unang bahagi

10 1 0
                                    

kakabreyk nina b2 at pia worldbank, yun'ow...yung kakapanalo lang na mis multiverse... kaya si b2 ay naghanap sa peysbok prendlist niya gamit ang kanyang aypon nayn, kung sino ang pwedeng kausapin.

may nakita siyang pangalan. cindy r. ella. tiningnan ang propayl...aba tisay at batambata. agad niyang mineseyds.

b2: hi, musta?

cindy: *seen*

(apter payb minits)

b2: hi miss cindy

(ayaw magsend)

at saka niya napansin na si cindy ay isa na palang 'facebook user'...

"nakngpitumputpitongputingtupa, oo!" naibulong niya, sa inis.

"anong sabi mo?" sabi ng dumaang co-titser niya.

"wala" sagot niya.

"may sinasabi ka e," giit ng co-titser

"AKALA MO LANG MERON, PERO WALA! WALA! WALA!" singhal niya, na pakiramdam niya ay nagliliyab na ang kaniyang bumbunan.

hindi niya matukoy kung natakot ba sa kanya si co titser o nagalit dahil hindi na siya kinibo hanggang mag-uwian.

at saka niya naalalang wala pala siyang pera. naiwan niya ang kanyang wallet sa loob ng ref nila sa pagmamadali niya kaninang umaga at ang tanging baon ay ang baryang laman ng bulsa ng kanyang pantalon na apat na beses na niyang paulit-ulit na isinusuot.

at dahil iniwasan na siya ni co titser ay wala siyang nahiraman ng pamasahe pauwi. ayaw naman na niyang sumabit sa dyip dahil kahit sabit ay sinisingil na rin ng drayber. dahil ang sabi ng mga lider lider ng mga asosasyon ng mga dyipni draybers ay kahit sabit lang, nakararating din naman sa paroroonan. at ang sinumang lalabag sa patakarang iyan ay isusumpang maghihikahos habambuhay!

mapipilitan niyang lakarin mula muntisori iskol sa alabang gilid hanggang sa esem las pinyas...naisip niya na malayu-layo ring lakaran kung kaya't napagpasiyahan niya na kada sanlibong hakbang ay magpapahinga saan man siya abutan.

nag-umpisa na siyang mag-alay lakad. at natitiyempo na sa tuwing ikasanlibong hakbang niya ay may weyting shed. ngunit sa pangatlong sanlibong hakbang niya ay wala siyang makitang upuan, kundi isang nakalatag na karton ng hinyebra.

mag-aalas siyete na. pakonti na nang pakonti ang mga taong naglalakad. at padilim na ang kaniyang dinadaanan. sa bahaging ito ay sunud sunod ang mga malalaking puno ng....balite. walang mga istrit layts. may mga bali-balita kasi na wala pang dalawang araw ang istrit layts ay kusa nang naglalaho at pinaniniwalaang kinakain ng mga nakatira sa malalaking puno ng mga balita..este....balite.

ngunit dahil pangsanlibong hakbang na nga ulit ni b2 ay kailangan niyang magpahinga. umupo siya sa nakalatag na karton upang hindi madumihan ang kanyang pantalon dahil gagamitin pa niya ulit bukas.

sumandal siya sa puno ng balite. ipinikit ang kanyang mga mata upang hindi niya makita sakaling may tumambad na hindi-nakikita.

at sa paglalapat ng buhok sa buhok...ay naulinigan niya ang kanyang pangalan na tinatawag ng isang napakatamis na tinig. animo'y boses ng isang anghel na kumain ng napakaraming panutsang galing sa tapayan ni lola pransing.

matamis na boses (mb): b2....b2!

b2: yes?

mb: indi ako fm radyo.

b2: bakit kilala mo ako?

mb: naman. ako si joy, ang iyong ninang na engkantada.

b2: weh, di nga?

mb: ayaw mong maniwala? gawin kitang ipis!

b2: di ba mabiro. mano po ninang. pamasko ko?

mb: kaya nga ako nandito. upang ibigay ko na ang iyong pamasko tutal lampas na ang edad mo sa kalendaryo ng mga tao.

b2: ah gusto ko ng 3 wishes.

mb: tange! hindi ako genie!

b2: oo nga pala. sori.

mb: okedoki. makinig ka. donk interap mi wayl ayem tokings, capisce?

b2: (tumango. ayaw ngang maging ipis)

mb: manghuli ka ng tatlong ipis.

b2: (luminga sa kanan...sa kaliwa...sa likod...at baka sa ibang tao ito sinasabi ni mb. ngunit wala siyang makitang ibang tao sa paligid)

mb: now na!

b2: (nagulat ngunit humuli siya ng tatlong ipis mula sa limang ipis na nagkukumpulan sa isang tumpok sa di-kalayuan. ibinigay ang mga ito sa ninang)

mb: ngayon ay ilabas mo ang isa mong libro mula sa iyong bakpak.

b2: (inisip pa kung aling libro. ayaw niyang ilabas ang kakabili lang niyang sudoku book kaya ang inilabas ay ang librong pambata na ginamit niya kanina sa pagkukuwento sa mga pyupils niya. da tri masketirs.

mb: tumayo ka sa ibabaw ng libro. at ipikit mo ang mga mata mo.

b2: (tumalima)

mb: ngayon ay dumilat ka.

b2: (dumilat) tumambad sa kaniya ang isang bagumbagong itim na montero. at ito ay may giveaway na tatlong nakabarong na mama.

mb: sila ay sina quando, quando, quando. all around alalay mo at draybers. sakay na upang ihatid ka sa pupuntahan mong party.

b2: (napansin niyang iba na ang kanyang suot. parang yung kay maykel dyakston na pang konsert. at bigla niyang naisip na ...di kaya siya binosohan ni ninang habang binibihisan?)

gayunpaman ay sumunod si b2 sa instructions. umupo sa may likuran. pinagitnaan siya ng dalawang quando habang ang isa ay nagdrayb. umupo si ninang sa tabi ng drayber.

mb: sa moa arena tayo.

at humarurot na ang montero kahit hindi pa ito naiistart ni quando.

di adbentyurs of b2 (buryong dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon