Chapter 2

2 1 0
                                    


It's been 1 month and 3 weeks na kaming nagkakachat ni Kevin. Pero never pa kaming nagmeet. Sometimes we talked about that but never been happen. Sa chat lang naman kasi kami nagkakilala kaya di pa ko masyadong tiwala. Malay mo mabait lang sya sa chat pero sa personal hindi na. Nagtagal ng ganun ang pakikipag usap ko sa kanya dahil I find him different than the other guys. Hindi sya flirt. May sense of humor and magaling mag advice kapag may naii-share akong problema sa kanya. Minsan medyo sweet din sya kaya kinikilig ako. Pero di yung tipong sweet na nagpaparamdam na may gusto sya sayo. Yung pagkasweet nya kasi yung tipong nag aalala sya sayo. Matanong sya kung okay lang ako at kung maramdaman nyang hindi, kukulitin pa nya ko para lang sabihin ko sa kanya yung problema. Basta kakaiba sya. Crush ko na nga sya eh.

"Ano ba yan Aey? First day na first yang laptop mo agad ang kaharap mo." Sabi ng kaklase kong si Madi.

Nginitian ko lang sya at tumutok na ulit sa laptop ko. Kachat ko kasi ulit si Kevin. Saka wala pa namang prof kaya okay lang.

"Ka-chat na naman pala si Kevin eh." Sabi naman ni Lei na nakasungaw din sa laptop ko.

"Ano ba yan?! Kami palagi mong kasama pero yang Kevin na yan ang lagi mong kausap." Kunyareng nasasaktan na sabi naman ni Mickey. Isa din sa barkada ko. Natawa ko sa inasta nya kaya hinarap ko na sila.

"Ang aarte nyo! Alam nyo ba yun?" Natatawa ko pa ring sabi sa kanila. Nagkwentuhan at nag asaran na lang kami hanggang sa dumating yung unang prof namin.

Lunch break at kasama ko lang si Madi dito sa cafeteria. Wala na kong klase mamayang hapon pero yung apat di ko pa alam. Sa ilang subject ko lang kasi sila kaklase di tulad ni Madi sa lahat ng subject classmates kami. Kaya sya na lang ang madalas kong makakasama.

"San na punta mo after this?" Tanong sakin ni Madi habang sya kumakain at ako nakaharap naman sa phone ko.

"I don't know. Ikaw?"

"Tara sa mall?" Pumayag ako kasi ayoko pa din namang umuwi. Kaya nagdrive na ko papuntang mall. Naglalakad lakad pa lang kami ni Madi ng bigla nya kong kalabitin at may itinuturo sa di kalayuan.

"Ang gwapo nu? Tara sundan natin!" Hinila ko bigla ni Madi sa braso at nung mapagtanto ko kung sino yung sinasabi nyang gwapo. Buong lakas kong hinila pabalik sakin si Madi. Napakunot ang noo nya sa ginawa ko pero hindi ko na muna pinansin yun. Nakatitig lang ako dun sa lalakeng naglalakad.

"Aey bakit ba?" Saka lang ako napatingin kay Madi nung magsalita sya.

"Kilala ko yun. Si Kevin."

"Talaga? Tawagin mo. Ipakilala mo naman ako." Excited pang sabi ni Madi.

"Hindi. Hindi pwede. Tara na." May sinasabi pa sya pero di ko na pinansin. Hinila ko na lang sya malayo sa lugar na yun. Baka makita pa kami ni Kevin dun. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan nung makita ko sya. Nahihiya din ako sa kanya kaya ayokong makita pa nya ko.

How Love Its LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon