Chapter 4

2K 53 6
                                    


Alyssa's POV

After the seniors and Jirah moved out, the rookies filled into the dorm 2 weeks later. And it has been really great having them, hindi na kami masyadong nagdr-drama sa pag-alis ng mga seniors namin at ni Jirah.

Well, si Marge paminsan-minsan nagdadama pa rin talaga sa pag-alis ni Jirah. I even caught her, once, looking through old pictures of Jirah and her. I can't blame her though, she loves Jirah.

But aside from that sobrang light na ng mood sa dorm, at sobrang close na rin namin sa isa't isa. Parang ngang hindi umalis yung iba eh.

At ngayon, kami naman yung mga tinatawag na seniors. Medyo nakakapanibago nga din eh na ako na yung tinatawag nilang captain.

Kami na mga seniors ang in charge sa pag-guide ng mga mas bata kesa sa amin, well except Kiwi. Jusko, si Kiwi kasi minsan ang pasimuno sa mga kalokohan. Yung tipong di niya sinasadya pero sobrang nakakatawa lang talaga, atsaka minsan naman si Ella.

Buti na lang talaga nanjan si Denden, pero di naman kami mahigpit sa mga bata. Gusto lang namin na may disiplina pagdating sa training.

"Ate Ly! Breakfast na po!" Tawag ni Mich mula sa kusina, kaya agad naman na akong tumayo sa bed ko atsaka nag-sout na ng shoes at bitbit ko yung bag namin ni Den. Naliligo pa kasi ito sa banyo eh.

"Den!" Tawag ko galing dito sa room.

"O?!" Sigaw nito pabalik at halatang pinatay yung shower para magkarinigan kaming dalawa.

"Breakfast na, sunod ka na lang sa baba. Bitbit ko na pala yung mga gamit natin!" Sabi ko dito habang inaayos yung sintas ng sapatos ko.

"Okay! Salamat Besh!" Sigaw nito at nag-on na ulit yung tubig kaya lumabas na rin ako ng kwarto.

Di ko naman mapigilang mapangiti, nito kasing nakaraang buwan di na kami nag-away pa ni Den except lang sa konting mga tampuhan. Mostly ako yung nagtatampo, because sometimes we are going to plan to do things but we end up on not doing it because she has to go to her boyfriend. Typical.

And to be honest, what I'm feeling right now towards Den is making me feel guilty. Because at times, I forget na nanjan si Jovee. That I have boyfriend that to be quite frankly I don't love and it makes me feel bad. I love him, but not in a way that he loves me. I can only love him like a friend, because my heart is already taken by a person who can't love me back.

Sobrang mabait na boyfriend si Jovee sa akin, kahit na sobrang dami kong pagkukulang. I can't even remember a time na nagreklamo si Jovee sa tuwing iiwan ko siya kasi kelangan ako ni Den. Pag-iiwan ko siya, sasabihin niyang okay lang pero alam ko deep inside hindi okay. Pero never nagreklamo si Jovee which makes me feel more guilty.

Hay, kaya nga tomorrow we're going on a date so I can make it up to him. Kasi wala na rin akong time for him and he's been really understanding about it.

When I arrived downstairs I'm immediately welcomed by the smell of bacons and other good stuffs.

"Hi captain! Good morning!" Bati ni Bea sa akin mula sa sala kung saan nasa tabi niya si Gizelle na natutulog sa balikat niya.

"Hi Bei, good morning!" I greeted back as I dropped the things that I was carrying beside the sofa.

"Besh, yung bag ko? Di mo dala?" Sabi ni Ella, kunware seryoso kaya napakamot na lang ako ng batok. "Sus, yung kay Denden lang yung dinala mo, nakakatampo." Sabi pa nito at nagkuwanreng nagtatampo talaga.

"Ella, di ka niya mahal!" Asar naman ni ate Aeriel sakanya kaya naman natawa kami lalo na yung mga dating nasa team na. Pero gets narin naman ng mga rookies, alam na rin nila yung tungkol sa amin ni Den. Well tungkol sa feelings ko towards kay Den.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UncoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon