Chapter 3

1 1 0
                                    


Grabe ang kaba ko habang naglalakad ako palapit sa pwesto ni Kevin. Hindi pa nya ko nakikita dahil nakayuko sya at nakatingin lang sa cellphone nya. Napabuga pa ko ng hininga dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang bigla na lang bumagal ang mundo nang mag angat sya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Ilang segundo muna syang nakatingin lang sakin bago sya ngumiti at tumayo sa kinauupuan nya. Ngumiti din ako sa kanya hanggang sa makalapit na ko sa table nya.

"Hi." Nakangiti pa din nyang bati sakin. Grabe ngiti pa lang nya nakakakilig na!

"Hello. Kevin?" Tanong ko pa kahit alam ko naman na. Basta! Hindi kasi makapagprocess ng maigi ang utak ko.

Ngumiti ulit sya at inextend ang kamay nya sakin. "Yes. And Ate Aey?" Malokong tawag nya sa pangalan ko kaya natawa na ko at ganun din sya. Alam nya kasing ayokong tinatawag nya kong ate Aey. Nagmumukha ka ko akong matanda. Tinanggap ko naman ang kamay nya at naupo na din kaming dalawa. Napalingon ako sa gawing kaliwa namin. Nandun kasi yung dalawa at nakatingin lang pala samin si Clark habang si Lei nagsisimula ng kumain.

"Anong gusto mo?" Bumalik ang tingin ko kay Kevin nung magsalita sya.

"Uh.. kahit ano. Ikaw ng bahala." Nginitian ko sya. Nararamdaman kong medyo nawawala na yung pagkakaba ko at medyo nagiging komportable na rin ako sa kanya pero may konting hiya pa rin talaga.

"Buti pumayag ka ng makipagkita sakin." Sabi nya habang hinihintay namin yung order namin.

"Gulat nga din ako eh. Hahaha." Medyo natawa kaming dalawa sa isinagot ko.

"Ang ganda mo pala talaga nu?" Nakangiti nyang sabi habang nakatingin sakin. Bigla tuloy akong nahiya at hindi agad nakapagsalita. Natawa sya ng mahina kaya napatingin ako sa kanya.

"Wag ka ng mahiya. Totoo naman eh." Sabi pa nya ulit. Nginitian ko lang sya bilang sagot. Ano ka ba Aey? Napipi ka na ba? Sabi ko lang sa isip ko.

"Mahiyain ka pala talaga? Akala ko binibiro mo lang ako nun. Sa chat kasi parang hindi. Mahilig kang mag joke kaya nakakatuwa." Parang naaaliw pa nyang sabi ulit.

"Una pa lang kasi kaya medyo nahihiya pa ko pero pag nasanay na ko malalaman mo na kung ganu ko kakulit at kagulo." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Sasagot na sana sya pero biglang dumating na ang order namin kaya kumain na muna kami.

Busy ko sa pagkain ko ng mapatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sakin kaya na-conscious na naman ako at nagtanong. "Bakit?" Ngumiti sya bago nagsalita. "Wala lang, ang ganda mo lang." Nagulat ako sa sinabi nya at walang maisagot kaya pabirong inirapan ko na lang sya at natawa naman sya kaya natawa na din ako.

"Promise! Totoo nga. Walang halong biro." Sabi pa nya habang medyo natatawa pa din. "Tigilan mo na nga ako Kevin. Nahihiya na ko." Nakasimangot pero nangingiting suway ko sa kanya.

How Love Its LikeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon