burn burn burn burn
We gonna let it burn burn burn burn
Gonna let it burn burn burn burn
We gonna let it burn burn burn burn

(At tuluyan na kong napakanta)

Feel na feel ko na yung moment pero bigla kong naramdaman na parang ang likot ng katabi ko, napatingin ako sa kasama ko dito sa bench, magkabilang dulo kame nakaupo.

Sht!

Si Kurt!

At tumatawa sya!! Oh my g!!!

Ako ba yung pinagtatawanan nya?

Baka naman hindi ako, napalakas ba yung pagkanta ko? Shtttt! Napayuko na lang ako

Tumatawa pa rin sya, Hmmpp. tinaggal ko ang earphones ko at tumingin ako sa kanya.

Aba! Bwisit tong lalakeng to ah.

"Hoy Kurt! Anong tinatawa-tawa mo jan!? Ako ba?"

Huminto sya sa pagtawa at sumeryeso ng mukha.

"Hindi noh!" Sabay tawa parin habang nakatingin sa CP nya.

"Ah sorry, akala ko kasi ako yung pinagtatawanan mo." Hayyss tamang hinala ako.

"Bakit ikaw ba to?" Pinakita nya saken yung Video ko habang kumakanta ako ng burn from the start pa lang!

Sht. Nagiinit yung mukha ko.

"Akin na yan! Burahin mo nga yan!" - Inaagaw ko sa kanya yung CP pero di ko maabot mas matangkad sya.

"Bakit mo buburahin? CP mo ba to? Hindi naman diba, tska Ang cute mo kaya dito oh, lalo na sa chorus." Sabay tawa nya ng malakas.

If you don't want to fall (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon