8. Abra To Shehyee

2.7K 7 0
                                    

Hindi ko akalain na makikipaglaban ako sa isang mangyan ng iba pang lungga, na mababa ang tingin kay bathala kaya, ayan, ganyan ang ginawang sumpa. Yung baba nya sandata at yan ang pinapang-tuka. Sa sobrang haba nyan pwede nang lagyan ng isa pang mukha.

Kung face value ang usapan wala ako kahit konting kaba. Kasi ang asim na nga ng mukha mo, tapos, korteng mangga. Mangga-ling ka man sa Mangga-luyong isa ka pa ring mangga-gaya. Pag lumaking duktor – manggagamot, pagtrabahador – manggagawa.

Sa ganyang baba, siguro pag humihindi ka pwede ka ng makasuntok ng tao. Pag umu-oo ka naman pwedeng pwede ka ng pampukpok ng pako.

At kung magrereband ka lang nang... baba ka ng baba eh height mo nga mababa. Tsong ba iba na, kasi ang baba ng kaligayahan mo tapos yung mukha mo may takong sa ibaba.

Isa lang naman ang tanong ko jan sa alaga mong parihaba... baba, baba pano ka ginawa?

Napakatulis na parang espada ng samurai na sa mukha nakalagay. Yumuko ka lang ng konti, hara kiri pwede ka ng magpakamatay.

Gwapo daw sya, alyas baba-baero. At marahil man kung tama. Hinirang na looks can kill pag nasagi ka ng baba.

Sabi nya papatayin daw nya ako gamit yung baba nya. Tol, wag ka masyadong maangas. Sabi mo mahaba ang baba mo pero hindi yan ganun katalas.

Fliptop LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon