part tri

8 1 0
                                    

nilampasan siya ng taksi. may dumaan ulit, nilampasan na naman siya. nakasampung para siya ng taksi ngunit nakahalata na siyang wala talagang taksi na gustong magsakay sa kanya.

nag-uumpisa na naman siyang mainis. at antukin. mag-aala-una na pala. iyon ang sinasabi ng kanyang pekeng rolex. at naalala niyang hindi pa pala siya kumakain ng hapunan. at naisip niyang kaya siguro walang gustong huminto na taksi ay dahil takot ang mga drayber sa mga puno ng balite.

naisip nga niya na kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng mga puno sa mundo ay ang balite pa ang napagtripan ng mga gumagawa ng istoryang maligno at kabalbalaghan. (buryong's note - tama ang ispeling niyan, kabalbalang kababalaghan).

may akasya naman, o di kaya ay mangga, o ipil-ipil... para naman sana maranasan din ng mga punong iyan na mapasali sa mga horror istoris.

dahil nga naisip niyang baka takot sa balite ang mga taksi drayber...humakbang siya ng mga limampung hakbang palayo sa mga puno...at doon ay may nakita siyang weyting shed. (marahil ay nalito lang siya kanina sa bilang ng hakbang niya at kinulang ng... limampu? napailing siya. ngunit natuwa pa rin kahit siguro nagkamali siya ng pagbilang. dahil ang pagkakamaling iyon ang naging daan upang maranasan niyang magkonsert sa moa arena, kahit sabihing maaaring ito ay isa lamang na pantasya.

nang uupo na siya sa may upuang bakal sa weyting shed ay naaninag niya ang ilaw ng paparating na sasakyan. at naisip niyang kahit dyip na lang o bus ay sasakay na siya. hindi na siya mag-aambisyong magtaksi tutal malapit lang naman na ang uuwian niya. mga sampung kilometro na lang.

huminto ang dyip sa harapan niya. nagtaka siya dahil hindi naman niya ito pinara. nagtataka man ay sumakay pa rin siya, may dalawang mamang nakaupo sa may estribo nito. pinadaan siya dahil may isa pang bakanteng upuan sa loob. kung bakit ayaw umupo sa loob ang isa sa mga ito ay hindi na niya nagawang itanong at baka agawan pa siya ng upuan. tuloy lang sa kuwentuhan ang dalawang mama sa estribo na para bang ilang taon na hindi nakapag-usap.

may napansin siya sa itsura ng mga ito subalit hindi niya mawari kung ano. para bang kilala niya ang mga iyon. nang makaupo na siya ay umusad na ang dyip.

iniabot ang hawak na limandaan sa drayber ng dyip. nagpaumanhin pa siya na wala siyang barya. sinabi niya kung saan siya bababa. hindi tinatanggap ng drayber ang limandaan. parang wala itong marinig.

o baka hindi siya naririnig dahil maingay ang mga nakasakay sa dyip na para bang magkakakilala lahat. masayang nagkukuwentuhan. at noon niya napansin na ang mga iyon ay may hawig sa mga artistang napanood na niya ang pelikula.

nagtanong siya sa katabi niya na kamukha ni...tiya pusit...

b2: ale, saan ho ba ang biyahe nitong dyip? para kasi kayong nag-eekskarsyon. wag ninyong sabihing arkilado ninyo ito?

aleng kamukha ni tiya pusit (akntp): libre ang biyaheng ito, iho, ito ang tinatawag na "biyaheng langit"! sabay tawa ito ay nagtawanan na naman ng malakas ang mga kasama nilang nakasakay.

at parang narinig niyang tumugtog ang "stairway to heaven"

ngunit...bigla siyang natigilan... dahil parang...ang isang kasabay nila ay kamukha ni...dolphy?...at ni fpj? at ni daboy?...at ni elizabeth ramsey? ...at ni nida blanca?...at di na niya matandaan ang pangalan ng iba ang dalawang nakaupo sa estribo ay kamukha nina... redford white at...babalu?

at para siyang biglang binuhusan ng isang timbang ice water...

mga artista nga ang mga ito! mga patay nang artista ng pelikulang pilipino!

b2: PARAAAAAAAAA!

biglang huminto ang dyip... at bago siya tumayong payuko upang lumabas ng dyip ay narinig niya ang boses ng drayber na nagsabing "nandito ka na sa tapat ng bahay ninyo. mag-iingat ka, anak"

di adbentyurs of b2 (buryong dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon