(kinabukasan)
[sniffs] "hmm, ang bango nman nun." AKO
nagising ako dahil nilalamig ako at nakaamoy ako ng pagkain, pasensya patay gutom lang po pero pag tayo ko
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" -AKO
Isang makabasag eardrum na tili. Hala bkit ako nakahubad at nasa ibang kwarto ako.
"Huhuhuhuuhuhuhuhuhu, wala na. Wala na ang aking banal na hiyas, nabasag na, AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" -AKO
Nakarinig ako ng mga yabag ng pagtakbo, at pagkakita ko si Hane parang gulat na gulat, nagulat yata sa tili ko.
"Hane, huhuhuhuhuhu anu nangyari sakin? bakit ako nakahubad, bakit ako nandito?" -AKO
"Hahaha, wala nalasing ka lang naman kahapon kakalaklak sa strawberry margarita tapos dinala na kita dito sa condo ko. Hindi ko alam bahay nyo eh, tapos yung damit mo nasukahan mo kagabi." -HANE
Hayyy salamat at hindi pa nabasag ang banal na hiyas.
Ayun, kumain na kami, tapos may binili na syang damit para sakin, tapos umalis na ako para makauwi na, hindi nga ako nakauwi kagabi kasi nga nalasing ako, sure ako papagalitan ako ng ate kong panget.
==========================================================================================================
Williams' residence
Hala kanino kayang kotse to? Pumarada pa talaga sa harap ng mansion namin, pero parang may kamukha tong kotse na to.
Pagpasok ko nakita ko ang mga mukhang matagal ko ng hinihintay at syempre namiss ko din.
"MAMA, PAPA!!! -AKO
Sabay takbo sa kanila, pero imbis na mahigpit na yakap ang sumalubong saakin isang malakas at malutong na sampal ang inabot ko. Gulat ako, gulat na gulat hindi ko alam pero parang galit na galit si mama nung sinampal ako at naguguluhan na ko sa mga pangyayari
"Wala kang kwentang anak, wala kang kwentang babae!!! Napakalandi mo ang dumi-dumi mo!!! MAMA
"Bakit po ano pong ginawa ko, sorry po hindi po ako nakauwi kagabi mama" -AKO
Naiiyak na ko, first time lang akong sampalin ni mama at galit na galit pa sya sakin ngayon.
"Eto tignan mo ang mga kalandian mo, eto ang mga sumalubong samin ng papa mo dito sa bahay, yan yang mga pruweba ng kalandian mong babae ka!!!" MAMA
Sabay hagis ng mga litratong bumasag sa pagkatao ko, ako nga ang mga nasa litrato, ang litratong magkayakap kami ni Hane nang parang nakahubad at nasa isang kama at iisang kumot.
"Kita mo yang mga kalandian mo pati boyfriend ng ate mo nilandi mo, hayop ka ang dumi-dumi mong babae ka!!!" -MAMA
Iyak ako ng iyak, pinaliwanag ko sakanila ang totoong nangyari simula sa boyfriend ko si Hane at nalasing ako nasukahan ko ang damit ko at walang nagyari saamin, pero hindi naniwala ang mga magulang ko saakin, at ang pinakamasakit pa si papa na inaasahan kong magtatanggol at magpapatahan saakin ay walang ginagawa.
Habang iyak ako ng iyak nag simula na palang iimpake ang lahat ng gamit ko, nagulat nlang ako ng sinabunutan ako ni mama at kinaladkad ako palabas ng bahay.
"Lumayas ka na dito wala kaming anak na katulad mo, LAYAS!!!" -MAMA
"Mama, papa hindi totoo yang mga nakita nyo, totoo po yung mga sinasabi ko, please paniwalaan nyo naman po ako." AKO
Humahagulgol ako nagmamakawa sa kanila na paniwalaan ako, pero wala. Nabato ang mga puso nila, mga tenga ay tila bingi at walang marinig sa mga aking pagsamo. Niyakap ko sila pero wala pilit nila akong tinaboy at tinulak hanggang sa kalsada.
"UMALIS KA, hindi ka namin pinalaki ng walang delikadesa at hiya sa balat mo!!!" -MAMA
Sabay sampal ng malakas saakin kaya natumba ako sa kintatayuan ko, sa lakas ng sampal napadapa ako sa kalsada, iyak lang ako ng iyak, naghihina na ako pero gusto ko pang tumayo at magmakaawa.
Aalis na sana sila kaya naman nagipon ako ng lakas para tumayo at habulin sila at ng papatayo na ako.....
....hindi ko napansin pero may kotse na pala sa kalsada, tumatakbo ito ng mabilis at ito'y papunta sakin, ang huli kong narinig ay ang busina ng kotse, ang aking sigaw, ang paghampas ng katawan ko sa kotse at hanggang sa nawala na akong marinig at wla na akong makita kundi puro dilim.
(END OF FLASHBACK)
Yun ang nang yari kung bakit ako iyak ng iyak ngayon, gulong-gulo ako sa mga nangyari, kung bakit may picture na ganon, kung bakit sinabi nila mama at papa na boyfriend ni Ate Dara si Hane.
Galit din ako sa mga magulang ko, hindi nila ako pinaniwalaan, wala silang tiwala saakin. Hindi nila ako pinakinggan, kahit na humagulgol at magmakaawa ako sa kanila parang wala silang naririnig at nanatili silang parang bato.
Nandito na pala ako ngayon sa hospital nagpapagaling, buti nalang at gasgas, sugat-sugat, hiwa sa bandang noo at pilay lang sa kaliwang braso ang naabot ko.
Maya-maya bumukas ang pinto at sumalubong saakin ang mga mukha ng mga taong dahilan kung bakit ako nandito. Ngayon ang mukhang kinasusuklaman ko, sina mama at papa.
"Bea anak, ayos ka na ba?" -PAPA
"Hindi nyo ako anak, kayo na rin nagsabi nyan. Wala rin akong magulang na katulad nyo at bakit pa kayo nag-abalang pumunta dito? Nakokonsensya ba kayo?" -AKO
"Bastos ka talagang bata ka, ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang may ganang magalit!!!" -MAMA
"BAKIT? TOTOO BA YANG MGA BININTANG NYO SAAKIN HA? NANIWALA BA KAYO SA MGA SINABI KO? HALOS MAGMAKAWA NA AKO SA INYO PAKINGGAN AT PANIWALAAN LANG AKO PERO WALA KAYONG PINANIWALAAN KUNDI YANG PESTENG LITRATO AT ANG MGA KASINUNGALINGAN NA YAN!!!" -AKO
Galit na galit ako, nagsimula nanamang magsitulo ang luha kong kanina pa pinipigilan.
Sampal nanaman ang ibinigay ng magaling kong ina saakin.
"Yan dyan kayo magaling, sa mga pananakit nya. Mabuti pang umalis na lang po kayo kung ganito lang din gagawin nyo sakin. Leave while I still have grain of utter respect for both of you!!!" -AKO
Lumabas na lang sila, ayoko rin naman muna silang makausap eh...
I've never felt so empty. Pakiramdam ko sirang sira ako...