part tu

13 1 0
                                    

"

(kung hindi ka makareleyt dito, ibig sabihin ay 'di mo pa nababasa ang part wan, hanapin mo. andyan lang yun)

....
ang karugtong ng part wan
....

mb: quando

tatlong quando (3q): po!

mb: ikaw lang (itinuro ang drayber). idaan mo muna sa shell at naiihi ako
gib mi wanminits.

at ipinarada nga sa shell ang montero. hinintay si mb. at noon napatunayan ni b2 na kahit engkantada pala ay tinatawag din ng kalikasan. ang tagal! mga isang oras din silang naghintay. at sa wakas! nakabalik din si mb sa sasakyan.

b2: ninang? ba't antagal ninyo? sabi mo wanminits lang.

mb: ganoon katagal ang isang minuto sa aming mundo. bawal kontrahin dahil lalong tatagal nang doble.

hindi na nagsalita muli si b2. mahirap nang maghintay ulit ng 'wanminits'.

hindi nagtagal ay nakarating sila sa tapat ng moa arena. kitangkita ang mukha ni b2 sa napakalaking iskrin sa labas ng building. konsert pala niya. kaya pala ganoon ang kaniyang attire. halata ang isa pang tigyawat na dahil hindi pa nahihinog ay nagmistulang kolord na nunal sa matulis na bahagi ng kaniyang ilong. bigla siyang nakonsyus at napahawak sa kaniyang ilong.

b2: ninang naman nagawa mo akong bihisan at nagawa mong itransporm ang mga ipis upang maging quando, di mo man lang tinanggal ang tigyawat ko? (medyo inirapan si mb na mukhang wala namang pakialam)

mb: indi ako derma. isa pa, may mga bagay sa mundo ng tao na hindi ko maaaring pakialaman. isa na roon ay ang pisikal na anyo ng mga inaanak ko.

b2: (sumimangot)

mb: baba ka na.

b2: (lumabas ng kotse) hindi ba kayo sasama?

mb: bawal kami diyan dahil kami ay hindi tunay na tao. baka magkagulo.

at saka napansin ni b2 na kakaiba ang hugis ng ulo nina mb at ang tatlong ipis...este....quando. parang bunga ng niyog na tinanggalan ng bunot at kulang na lang ay antena upang magmukhang martians.

b2: ganon po ba? e paano ako papasok diyan?

mb: makikilala ka ng guwardiya.NGUNIT may kaisa-isa akong bilin na di mo dapat suwayin. kailangang tapos ang konsert mo bago mag-alas dose dahil kung hindi ay babalik ka sa iyong anyong natagpuan ko kanina sa may puno ng balite. at magiging ipis ang mga asistants at panauhin mo na nariyan.

b2: (kinabahan) sige po.

at lumarga na si b2 papasok sa moa arena.

sa loob ay kita niya ang organisadong pagsalubong sa kaniya. naroon sa may pintuan nakaabang ang kaniyang mga alalay at agad na binigyan siya ng mikropono.

nagtataka man at hindi niya maubos maisip kung paano niya nagagawang magsalita nang pasigaw habang tumatakbo tulad ng mga hinahangaan niyang mga nagkokonsert, ay nageenjoy naman siya sa dami ng mga taong pumapalakpak na isinisigaw pa ang pangalan niya.

laking pasalamat niya kay mb na kahit papaano ay natupad ang lihim niyang pangarap. bata pa lamang siya noon. hindi pa marunong magtutbras sa edad na lima ay pangarap na niyang umakyat sa entablado upang kumanta sa harap ng malaking owdients.

at sabay sa trobak ng isipan niya ay ang malayang pagkilos sa sariling estilo habang kinakanta at sinasayaw ang mga awit ng paborito niyang entertainer na si maykel dyakston. habang sigawan naman ang mga nanunuod.

di niya namalayan ang pagdaan ng mga oras hanggang nag-vibrate ang kaniyang pekeng rolex sa kanang pulsuhan.

napatingin siya dito. paybminiys bipor alas dose ng hatinggabi!

b2: ayem sori leydis en dyentolmens, but ayheb to render my last song por tonayts. dis is por ol of yu!

at kinanta niya ang walang kamatayang "thriller". habang tumatakbo siyang lumabas ng building... en islo mosyons.

saktong nakalabas siya sa pintuan ng building nang maalala niyang dapat yatang iwan niya ang kanang pares ng sapatos. kaya tinanggal niya ito. at iniwan.

sa pagpatak ng 0:00 sa relo ay bigla siyang bumalik sa ilalim ng balete, nawala ang montero, si mb, at ang tatlong quando. hawak pa rin niya ang natirang pares ng kanyang sapatos. hindi niya naalalang matakot. bagkus ay napadukot ang kanang kamay niya sa bulsa ng pantalon at may nakapa siyang parang lukot lukot na papel.

nang ilabas niya ay nagulat pa. limandaang piso na muntik nang magkagutay-gutay at para bang galit na ang mukha ni ninoy. hindi niya pala natanggal noong huling nilabhan niya ito. palibhasa inapak-apakan lang niya sa loob ng batya na may tubig at sabon saka binanlawan.

kaya pala kulang ng limandaan ang sahod niya noong isa pang kinsenas. akala naman niya ay ginulangan siya ng kahera at naging masama pa tuloy ang loob niya doon.

sa sobrang tuwa ay pinara niya ang isang paparating na taksi.

.....

itutuloy

di adbentyurs of b2 (buryong dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon