6. Pistolero To Nikki

1.2K 12 1
                                    

Masyado nang pansinin ang pagpansin sakin ng mga matang mapanghusga. Mayabang daw ako? Kahit 'di naman nila ako lubos na kilala. Hindi ho ako mayabang. Rapper lang ako. Ansagwa naman ho siguro kung babattle ako dito nang nagmamaamo! 'Diba?

Ang hirap kase, pagnasentrohan na tayo ng paningin ng madla, ang hirap ng tumakas. Manonood ng ganitong klaseng eksena pero galit pag may nagpapakita ng angas. 'Diba? Hindi po ako mayabang, rapper lang ako.. yung mga nakikita natin sa battle 'wag na natin pang haluan pa ng ibang kulay. Tandaan niyo po magkaiba ang diskarte ko sa pagpapaikot ng laban at pagpapatak. bo ng buhay!!

At hindi porket maraming nayayabangan sakin ay matatakpan na niyan yung pagiging pangit mo. Pero kung gusto mo? Konti yung taong makakakita diyan sa pangit na pagmumukha mo? May solusyon diyan sa daing mo. Ngumanga ka, tignan mo yung lense ng camera, pasok natin sa bibig mo. 'Diba? At least sa youtube lalamunan mo lang yung kita nila. At least nakatago yung mukha! 'wag mong sabihing nahihirapan ka kasi sa laki ng bibig mo, kahit may camera ka diyan, kayang kaya mong magsalita!!!




Fliptop LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon